Elaine "Thank you huh!" nakakapit parin ako sa braso ni Sky habang naglalakad kami sa loob ng mall, nakasuot siya ng jacket na may hood at baseball cap. Hindi lang sikat si Sky sa school, sikat rin ang pamilya nila dahil ilang beses na silang na feature sa isang Family Magazine. "Para saan?" tanong niya sa akin habang bahagyang tumingin pababa, matangkad kasi talaga siya, manang-mana sa ama. "Sa pag-imbita mo sa akin..." sagot saka ako ngumiti "Dito sa mall..." kinikilig nanaman ako! "First date natin ito huh!" lakas loob kong sabi sa kanya, narinig ko lang siyang tumawa "First date mong mukha mo!" pang-aasar niya, pero ramdam ko, biro lang niya yun, mahal kaya ako nito! Denial lang! "Tsss!" sagot ko saka nag pout at mas lalong kumapit sa braso niya, napadaan kami sa isang bookstore,

