bc

Perfectly Yours

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
manipulative
dare to love and hate
ambitious
bully
first love
rejected
slice of life
multiple personality
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Elisha Quinn Dela Costa na mababa ang tingin sa sarili ganun din ang mga tao sa paligid niya, isa siyang bunga ng pagkakamali, simula ng bata pa siya ay lage siyang dinidiscrimina at minamaliit ng mga matang mapanghusga.

Nakakapagud at nakakasawa.

Gusto niyang baguhin iyon, kahit na sa maling paraan.

She wanted to be accepted, to feel being important, being loved, she wants to be on top.

So she made her self an ideal and perfect daughter, friend, an achiever, someone that her parents can be proud of, kahit pa manapak ng ibang tao.

Yes, the Evil Eli hidden behind the angelic and perfect Eli Quinn.

At ng ipagkasundo siya sa bunso ng mga Muego na si Samuel ay di siya tumutol pa, hindi dahil utos ng parents niya kundi dahil gusto niya na ito kahit noong una pa lang.

Kaya lang ay naging mailap na ito sa kanya di tulad ng una nilang pagkikita.

Ang dating Samuel na palangiti, gentleman at magaling makisalamuha sa ibang tao ay napalitan ng isang Samuel na mailap at malupit sa kanya.

Pero panu kung hindi pala ito ang lalaking una niyang nakilala? Paanu kung ibang tao pala ang tunay na nagpatibok ng puso niya?

Maari bang tumanggi siya sa naunang desisyon? Lalo't ang taong tunay na nagpatibok ng kanyang puso ay nakikitaan niya ng malaking posibilidad na may gusto rin sa kanya, na pareho nilang gusto ang isat-isa.

Pero panu kung maling akala niya lang yun?

Na masmahirap pala sungkitin ang taong ito kaysa inaakala niya.

Ang pag aakalang matibay na pagkalikha ng isang perpektong bersyon sa sarili ay matitibag, dahil kahit anung pilit niyang gawin ay di siya magiging sapat.

Mali nanaman...

Too far to be a perfect match for the one and only Pennimuel Jace Muego.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pagka alis ng sasakyan nila daddy ay pumasok na ako sa ancestral house ng mga Muego at nag paplano ng umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang guess room na naka laan para sakin. Gusto ko ng matulog at maka pag pahinga matapos ang isang napaka mahabang araw. Tuwing kaarawan ni tita Lourdes ay lagi kaming imbitado tulad nalang ngayon, at tulad rin ng naka sanayan ay maiiwan ako para mag bakasyon sa loob ng ilang buwang tag araw at ang pamilya ko ay uuwi. Ng maka lapit na ako sa may hagdan ay naka harang naman si Samuel. He's five years older than me pero sa kanya ako inilalapit o iniririto ng mga parents namin sa isa't isa. Dalawa silang mag kapatid na lalaki at siya ang bunso. Simula paman noon ay pinag uusapan na nila ang pag papares sa amin, hindi naman ako tumutol dahil may crush na ako sa kanya unang kita ko palang. Twelve years old ako noon at imbitado kami sa isang social gathering, hindi ko na matandaan kung para saan ang occasion na iyon, hindi rin naman ako interesado. Napa hinto ako dahil naka harang ang malaki niyang pigura sa harap ko. He looks murderous right now dahil sa talim ng mga titig na ipinupukol niya sa akin, samantalang maayos naman ang tungo niya sa akin kanina, well ... Maganda na para sakin yung di niya ako pinapansin at kinakausap dahil puro pang iinsulto lang naman ang mga salitang binibitawan niya sakin. Samuel is a good catch, napaka gwapo nito at sa tangkad na 6'1 ay nakaka mangha ang mala adonis nitong hubog ng katawan. Nag hintay akong mag salita siya at ilang segundong nakipag tagisan ng titig sa kanya pero wala naman siyang imik at mas lalong naningkit ang mga mata, halos mag dikit ang makakapal niyang mga kilay sa pagpipigil niya ng galit. He's looking so handsome kahit na ganyan ang asta niya ngayon, wearing a formal suit at naka pamulsa ang dalawang mga kamay. I just rolled my eyes on him, ayaw kong ipahalata na natatakot ako sa kanya. At isa pa, kahit naman mag bait baitan ako sa harap niya ay di parin naman tatalab sa kanya. "Why are you looking at me like that?" Innocente kong tanong, alam kong maiirita siya pero hanapin niya kamo ang pake ko. He crossed his arms sabay napa angat ng isang kilay. "Mahinhin at halos di maka basag ng pinggan, pero nasa loob pala ang kulo." Here we go again with his insults against me, hindi naman sa inaakosahan niya ako sa isang bagay na hindi ko ginawa, sa katonayan ay may punto naman siya at laging tama sa mga akosasyon niya, kaya rin ako naiirita kasi nga tama siya! Duh! "W-what?" Kunwari ay nalilito ako, wala lang inaasar lang siya. "What are you up to this time Eli?" He's manly and deep baritone voice could melt any girls legs but not on my situation right now. Tumuwid ang kanyang tayo at humakbang ng isang beses sa akin kaya na alarma ako at napatuwid rin. "Hindi ko alam kung anung pinagsasabi mo, Samuel." Napakurap ako ng ilang beses, hindi maka tingin ng diritso sa kanyang mga mata, nasa noo, balikat o di kayay sa pader sa may likod niya, palipat lipat ang tingin ko, di na ako mapakali. Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "How old are you again? Seventeen? Very young for a scheming b***h title. Kung naluko mo ang mga magulang mo pati na ang parents ko, sorry pero hindi ako El." Nag init ang sulok ng mga mata ko sa mga masasakit niyang pangiinsulto, alam kung may kinalaman ang ate Alexis ko dito, as usual. Dahil nahihirapan siyang kunin ang loob ng daddy pati na ng mga relatives namin sa side ni dad ay sa kay Samuel siya bumabawi. Ang totoo ay kasalanan ko kung bakit napapalayo ang loob nina daddy sa kanya, its my intention to make her look like the worst daughter at nang ako ang maging favorite ni dad. Illegitimate child ako at half sister ko lang si Alexis pati na ang aking kuya Felix, si kuya Felix ang pinaka mas matanda sa amin, twenty three na siya ngayon at siya lang ang tunay na naging mabait sakin simula noong bata ako at laging kakampi kapag napapagalitan ako o nagtatampo. Matanda lang ng ilang buwan si kuya Felix sa kuya ni Samuel, at sina Alexis at Samuel ang mag kasing edad. Matagal na pala silang mag kaibigan ni Samuel, alam din ni Alexis na may gusto si Samuel sa kanya at ako naman ay may gusto kay Samuel. "I'm sorry but i don't know what you're talking about." Sabi ko sa isang marahang boses. Nilagpasan ko si Samuel at sa kilid niya dumaan. Naka tatlong baitang palang ako sa hagdan ng biglang may humablot sa buhok ko na naka bun. Dahil dun ay na out of balance ako at tuloy tuloy na bumagsak. Hindi ako naka sigaw sa gulat at tanging impit na boses lang noong bumagsak na, napa baluktot ako sa sahig at di alam kung alin ang uunahing parte ang sasapuhin, ang pwet kong unang bumagsak, ang paa'ng natapilok, o siko'ng na ipang tukod ko. Sa naluluhang mga mata ay nag angat ako ng tingin sa kay Samuel, did he just pulled my hair? I never thought he could hurt me like this, hindi sa uri ng pagkatao niya. He may look stern and dangerous but I've known him as a kind and considerate type of person, that he'd ignore me rather than inflect physical pain to me. I don't know why he got to this point where he would physically hurt me. Nasagad ko ba ang kanyang pagpapasensya? Madilim na ekspresyon ang naka ukit sa kanyang gwapong mukha. With his cold and heartless black orbs, he stared down at me, like he's an olympian God punishing a sinner like me. Hindi ko na alam kong anu na ang itsura ko pero paniguradong pinanawan na ng kulay ang mukha ko. Wala naman akong malalang ginawa nitong nakaraan, just minimal 'play victim' stunts and nothing else! Tulad lang ng dati! Nahulog ang isang butil ng aking luha, kanina pako halos di humihinga. Mula sa takot ay unti unting umusbong ang galit ko sa kanya. If he hates me this much then I'll hate him back! Tahimik at dahan-dahan akong tumayo at lihim na ininda ang masakit na parte, mahigpit na hinawakan ang barandilya ng grand stare case bilang supporta. "Himala at hindi ka ngumawa para mag paawa." Calmado and baritonong tinig niya, pero nahihimigan ko ng panguuyam. "You can play victim now, I won't mind." This time he said it with a playful tone. I can imagine a sinister smile crept in his face right now. Naikuyom ko ang isang kamay ko sa pag pipigil ng galit, nag tagis din ang aking panga sa inis at pagkapahiya. Gustong gusto ko siya noon paman, ang kanyang warm personality na minsan niyang ipinakita sa akin. At ngayon? Ngayon palang ako magtatanim ng galit sa kanya. How ironic that i hate pitying myself when i usually play victim to look pity and gain sympathy from other people. Nilock ko ang pinto ng aking silid pagka pasok at napasandal sa pinto. I was twelve then when I first saw him. Dapit hapon ng dumating kami sa isa sa mga beach resort nila para sa isang occasion. Sa gabi pa ang party at napa aga kami, sa vacation house nila kami dumiretso na malapitlapit lang sa resort nila kung saan pag dadausan selebrasyon. Tahimik ang malaking bahay dahil nasa resort ang lahat. Si kuya Felix ay sa mismong oras ng pagtitipon na dadating at marahil ay mahuhuli pa. Bihis na ako at handa na para sa pagtitipon pero nag paiwan ako sa vacation house ng mga Muego, lumabas din ako kalaunan sa may dalampasigan para maka pag relax at namnamin ang magandang tanawin. Di mag tatagal ay mag sisimula ng lumubog ang panghapong araw at iyon ang inaabangan ko. Hindi ako close kina daddy, lalong lalo na si Mommy at ate Alex. Anak ako sa labas at lahat sa bahay ay kina kainisan ako, tanging si kuya Felix lang kakampi ko. Tuwing may kasalanan ako ay lagi akong pinapahiya at binabato ng masasakit na salit. Kumirot ang puso ko sa isang ala-ala noong maliit pa ako. Tuwing ika kinseng araw kung kailan ay susweldo ay saka lang ako kukunin nang aking mama para ipasyal at ihahatid lang ulit sa aming mansyon sa pagtatapos ng isang buong araw. Nangako siyang mag iipon siya upang tuluyan niya na akong makuha at nang sa ganun ay tuluyan na kaming magkasama. Lagi akong nag aabang at sumusubaybay sa kalendaryo. Kapag alam kung araw ng sweldo niya ay lage akong may naka handang bag kung saan may iilang gamit akong hinanda kung sakaling dumating na siya para kunin ako. Ganoong set up ang kinalakihan ko mula kamusmusan hanggang nagka isip. Hindi kami pinagkaitan ng pagkakataong magkasama mag-ina nila daddy at ng kanyang legal na asawa na si mommy Alexandria. Casual ang tungo ni mommy sakin at madalas ay para lamang akong hangin at di pinapansin, pero sa tuwing may kasalanan ako ay laging masasakit at nakakapang insulto ang sinasabi patungkol sa akin at sa kay mama. Tulad nalang ng minsang may naka away ako sa elementary at sinapak na kaklase. "My mommy said anak ka lang ng kabit. It means malandi ang nanay mo." Hindi ko alam bakit napunta sa ganitong usapan ang simpleng bangayan namin sa laruan kong paper doll. Binilhan ako ni mama ng paper doll na complete set at pinag malaki ko iyon dahil limited edition at usong uso ang paper doll sa school para sa mga kaidad kong mga babae. Nagka initan at di kalaunan ay nasapak ang mukha ng kalaro kaya dumugo ang ilong, nataranta ang yaya ng bata at matalim akong tinignan, tinawagan agad nito ang magulang ng kanyang alaga. Pinatawag naman ng aking guro at principal sina daddy. Dismayadong ang mukha ni daddy at naiirita ang mukha ni mommy ng pasadahan ako ng tingin. "Napaka masunurin at tahamik na bata nitong si Elisha sa aking klase ma'am, ngayon lang ito nangyari, hindi ko po alam kung bakit naging bayolente at isa pa ay bata pa naman po, alam niyo na, di natin maiiwasan may mga ganitong pangyayari talaga, away bata... pag pasensyahan niyo na lang po." Paliwanag ng guro ko, dahil gusto ng magulang ng kaklase ko na ipa expel ako. Nakabusangot at masungit ang mukha ng nanay ng bata habang tinitignan ako. "I apologise for my daughter's behavior Mrs. Aldivar. Tahimik ngunit nasa loob kulo. Nag mana sa kanyang biological mother." Sabay simpleng pasada ng mapanglait na tingin sa akin ni mommy. "Xandria." Ani dad sa isang warning tone kay mommy. Napa tikhim ang teacher ko at naging hilaw ang mapagpaumanhing ngiti nito. Hindi man pinansin at tinignan ni mommy si dad at taas noong hinarap ang magulang ng batang naka away ko."Wag po kayong mag alala, kasalukoyan namin siyang tinuturuan ng tamang asal at dinidisiplina. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin ko na mas magiging mahigpit pa." Kalaunan ay pumayag naring maki pag areglo ang magulang ng bata. Hindi naman ako kilan pinagbuhatan ng kamay ni mommy, sadyang masasakit na salita lamang ang binabato niya sa akin at tungkol sa kay mama. Di ako nag rereklamo kahit tagos hanggang buto lahat ng panlalait niya sa akin at sa mama ko. Si daddy ay dismayado sa akin at umalis, hinahayaan si mommy. My grandparents are also there, nakikinig at walang pake. "Manang mana ka talaga sa ina mong si Elena. Pareho kayong walang kwenta, simula ng dumating yang nanay mong asal p****k puro kahihiyan na ang nangyari sa pamilyang ito! Sana lang talaga di mo makuha ang pagiging p****k ng nanay mo." Nasasaktan ako sa mga pangiinsulto niya sa aking mama Elena. Kung anu mang mga kamaliang ginawa ko ay di na sana niya isama ang mama ko sa usapan. Nasulyapan ko ang lola Martina, ang mama ni daddy. Bahagya itong ngumiti at umiling na para bang sang ayon ito sa lahat ng sinasabi ni mommy, tahimik lamang itong kumakain sa hapag. "Tignan mo ngayon, kahit ang boong angkan ng mga Del junco ay isinusuka siya. Sino ba naman kasi ang aangkining kadugo ang isang babaeng imoral, makati at home wrecker na tulad niya? Isa siyang kahihiyan para sa isang kilalang marangal at may matayog na dignidad na angkan ng mga Del junco." Ani niya at sumimsim sa kopita nitong nag lalaman ng ladies drink na alak. "Anu-anu naba ang pinagtuturo ni Elena sayo? Ilang bese ko ba dapat sabihin na wag kang tutulad sa kay Elena. Lagi kong sinasabi kay Frederico na mas mabuting ilayo si Elena sa pamilyang ito o kahit sayo sayo dahil wala siyang magandang dulot sayo." Normal at kalmado kung pakikinggan ang paninermon ng mommy Xandria sa akin pero napaka talas ng bawat salitang binibitiwan. Bawat salita niya'y nanunuot sa akin, pinipigilan ko ang sariling sigawan siya na hindi ganoong klaseng babae ang aking mama. Pero alam ko naman na may kasalanan nga ang mama, at naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng pagkamuhi ni mommy para sa tunay kung ina. "Kilalang mahinhin at mabait si Elena, ang di alam ng lahat ay ang tinatago nitong pagiging malandi at pagiging desperada sa atensyon ni Federico." Lage ay sinasabihan akong wag tutulad sa akin mama Elena na para bang isang malaking kasalanan iyon. Mabait ang mama, ang kanyang maamong mukha, ang kanyang marahang tinig. Noon paman ay namulat ako sa tunay na sitwasyon ng aking mahal na ina. Minsan siyang pinapili kong ipalaglag ako o ang lisanin ang puder ng mga Del Junco, and she chose the later one. She kept me in return of giving up her inheritance and rights as a Del Junco. She chose to have me. She chose me. Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao sa akin o kung anu ang tingin nila sa akin. What matters the most is my mother's affection to me. "Napaka desperada niya na kahit ang sariling anak ay magagawa niyang gamitin para lang maka lapit kay Federico at mag papansin." I don't believe that, my mama told me that she didn't have a choice that time, pinalayas siya ng kanyang lolo o mas kilalang Maximiliano Del Junco Sr. mula sa mansyon ng mga Del Junco dahil mas pinili niyang buhayin ako. Dahil nga wala siya makuha ni isang kusing mula sa mana niya ay humingi siya ng tulong kay daddy at lumuhod sa harap ni mommy Xandria para sa akin. Pumayag si mommy pero kukunin nila ako bilang isang Dela Costa at ililihim ang tunay kong pagkatao. Pero may nakakaalam parin talaga. "Dapat maging iba ka sa kanya, isa ka nangang bastarda pagkatapos ay mag aasal skwater ka pa, wag kang tutulad sa pagiging imoral niya, anu nalang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Na hindi kita pinalaking maayos? Wag kang mag dala ng kahihiyan sa pamilyang ito Elisha. Ngayon pat-" "Good evening mom! Anung meron?" Si kuya Felix na kadarating lamang, naka ngiti siyang hinalikan sa pisngi si mommy and tumingin sa gawi ko. Hindi man lang siya tinapunan ng pansin ni mommy at patuloy lang ito sa kinakain sa harap ng hapag. "Gumawa ng kabulastugan itong kapatid mo sa school at may sinuntok na kaklase-" "Woah! Really? Bakit at paanu?" Ani kuya Felix na may mas malapad na ngiti. Palaging ganito si kuya Felix, laging pahapyaw na inililihis ang usapan sa tuwing napapagalitan ako ni mommy. Siya lang malapit sakin maliban kay mama. Nakakalungkot lang na palaging wala dito si kuya. Isa o dalawang beses lang kung umuwi dito sa mansyon at kong minsan pa ay wala talaga. "Mana-mana lang talaga yata ang paguugali ng tao, si Alexis ay hindi naman ganyan, kaibigan siya ng lahat at laging napupuri. Bat hindi ka tumulad sa ate mo." Di parin talaga siya matigil. "My, hindi naman by nature ang pagkatao o paguugali ng tao, by nurture yan." ani kuya Felix. "Ibig sabihin hindi magandang impluwensya ang dala ni Elena sa anak niya." Sabay sulyap niya sa akin. Umiiling na ibinalik ni kuya ang tingin sa hapag. Ate Alexis was never been nice to me. Kung mabunganga si mommy sa tuwing may napupuna siya'ng mali sa akin ay worst naman si Ate. Itataboy niya ako sa tuwing nagkaka tagpo kami, eh nasa iisang puder lang kami, panu ko siya lalayuan o iiwasan? Marahas din siya sa akin, pisikal niya akong sasaktan at hindi ako mag susumbong dahil babantaan niya akong sisiguraduhin niyang hindi kami magkikita ng aking mama. Hindi ako papayag na malayong tuluyan sa kanya. Sinisiraan din ako ng ate sa mga kaklase ko, sikat siya sa school kaya sa kanya pabor ang halos lahat. Walang kumakaibigan sa akin, sino namang gugustohing kaibiganin ang anak sa labas ng isang Dela Costa? At sa bahay ay laging sa kwarto lang nag lalagi buong araw, nag pipinta at nag didrawing ng kung anu-anu. Magaling gumuhit ang aking mama Elena kaya sa kanya ko na mana ang pagka hilig sa fine arts. I've seen some of her fascinating works. Suminghap ako ng preskong hangin, kasalukoyang nasa dalampasigan at dinadama ang payapang hampas ng tubig alat sa buhanginan. Kumikirot ang puso sa mga ala-alang muling pumaibabaw sa isipan, kaya pinilit ang sariling maibalik sa kasalukuyan. Walang puwang na alalahanin ang isang tao na kinalimutan ka nalang. Hindi ako naniwala sa mga sinasabi nila noon pero ngayon... Parang... parang totoo nga yata ang sinasabi nila sa akin. Hindi ko alam kung paanu at kung bakit pero bigla nalang siyang di na nag pakita, di nag paramdam. Tulad ng nakagawian, lagi kong hinihintay sa may bukana ng aming bulwagan ang aking mama, laging sabik na makita siya, pero dismayado ako ng isang beses nayon na di siya dumating. Inisip ko na baka ay abala lang, nag bakasakali akong dadating din siya kinabukasan pero wala, nag alala na ako ng sumunod na mga araw at baka nagkasakit o di kaya'y napanu na. Simula ng isang beses nayon ay halos araw araw na akung mag mukmuk sa tapat ng mansyon tuwing uwian galing sa school, kung di man nag sicellphone ay gumuguhit lang ng kung anu anu gamit ang mga art materials na bili sakin ng mama Elena ko. Habang tumatagal ay unti unting kinain ng galit ang lungkot na nararamdaman ko. Imposibling iwanan at kalimutan niya nalang ako! Para sa isang batang elementarya lang, ang makasama ang ina ang pangunahing kahilingan. Araw araw akung nag hihintay sa kanya, araw araw! "See? I told you, she's a p****k, natauhan na siguro siya na wala siyang mapapala sayo, na hindi ka niya magagamit para makuha ulit ang daddy, kaya ba't kapa niya pag aaksayahan ng panahon?" Si ate Alexis nang minsan niya akung nadatnan na nag mumukmuk sa harap. "At baka natauhan rin kung gaano ka laking halaga ang nawala sa kanya ng dahil lang sa pag pili sayo? Alam mo na... Pinagsisihang binuhay ka pa?" Puno ng kaarogantihan at sarkastikong wika niya. Naikuyom ko ang mga palad at gigil ang pagkakapit sa hawak na lapis at sketch pad. Kanina ko pa sinusubukang gumuhit pero natutuliro ako kaya blangko parin. Ayaw kong tignan siya at baka di ko mapigilan ang sariling sugurin siya. Nag iinit ang bawat sulok ng mga mata at nag babadyang tutulo ang luha pero pilit na pinipigilan. Nagkakamali siya, mahal ako ng mama Elena ko, lagi niyang sinasabi iyon sa akin, at nararamdaman ko iyon sa tuwing mag kasama kami. Tuloyang nahulog ang isang butil ng luha sa aking mata. Hindi nagawang pakalmahin ng magandang tanawin ng karagatan ang naninikip na dibdib. Mag aapat na taon nang di nagpakita sa akin ang mama. Lumingun ako sa likuran, mukhang malayo na ang inabot ko mula sa vacation house na tinutuluyan, at mas lalong hindi ko man lang namalayan ang magandang sunset, hindi ko magawang maappreciate. Blankong mukha ko lang itong tinignan habang natutuyo ang luha. Tumalikod ako upang bumalik at nang maka dalo sa nasabing okasyon. Hindi ko alam kung anung dahilan kung bakit di na siya nag pakita pero hanggang ngayon, nag hihintay parin akong bumalik siya. Hihingi ng tawad sa mga na antalang panahong sana'y muling pagkikita, na sasabihing mahal niya talaga ako, na mag papaliwanag siya kung bakit siya natagalan. Tatanggapin ko ang anu mang rason na sasabihin niya, balikan niya lang ako...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.9K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.3K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.5K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
537.3K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook