Chapter Fifteen

1551 Words
"I'll hold on to your words, Eigen," Sabi ni Damion at sumulyap sa 'kin. Napaiwas naman ako ng tingin. s**t, nakakahiya. Why did he said that? He didn't mean that, right? Tangina mo, heart, lubayan mo ako! ‘Wag ka ngang tumibok ng malakas at mabilis dyan! Baka marinig ka ni Eigen! "You know me, Damion. I don't like breaking promises." Ani ni Eigen na sinang-ayunan ni Damion. Kinuha niya ang bata kay Eigen at tinawag ang bata na nasa harapan ko. Napahinga ako nang malalim no’ng makita kong naglalakad na sila papunta sa isang black na Navarra at nilagay ang mga bata sa passengers seat. There's a long awkward silence between us. Ayaw ko naman magsalita, baka ano pa masabi ko. Natatakot ako. Nakakatakot ang t***k ng puso ko ngayon. Nakakatakot ang reaksyon nito. "Shall we go? It's pass one, baka nagugutom ka na," Nilingon ko siya na ikinasisi ko lang. Build a damn wall, Freya! ‘Wag ka ngang gumawa ng gawa sa buhangin! Tangina, ikaw lang ang masasaktan n'yan eh! I saw how his blue eyes glittered when the noon sun hits it. Napaiwas muli ako bago tumango. Kailangan ko talagang pigilan 'tong nararamdaman ko. - Sa ilang araw kong pamamalagi pa rito sa hospital ay palaging nandito si Eigen sa tabi ko. Kaya naman ang lintik kong puso ay kinikilig. I hate my own heart now. "Yeugih?" "Yeah?" Bungad sa 'kin ni Yeugih, dalawang araw na ang nakalipas nang makalabas ako ng hospital. Busy ito sa pagkalikot ng isang libro kaya roon nakatuon ang mata niya. I rolled my eyes. He’s nerdy than I thought. "Can you help me?" "Help me with what, Luna?" Tanong niya pabalik at panay pa rin ang pagkalikot sa libro. Tuluyan akong umupo sa isang pang-isahan na sofa, kaharap nang sa kan’ya. Nag-aalinlangan pa akong sabihin sa kan’ya ang pabor na hihingin ko sa kan’ya. What if he'll tell Eigen about this? It's not that inililihim ko ang tungkol dito, but I don't want him to notice that.... my curse are now severe. I can feel it. Medyo matagal ko nang hindi inaamin sa sarili ko, pero alam ko talagang palala na palala na ito. I know, I know. He'll hate me after this. But this is for my best. For me. "Just promise me one thing," sabi ko na ikinalingon niya. He looked at me over his eyeglasses that as big as his face. Bahagya niya akong tinaasan ng kilay. "Promise me you won't tell Eigen or anyone about my request." Panguna ko bago pa naman siya makatanong kung ano ba talaga 'yon. Ngayon, napaupo siya ng maayos at napatikhim. "I can't promise that, Luna. I can do that, but I can't promise kapag gagamitan na niya ako ng pwersa. Luna, ayaw ko pang mamatay. May ninilagawan pa po ako," sabi niya sa isang nagmamakaawa ngunit seryosong tono. Gusto kong humalakhak sa sinabi niya, pero alam kong seryoso siya. I sighed. "Okay. Basta, tulungan mo lang ako." "As you wish, luna. Pero ‘wag lang 'yang about sa pagpatakas sa 'yo, ah? The last thing I knew, malapit niyang mapatay si Hendrick dahil sa pagtulong niya sa 'yo na makaalis dito." Napakagat labi ako sa sinabi niya. Damn, I don't want to risk Yeugih's life. Also, I don't want to risk mine. Oo, susundin ko ang sinabi ni Khione. It's now or nothing. Gusto ko pang mabuhay.... for an unknown reason. "About that.... uhm, it's some kind of escaping, Yeugih--" "No, I won't do that Luna. Sorry, mahal ko pa ang buhay ko." Untag niya at binalik ang atensyon sa libro niya. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumapit kay Yeugih para magmakaawa. "C'mon. Promise, gagawa ako ng paraan para makalabas tayo. And... if he'll find out about this, ako ang sasalo sa galit niya. Ako ang aako. Hindi ka madadamay," pagsusumamo ko, sakaling papayag siya. He sighed and looked at me intently. "Luna, I know you'll do that. Pero alam ko. Alam na alam ko, na hindi ka masasaktan ni alpha dahil mahal ka niya. Eh paano ako? Kayang-kaya niya akong patayin. Luna naman." "I promise, Yeugih. A promise is a promise. Just help me with this, please? At anong sinasabi mong mahal ako ni Eigen?" Tumayo ako at nakisiksik sa sofa na kinauupuan niya. "Manhid," He mumbled. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman ay tumawa siya. "Luna, talagang sigurado ka r'yan aa desisyon mo? Pwede tayong mamatay niyan. Or worse, ako, pwede akong mamatay. Ayaw ko pong iwan si Asthreya," aniya. "Damn it, Yeugih, kung papatayin ka man ni Eigen, ako ang sasalo! Pero of course, I have to stop him to kill me. I love my life too. And.... I want to live for an unknown reason…" Mahina kong binigkas ang huli kong sinabi. Hindi niya ako inimik kaya napatingin ako sa kan’ya. I'm stunned when his black eyes met my green eyes. Nothing special about it. I’m just surprised, at hindi tumalon ang puso ko. Normal lang ang takbo nito. ‘Di tulad pag kay Eigen na ang nakatitigan ko, nalulusaw ako at iba na ang takbo ng puso ko. "Okay. Tutulungan kita, Luna. In one condition." Lumalim ang gitla ng noo ko. "What is it?" "If ever, don't...." suminghap ito. "Don't reject him, okay?" - Mahina akong kumatok sa pintuan ng library ng kastilyo. Sabi kasi ni Louen, nandito daw si Eigen at medyo busy sa kung ano man ang ginagawa niya. No one opened the door, kaya kusa ko iyong binuksan. Yes, gagawin ko iyon. I have no other choice left. Alam ko sa sarili kong lumalala na ang sumpa. Dati, noong nakukulong pa ako sa bahay, wala naman talaga akong pake sa sumpang ito. Ni 'di ko nga alam kung anong meron sa sumpa kong ito. Alam ko lamang ay pwede ako mamatay. "Hey," He said, making my heart thump. At ito. Malala na ito. "Uh, busy ka?" Nakita kong umiling siya at binaba ang eyeglasses na suot niya. He motioned me to go in further, so I came closer. "Anong ginagawa mo?" I asked. Umupo ako sa upuang katabi sa kanya. "I'm memorizing the Laythel and Shuriken’s map," aniya. Tinignan ko naman yung mesa, at nakita kong may dalawang malaking mapa roon. Aanuhin naman niya ang mapa? "Bakit?" "It's a secret." He grinned. I rolled my eyes. Talagang ang sarap sipain ni Eigen minsan. "By the way, why are you here? Do you need anything?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napaiwas ng tingin. Kinakabahan ako. Baka hindi siya papayag. But, I won't give up yet. Malapit na ang kaarawan ko. I won't waste this chance. Ngayon lang free si Yeugih kasi si Larken ang naka-duty ngayon. He told me that I should give it a shot. "Pwede ba akong magpa-sama kay Yeugih sa--" Naramdaman kong naging alerto ang katawan ni Eigen. His aura got darkened, kaya natakot ako. Tangina, ba't ba nakakatakot 'tong isang 'to? "Where? When? Ba't ka aalis? Importante ba ito? Bakit kay Yeugih ka magpapasama? Iiwan mo na naman ba ako?" Gusto kong matawa sa paratang niya, pero 'wag na lang. "Kung iiwan kita, sana noong una palang, umalis na ako sa poder mo." Nakita kong umasim ang mukha niya at napa-iwas ng tingin. I frowned. "Sige na. Pasama lang ako kay Yeugih. Hindi naman kami magtatagal eh." "Bakit nga? Saan kayo pupunta? Pwede naman ako ang magda-drive? Why Yeugih?" I straightened my brows and sighed. Jusko po, pwedeng paalisin ang kilig sa katawan ko? "Busy ka, I know. Promise, hindi kita iiwan. May pupuntahan lang ako sa Ataxia." Napaangat siya ng tingin. I saw some emotions that Eigen usually hides. Napatanga ako. Nagseselos ba siya? "Bakit ba ayaw mo akong ipagdrive ka? I'm a better driver than Yeugih--" "Eigen! Jusko, may pupuntahan lang ako doon, ‘yon lang! Wala akong gagawin na kababalaghan, okay? Uuwi ako mamayang alas singko." Kumunot ng husto ang noo niya. Oh no. More questions. "Ang tagal naman ata? Alas sais pa ah? Magde-date ba kayo ni Yeugih? Itatakas ka ba niya? Ilalayo ka ba niya sa 'kin?" Wala sa oras akong napasapo ng noo. This is hopeless. God, ‘di ko alam na ganito pala talaga humingi ng permisyo. Sana hindi na lang ako nagpaalam. "Jusko naman, Eigen eh! Oo ba o hindi?" "I won't answer that unless you'll tell me what's with you and Yeugih, going to Ataxia." Sumandal siya sa kanyang upuan at tinignan ako ng matiim. "Nandoon si Khione. Kailangan ko siyang makausap." I lied. "Oh, I thought ‘di mo 'yon kaibigan?" aniya, nagtataka. "H-Hindi nga. Kailangan ko lang talaga siyang makausap." Matagal na hindi nagsalita si Eigen kaya pinagpawisan ako ng malapot. What if he'll say no? So I'll die? I painfully eyed the map. Ang sakit isipin na maiiwan ko ang mga taong nakasama ko sa maliit na panahon. I somehow gathered some friends here. Ayoko ‘tong iwan… "Okay. Pero uuwi ka ng alas singko impunto. Kung makakauwi ka ng 5:02 PM, papatayin ko si Yeugih." Napatingin ako ng diretso sa kanya. I widely grinned. Hindi ko inaasahan ang ginawa ko. I hugged Eigen tightly. I sniffed his scent tsaka ako humiwalay sa yakap. Ang bango. "Thank you! Thank you!" Sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng library. I hope this will work.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD