Chapter Eleven

2192 Words
Kasama ko si Yeugih ngayon na seryosong nagda-drive. I furrowed my eyebrows because of curiousity. "Don't. Even. Ask. Alpha asked me to do it, okay?" Inis niyang panguna kaya mas sinalubong ko pa ang kilay ko. Wow, siya pa ang may ganang magalit gayong ako naman ang kinaladkad niya at pwersahan na pinapasok sa sasakyan niya. k********g ang tawag nito eh. "Galit? Naiinis? Ba't ka nagagalit o naiinis sa 'kin? Ikaw nga ang kumaladkad sa 'kin dito ng walang paalam, dapat ako ang magalit uy! You're being unfair!" Inis kong bulyaw. He sighed. "Sorry, Luna. M-May problema lang po k-kasi ako." Nahihirapan niyang saad. Problema? "Why? Anong problema? About ba sa Alpha niyo? Pinapahirapan ba kayo?" "No, not that, Luna. I-I mean, l-love-- you know," Nahihiya pa niyang sabi. Love? Problema sa love? Ah, baka binasted siya? "Bakit nga? Binasted ka?" "I don't do courtship, Luna. I think that's why she hates me," mahinang sabi niya. Ikinunot ko uli ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Kanina pa yang luna-luna ah. Akala nila, ‘di ko yan napapansin. Even Georgianne and Louen, gan’yan na ang tawag sa 'kin. "You're calling me luna for what? Excuse me, Yeugih, tao ako. Mukha ba akong isda?" Sabi ko, a bit insulted. Mabilis na nanlaki ang mata niya at umiling, pero nagpatuloy ako. "Everyone's calling me luna since the day Eigen hugged me in front of everybody." "Eh-kasi-First, hindi po ibig sabihin ng luna ay tuna. Hindi po yun isang uri ng isda, kung iyon inaakala niyo," Sabi niya at iniliko ang sasakyan sa isang mas tahimik at nakakatakot na daan. Puno nang mga puno ang gilid ng daan, halos ‘di pinapakita ang araw sa itaas kaya madilim. Naka-open ang window ko kaya rinig na rinig ko ang mga tunog ng mga sangang nasasagasaan ng gulong. Pati ang hangin, dinig na dinig ko dahil sa tahimik na daan. "Eh, ano ba kasi 'yang luna? Naguguluhan na ako sa inyo, ha." "You seriously don't know what's a luna? Really?" Di makapaniwala niyang sabi. Napairap ako. "Kung alam ko, sana ‘di na kita tinanong," Mataray kong sabi. He chuckled and put his other hand on the door beside him. This made me think na weird pala ang mga lycans na nakatira sa mga ganoong lugar, kagaya ng Mayhem. I live at a province called Central Navillera, pero wala akong naririnig na may tumatawag sa isang tao na luna. Or maybe, naiwan lang ako ng panahon. You know, I am not aware of the outside world anymore. From the day I stepped inside Don Francisco’s manor, I was already detached from the outside. "Uhm, we're calling you luna because it's our alpha's order. Eigen's order. Ikaw din naman ang uupo sa trono ng magiging luna ni alpha kaya gano’n. Kagustuhan ko ring tawagin ka sa normal mong pangalan ay di ko magawa. Mapapatay lang ako ng alpha." "So utos ni Eigen na tawagin niyo ako ng luna? Are you all nuts?" Di makapaniwala kong sabi. Bakit naman uutusan ni Eigen na tawagin nila akong luna? Ano ba ang tingin sa 'kin ni Eigen, pinanganak na walang pangalan? Wow, is he really nuts? Kakaratehin ko talaga ‘yon pag magkikita kami. "Hindi, luna. Ganito kasi ‘yon," sabi niya. "Tawag namin sa mga mate ng alpha ay luna. Means, kung ikaw ang napili ng alpha na maging luna niya or bride or ano ba 'yan sa inyo, kailangan ka naming i-label as our luna, a sign of respect." mahaba niyang pahayag na hindi ko naman talaga naintindihan. "Ha? ‘Di ko naiintindihan. Mate? You mean, soulmate, ‘di ba?" Tumango siya. Napahalakhak ako. "Saan niyo naman naisip na soulmate ko si Eigen? You guys seriously needs to be more serious about that, Yeugih. Hindi niyo ako matatawag na luna kasi hindi naman ako ang soulmate ni Eigen. No way, hell way," ani ko at tinignan ang daang mas naging masukal. I don't understand. Hindi ko naman asawa si Eigen para sabihin kong soulmate ko siya. I don't have a knowledge when it comes to this. Inosente ako pagdating dito. "You're hard to explain, luna. Basta, hayaan mo na lang kami na tawagin kang Luna. Baka kasi, isa-isahin kami ni alpha," anito na ikinatahimik ko nalang. Sobrang gulo na ng utak ko na halos hindi na ako makapagsalita. Ayaw kong magkabuhol-buhol ang sasabihin ko. Magmumukha lang akong tanga. First, sa mga acts ni Eigen. Second, the halfbloods. Third, Khione. Fourth, the box and a piece of parchment. Fifth, the curse. Sixth, my 21st birthday. Okay, this is really confusing. Sa kalahating oras naming pagbyahe ay hininto niya ito sa isang ridge. Anong gagawin namin dito? Maaga pa, alas kwatro palang ng hapon, hindi pa papalubog ang araw. Napamangha ako sa nakita ko nang makalabas ako sa sasakyan niya. Kita dito ang kabuuan ng Mayhem. Kaya pala feel kong pataas ng pataas at nagiging masukal ang dinaanan namin. Mas maganda ata dito if gabi. Kita mo ang city lights. I've only seen citylights at internet. Sa pagkakakita ko, sobrang ganda nito, lalo na't nasa mataas ka na lugar at pagmamasdan mo ito. I really want to see it myself. Ayaw kong hanggang picture o pangarap nalang ko. Hmm, well, soon. "Anong ginagawa natin dito, Yeugih? Itutulak mo ako?" Pambasag ko ng katahimikan nung maramdaman kong mahaba na'yun. "Of course not, Luna. Takot ko lang umuwi ng walang ulo," aniya. "Okay. So ano ang ginagawa natin dito?" Nakita ko siyang humiling sa gilid ng kanyang sasakyan, kaya ginaya ko siya. Narinig ko siyang suminghap at pinagmasdan ang malaking kahoy sa gilid ko. I looked at the tree. Medyo malaki ito, halatang matagal nang nabubuhay. Maririnig rin ang bagsak ng tubig, at ‘di ko alam kung ano at bakit may tubig doon. Maganda pala rito. Nakita ko ring may dalawang sementong upuan at isang mesa na nilulumot na sa ilalim ng puno na pinagmamasdan ni Yeugih. "This is....a sacred place of Mayhem. This place is called Hemlock Ridge, named after the most powerful Alpha of Mayhem, Kou Hemlock," panguna niya kaya tumango-tango ako, pero dinagdagan niya ang sinabi niya. "Where Eigen met Gwen." Malungkot niyang sabi na ipinagtaka ko. I don't know Mayhem at all. Its history nor tradition, hindi ko alam. Pati history ni Eigen, hindi ko alam. Maybe, this is the right time to ask Yeugih about the deeper him. If only I can ask him directly, but he seem too busy and tired for it, kaya wala rin naman akong choice. "Sabi mo, sabi ni Eigen na kailangan mo akong papuntahin dito? Nandito ba siya?" Umiling siya. "I know alpha's going to kill me for this, pero alam ko ring gusto mo alamin ang buong pagkatao, ang history niya at ang pamilya ni Eigen, hindi ba?" Yeah, he's right. Hindi ko rin naman mapigilang mag-isip about Eigen's history. "We're 3 hours early. Sinadya kong agahan ang pagkuha sayo para magkwento. I know it’s not my story to tell, but I have no choice… Either they will hide it to you or forget that it’d happen and never bring it up again," hindi na siya nakatingin sa 'kin ngayon. Nakatingin na siya sa lugar na nasa ibaba sa'min. "Let's start about Eigen first." He trailed off. "Eigen's.... the most kind and helpful lycan I knew in my entire life." Mabilis akong napalingon sa kanya. Kind and helpful? Pinapatawa niya ba ako? "Not until that bloody night came," pagpapatuloy niya. "Magsisimula ako talaga sa simula bakit ganyan siya sayo at sa iba. How he became the heartless alpha he is now." Hindi ko mapigilang maramdaman ang lungkot sa tonong ginamit niya. Now, I'm really, really curious. "You think he's not that heartless, right? Ramdam ko pa ngang mas matigas ang puso mo kesya sa kan’ya," Halakhak niya. Sinamaan ko siya ng tingin at sinapak sa balikat. "Eigen were known as the most responsible, helpful, and the most kindest lycan in the city named Mayhem. Hindi mo ata ako pinapaniwalaan, but I know to myself that I'm not lying. Saksi ako roon, luna. Wala siyang taong hindi niya tinulungan. Lahat-lahat, luna. Handa niyang ubusin ang kayamanan niya para sa ibang tao na hindi naman niya kaano-ano." Hindi ko alam, but I found myself smiling at his story. I thought ang nalalaman ko ngayon ay yun na talaga yun. May mas malalim pa pala. "Eigen came from a broken family, kaya mas lalo ko siyang nabiliban. Bata pa lang kami ni Larken, Hendrick at ni Eigen ay magkakaibigan na kami. But eventually, Hendrick moved to Central Navillera because of an unknown reason,"tumango ako para ipagpatuloy niya pa ang kwento niya. "His mom is a vampire, and his father is an alpha of Mayhem. That explains why her mother still looked young. His father passed away when we're still in high school, pero hiwalay ang kan’yang ama at ina. Kahit ganoon man, ‘di siya tumigil sa kanyang kabutihan dahil sa pagkamatay ng daddy niya, even though na ang daddy niya lang naman ang kakampi at kasangga niya sa lahat. Nagpatuloy siya. Dahil sa kan’yang kabutihan, he met Gwen. Gwen's a full human, pero close sa lycans. They met here, and I don't know why and what's the reason kung bakit sila nagkakilala. Alam ko lang, mabilis nadevelop ang feelings ni Eigen kay Gwen." Kanina, nasisiyahan pa ako sa sinasabi ni Yeugih. Ngayon, para akong sasabog dahil sa inis. Ewan, parang may namuong poot dito sa dibdib ko. Why am I being like this? "Kita mo naman ‘yong painting sa kastilyo diba? At their 2nd year relationship, Eigen painted it themselves. Yes, they both painted it. Hindi sila nagp-pose kagaya ng mga nakikita mo pag may nagpapapainting. They, themselves, are artists. Bilib na bilib ako sa dalawang ‘yon. Nakakainggit nga eh," Umirap ako sa kawalan. Ewan, parang gusto ko nalang itulak si Yeugih dito. Naiinis ako na ewan. "Masayang-masaya sila sa relasyon nila, luna-" "Teka, pinapatamaan mo ba ako? Iniinsulto or what?" May bahid na galit kong sabi, pero umiling lang siya. "No, luna. I just want to tell you his history. Ayaw ko naman na iwasan mo ang kan’yang nakaraan. I know Eigen won't tell a bit about this. All I know, nasasaktan pa siya sa nangyari," I contorted my face. "So, I was saying, masayang-masaya sila sa relasyon nila. Date here, date there. Pero sa mga panahong iyon, Alpha na si Eigen. Ang nakakaalam lang sa relasyon nila ay kami nina Hendrick at silang dalawa." "You mean, tago ang relasyon nila?" "Yeah." "At umabot sila ng dalawang taon? Wow. Nice." "Uh-huh. Ganon nga. But not until her mother knew about their relationship. Hindi nakatakas si Gwen sa galit ni tita Jai. She killed Gwen herself. Sa harap ni Eigen. Sa harap namin," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Eigen's mother.... killed Eigen's girl? "Galit na galit rin si Eigen noon. Nagwala siya at malapit na mapatay ang sariling ina. Hindi pa namin nakitang ganoon kagalit si Eigen. We're only the living proof of his past. Ang iba.... napatay na niya. Of course, not his family and relatives. Kahit paano, may puso pa rin naman siya. Unti-unti niyang natanggap ang nangyari. Nagbalik ang lahat sa dati, ang pamumuno niya, at ang relasyon niya sa kan’yang pamilya. But the old Eigen never came back. Maybe it died along with Gwen," mapait siyang napangiti. Lumubog na ang araw at unti-unti nang nagsilitawan ang mga ilaw doon sa ibaba namin. Alas singko y medya palang naman. Nalungkot ako, for the nth time. Hindi ko akalain na ganoon pala yun kahirap kay Eigen. If na-meet niya kaya ako ng mas maaga... Mac-comfort ko ba siya? I can barely imagine Eigen, breaking down in front of me because of this makes my heart ache. "So, may I ask you a question now?" Tahimik akong tumango. "Sa ilang buwan mo nang nanatili diyan sa kastilyo, natatandan mo pa ba ang araw na sumuko siya sayo?" Nag-isip ako. Oo, natatandaan ko pa. The memory is still vivid on my mind. "Oo. N-napansin kong.... maaga siyang sumuko sa 'kin…" Naguguluhan kong untag. "Yeah. Because she really looks like you, luna." Hindi ako nakaimik ng diretso at napatingin kay Yeugih na seryoso na palang nakatingin sa 'kin. The lights reflected on his black eyes. Akalain mo nga naman, gwapo din pala ang isang 'to. But there's not time for compliment now. Marami pa akong tanong na hindi nasasagot. Marami pa akong hindi nalalaman na kailangan kong malaman ngayon din. "Every part of you, luna, really looks like Gwen. Kita mo ang reaksyon ng kapatid niyang si Eurica? She was shocked as well. Pero kami, hindi na. Kitang-kita namin sa dalawang mata namin kung paano pinatay ni Tita si Gwen.” Hindi parin ako nakaimik. This is why he gave up at our game. Because I looked like the girl he loved once. ‘Yon lang pala. Tangina, ba't nasasaktan ako? Akala ko, naging close kami dahil gusto niya ako. ‘Yon pala, kamukha ko lang ang babaeng mahal niya. Tanginang babaeng mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD