Elaine
I'm here sitting alone on a bench under a tree near the soccer field, kanina pa ako nanunuod ng practice nila Sky, kanina pa rin kasi natapos ang huling klase ko, one week after ng vacation namin sa Baguio, masasabi kong naging extra sweet and caring na rin si Sky, pero in his unusual way, I mean, Sky kasi is not like other men, Sky is more on actions rather than words, he will let you feel what he wants to say to you, you will never hear even a single word from him about what he feels, but he will surely show what he want to express to you.
Sky is sweet especially to her mom, mama's boy yan eh! Pero hindi lahat may alam, He is also good in socializing, he smiles to every person who will greet him, kaya nga maraming nababaliw diyan eh! Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sa akin lang siya nagsusungit, he always frown kung nakikita niya ako, he always shouts at me, he's always mad at me, ang ganda-ganda ko naman pero bakit parang inis na inis siya sa mukha ko!
Naku, kung hindi lang ako palabasa ng mga romantic stories sa w*****d na kaya nagsusungit si boy kay girl ay dahil gusto niya rin ito, matagal na akong nawalan ng pag-asa, yun na lang ang kinakapitan ko lalo na sa ganitong mga panahon!
Confusing and kinda complicated, ganun kami ni Sky. I love him and I feel that he loves me too! Pero he is always reserved and I understand that naman, bata pa kami oo, kaya siguro he doesn't want to take what's between us to a serious type case. I sighed.
Bakit ba ang gwapo at ang bangu-bango niyang tignan kahit pa basa na siya ng pawis? Kahit ibabad mo rin siya sa initan, hindi parin mawawala ang pagkamestizo niya, manang-mana siya kay Tita Sophie, the epitome of Real Beauty. Sana buhay rin ang mommy ko, kasing ganda rin kaya siya ng mommy ni Sky?
"Colet..." nabigla na lang ako ng nasa harap ko na si Sky "Asan inumin ko?" tanong niya sa akin habang tumulo ang pawis niya, saka ko naman inabot ang energy drink sa kanya, ininom niya yun, ang saya!
"Aantayin mo ako?" he asked me
"Of course!" masigla kong sagot "Kahit gaano pa katagal Sky... I will wait you..."
He pinched my nose "Wag na! Matatagal pa ako eh!" he beamed, nakaka inlove talaga ang ngiti niya!
"No!" mairiin kong sagot "I'll wait dito lang ako..." saka ako umayos ng upo
"Osige... dalawang round na lang..." saka niya ginulo ang buhok ko at tumakbo pabalik ng field, busy siya ngayon kasi malapit na yung competition nila sa Europe, nakapasok kasi ang school namin sa international league kaya puspusan ang training ng soccer team, isa si Sky sa inaasahang magpapanalo ng laro!
Nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro ng mga brain-tickling games sa IPAD ko ng may biglang dumating.
"Oh girl, bakit nandito pa sa school natin ang babaeng yan?" tumingin ako sa grupo ng mga babaeng papalit sa akin, si Trisha yung nagsalita, anak ng isang General.
"Oo nga, di ba may pinapangalagaag image itong school? Bakit hindi pa kick-out ang babaeng yan?" sabi naman ni Eunice, half British half maldita, she claimed na may royal blood daw siya! Like who cares? Mas maganda parin ako sa kanya! And the last hing I know, siya ang current girlfriend ni Toffer, kailan ba sila naging? Ah, kahapon ata!
"Baka naman hindi totoo ang sinabi ng Daddy mo Trish?" tanong naman ni Carylle na anak ng isang Governor
"Excuse me? Why would he lie?" maarteng tanong ni Trisha "He is a General, he has all the access lalo na sa mga gaanong kaso!"pagmamayabang niya
Kumunot ang noo ko matapos marinig ang halata namang parinig nila sa akin, I looked at them habang nakapaningkit ang mga mata "Nakakainsulto ang pag stay niya dito huh!" singhal ni Carina, the best slut! Ewan ko ba sa mga babaeng ito, galing naman sa maganda pamilya pero ang papangit ng ugali! "At siya pa ang napili na representative ng section natin sa JS PROM! THE NERVE!" I stood up matapos marinig ang huli nilang sinabi.
"Problema niyo ba?" nilapag ko ang IPAD sa bench, baka kasi maihampas ko pa sa kanila, sayang!
"IKAW!" sagot niya saka itinulak ni Carina ang left shoulder ko "Bakit ka pa nandito?"
Itinulak ko ang kamay niya saka nakipagsabayan sa patarayan "You don't have the right to touch me!" matapang kong sagot sa kanya, nag smirked lang siya.
"YOU-" duro sa akin ni Trisha, susugurin na sana niya ako pero agad rin siyang natigilan, ewan ko ba sa kanya! I raised my left eyebrow saka nameywang.
"ANO?" sinigawan ko siya "NATIGIL KA?" I saw her gulped, takot rin pala eh, alam kong malaki ang galit sa akin ni Trisha dahil kay Sky, minsan ko na kaya siyang nakita na lumapit kay Sky at nagbigay ng regalo, mabuti na lang di tinanggap ng sweetie pie ko kundi lilipad yun sa mukha niya!
"Trisha, it's your chance..." bulong ni Eunice pero sapat na para marinig ko "Humiliate her in front of him!" dugtong pa niya
HIM?
Doon ko naramdaman na may nakatayo sa likod ko but before I turned my back, hinawakan niya na ang magkabliang balikat ko and made me stand still "Don't look back when your enemy is in front of you!" bulong niya, Sky gently squeezed my shoulder na parang sinasabing kaya kong jumbagin ang mga babaeng ito!
"Why are you standing beside her?" naiiritang tanong ni Trisha "Sky, that girl doesn't deserve you! Nandito ako! I'll do anything for you! I'll give you anything you want... any thing you'll ask!" nababaliw na talaga siya!
"So what made you think that you deserved me?" rinig kong sabi ni Sky, pinigilan kong matawa sa reaction ni Trisha, nganga siya eh! LOL!
Humugot siya ng malalim na hininga "I guess hindi mo pa alam...." she started to talk again, nakapatong parin ang dalawang kamay ni Sky sa magkabilang balikat ko " Na his father-"
"Who cares about what you know?" putol ni Sky sa sasabihin niya
"ANO BANG MERON ANG BABAENG YAN?" sigaw ni Carina, siya kasi ang nakalaban ko bilang representative ng section namin sa JS Prom kaya halos pumutok na ang baga niya sa pagsigaw "SHE'S NOT EVEN HOT AND SEXY LIKE US!" nakakatakot ang malaki niyang mata, parang lalapa na siya any moment now!
"Exactly... she is not like you..." mahinahon na sagot ni Sky, See? Sabi sa inyo ako ang mahal niya eh! "Look Girls..." inalis niya ang kamay niya sa balikat ko atsaka tumayo sa left side ko "I would suggest na you keep a certain distance from her..." saka ako inakbayan ni Sky, bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon, pasimple na akong pumikit ng maamoy ko ang pabango niyang nakakabaliw! "That's if... you don't want any trouble..." and he smiled after his warning.
Tumingin ako sa mga babae and slightly raised my chin, I grinned at them saka nag crossed arms, nakaakbay parin si Sky sa akin at feeling ko ang haba-haba ng hair ko! LOL!
Akma na sanang sasagot si Eunice sa sabi ni Sky ng bigla uli itong nagsalita "Oh, Eunice right?" baling niya sa kanya "You don't like Toffer when he gets mad..." he teased her "Lalo na when he finds out about..." I looked at him, I saw Sky mouthed the name 'MAR-KY', I looked at Eunice again, there I saw how terrified she is.
"L-Let's go..." Eunice voice broke, I don't know what is that all about, I don't have any idea pero, It really feels good having Sky by my side. Aaahhh! HEAVEN!
Nakalayo na rin sila ng inalis ni Sky ang kamay niya na nakaakbay sa akin, I looked at him and pouted, pwede ba akbayan na lang niya ako forever?
"I told you na you have to take care of yourself every time, especially when I'm not around..." may diin ang bawat bigkas niya ng mga salita, nakita ko ang biglang pagshift ng emotion niya, I can tell na galit naman siya ngayon.
"S-Sky..." nauutal kong sabi "H-Hindi ko naman alam na darating yung mga yun eh..." sagot ko sa kanya sakay yumuko
"Exactly! You'll never know when it will come!" he holds my shoulders tightly "Elaine...please, mangako ka na lalayo ka sa mga tulad nila!" pakiusap niya at wala na akong nagawa kundi tumango.
Pagkatapos nun he started to walk, lagi na lang akong nahuhuli kung ganito ang set up namin, ewan ko ba kung bakit pati sa paglakad ang bilis bilis ni Sky, kaya siguro sa bilis niya hindi ko namalayan na ninakaw na niya nag puso ko! HAHAHA!
"Sky!" habol ko sa kanya "What was that all about?" I asked him
He continued walking pero mas mabagal compared kanina, he let me reach him "What? About Toffer and Eunice?" he asked me and continued walking , nakabihis na pala siya at naka uniform na, kaya siguro siya natagalan kanina "Toffer's family is a partial owner of this school, so basically he can kick their ass off this school... lalo na kung nagalit yun!"
I just looked at his face, kahit naka side view, napakagwapo parin niya, his pointed nose and pinkish lips, napaka laking resemblance talaga niya kay Tito Miguel "No not that!" sagot ko, alam ko naman ang tungkol kay Toffer at ang pagiging accelerated niya, two years kasi ang tanda namin sa playboy na yun! "About Trisha..." he stopped walking matapos marinig ang sinabi ko "...and what she's going to say about my father..."
"I don't know a-anything about that!" sagot niya sa akin na nakadiretso parin ng tingin "...and who cares about that girl?" he sighed and looked at me
"You want to go out and eat some lunch?" he asked me, parang slow motion ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha niya at ang pagngiti niya sa akin, OH-MY-GEEE! In love na in love talaga ako sa lalaking ito! "My treat!" dugtong pa niya
"Sure!" I answered him and clinged on his right arm
Nakangiti ako habang naglalakad, nakasandal din ang ulo ko sa braso niya at hinayaan niya lang akong gawin iyon, I bit my lower lip, Can I consider it as our first date? Sigh.