Chapter 6 - Glimpses of the Past

1587 Words
Hindi ko na halos makita ang dinaraanan ko dahil sa pawis na mga pumapatak sa mata ko. Napapagod na rin ako tumakbo pero kailangan kong 'wag huminto. Unti-unti na ring dumidilim ang kapaligiran na mas lalong nagpapakaba sa akin. Huminto ako at nagpunas ng pawis ko. Pagod na pagod na ako at naramdaman ko na rin ang kirot ng mga sugat ko sa talampakan. Naghanap ako ng pwedeng mataguan. Nararamdaman ko na siyang papalapit kaya agad akong tumago sa mga punong nandito. Mas lalo pang dumagundong ang dib-dib ko ng makita ko siyang nasa harapan ko lang. Sana hindi n'ya ako mapansin. Pinigilan kong 'wag huminga dahil pakiramdam ko pati paghinga ko maririnig n'ya pati na rin ang kaba sa dibdib ko. "Charlotte alam kong nasa paligid ka lang." pigil na pigil ang pag hinga ko. Mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita si Charmaine na tumatakbo papalapit sa pwesto ko. 'No please, wag kang lalapit sa akin mapanganib!' "Char!" Nagising ako na puno ng pawis at nag-aalalang mukha ni Shannel ang bumungad sa akin. "Kanina pa kita ginigising 9 o'clock na kasi 'di ka pa rin gumigising." Napatingin naman ako sa cell phone ko at 9 am na nga. Mabuti na lang suspended pa rin ang classes kaya 'di ko pinoproblema kong late man ako nagising ngayon. Pumunta ako sa bathroom at tumingin sa salamin. Bakit sa panaginip ko si Charlotte ako? Hindi ako si Charmaine? Ano ba talaga? Naguguluhan na ako. Lumabas na ako sa bathroom matapos kong maka pag hilamos. Wala na si Shannel and Jane dito. Sabagay kahit nong ginising ako ni Shannel wala na rin dito si Jane. Lumabas ako ng dorm para bumili ng pagkain sa cafeteria. Pagdating ko sa cafeteria kukunti lamang ang tao dahil siguro 9 am na 'to. Maraming tao kasi dito kapag lunch talaga. "Shion." bulong lang ang pagkakasabi ko. Nandito din kasi siya at kasabay nyang kumain si Ellise. "Hi Charmaine!" napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Francheska kasama nya yong dalawa nya pang friends. I don't know the other one pero kilala ko ang isa si Jessie. She's my old friend. Ngumiti ako sa kanila at halatang ikinagulat nila yon. Kailangan kong makisama sa kanila para malaman ko ang iba pang detalye. Pagtapos kong makuha ang food ay dumiritso ako sa table nila Jessie. Halata sa mukha ni Jessie na ayaw nya akong kasama. "Mabuti naman Charmaine sumama ka na sa amin. Si Jessie nga pala and Dhanniela they are my friends." pagpapakilala sa ni Francheska sa kanila. Tumingin naman ako kay Jessie at marahan na nag smirk. "Nice to meet you— again" mahinang sabi ko sa hulihang salita. Hindi sumagot si Jessie pero halata sa kanya na naiinis siya sa presensya ko. Tumayo na ako para sana umalis pero napahinto ako ng biglaang manlabo ang paningin ko. Epekto ba 'to ng pagpokpok sa ulo ko nakaraan? Huli kong nakita bago ako mawalan ng malay ang nag-aalalang mukha ni Shion. "Charlotte!" "Saan ka?" "Nandito na ako." "Please mag salita ka!" Inikot ko ang buong paligid pero wala akong makita maski anino ni Charlotte. Okay lang kaya siya? Lumipat ako ng iba pang classroom baka nandoon siya. Napaka tahimik ng gabi tanging mga yabag ko lamang ang maririnig ko. Lumabas ako ng classroom at dumiritso sa girl dormitory. Pero wala man lang kahit isang ilaw na naka bukas dito. Wala rin akong makitang tao man lang kahit na 'di pa naman ganon ka gabi. Tumakbo ako at nabanggaan ang isang lalaki. Laking gulat ko at si Shion yon. "Shion na saan si Charlotte?" halata sa mukha nya ang pagka balesa at may mga sugat rin siya. "Nagkahiwalay kaming dalawa. Sa bandang gubat sila tumakbo kailangan nating mag madali." Agad kaming tumakbo ni Shion palabas ng school. Sa likod kasi ng school na 'to ay gubat na ang bubungad. "Kailangan nating mag hiwalay Charmaine para madali natin siyang makita." Tumango ako kay Shion at tumakbo. Tumakbo lang ako ng tumakbo na 'di alam ang papatunguhan. Ang importante ay mahanap si Charlotte. Sana ligtas siya, sana walang nangyare sa kanyang masama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyare sa kanyang masama. Madilim ang paligid pero pinipilit kong makita ang daan. Habang naglalakad ako may naapakan ako. Kinapa kapa ko ito at halatang sapatos ito. Teka? Kinapa ko ang gilid ng sapatos at may ribbon na nakalagay dito. Charlotte? Agad akong napatakbo kahit 'di ko makita ang dinaraanan ko. Napahinto ako nang makita ko sa unahan na may bahay don. Sa gitna ng gubat may bahay? Agad akong nag madali nang marinig ko ang sigaw ni Charlotte. Palapit ako ng palapit mas lalo kong naririnig ang boses ni Charlotte. Pumasok ako sa loob at naka bukas ang isang pinto na papasok sa isang kwarto. Sa kwarto na yon naririnig ko si Charlotte. Laking gulat ko nang makita ako ni Charlotte at halata sa mukha nya na pinapaalis nya ako. Pero ayokong umalis na 'di siya kasama. Naramdaman ko ang presensya ng taong nasa likuran ko pero huli na ang lahat. Tuluyan akong nawalan ng malay ng may humampas sa ulo ko. Nagising akong masakit na masakit ang ulo. Nasa tabi ko rin si Shion na tulog. "Gising ka na pala." napatingin ako sa may gilid at si Aki ang nandon. "Anong ginagawa nyo dito?" Bumangon ako at hinanap ang mga gamit ko. Nagising na rin si Shion at halata sa mukha nya ang pag-aalala. "Okay ka na ba?" sinamaan ko ng tingin si Shion. "Bakit ba kasi 'di mo na lang ako hinayaan? Edi nalaman ng mga ibang student that we're close." ayokong malaman nila na step brother ko si Shion. Masisira mga plano ko kapag nagkataon. "Nah, hindi sila maghihinala lalo na nandon din naman ako nong nangyare yon. Iisipin lang nilang tinulungan kita. Alangan naman pabayaan kita don na nawalan ng malay tapos ako tutunganga lang!" Hindi ko na siya pinakinggan pa at iniwan silang dalawa. "Maine!" napatingin ako sa likuran ko ng may tumawag sa akin. Si Jero halata din sa face nya ang pag-aalala. "Anong nangyare? Okay ka na ba?" "Okay lang ako." malamig na sagot ko sa kanya. Kailangan kong 'di ma apektuhan. Kailangan kong maging malakas. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jero bumalik na ako sa dorm. Naabutan kong nandon si Shannel at wala si Jane. "Char, may pagkain akong dinala dyan. Hindi ka kasi nakakain kanina eh." "Thanks." bago marahan na tumango sa kanya. Hindi muna ako kakain bago nahiga ako sa kama ko. Iniisip ko yong mga nangyare kanina. Panaginip ba yon o totoong nangyare yon? Nakaka himala rin dahil ako mismo ang nandon at hindi si Charlotte. Usually kasi ang lagi kong nakikita ala-ala ni Charlotte hindi ako mismo. Pero ngayon ala-ala ko mismo ang nandon. Pero hindi ko matandaan? Kaya ba wala akong matandaan dahil sa may humampas sa akin sa ulo? Pero bago pa man ako mawalan ng malay nun nakita ko ang babaeng nakatayo. Hindi ko siya makilala ng husto dahil 'di pa ganon kalinaw ang nasa ala-ala ko. "Hi Jane." Nabalik ako sa reality ng mag bati si Shannel kay Jane na kararating lang. Tinignan ko siya at naka tingin din siya sa akin. Ngayon ko lang din na pag-isip na familiar sa akin si Jane. Nagkakilala na ba kami dati? "Char kainin mo na yang dinala kong pagkain sayang naman kasi." Tinignan ko ang dinala ni Shannel na pagkain. One cup of rice, may ulam na adobo at may side dish. Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa lumang building. Sabi kasi nila dito daw dati ang classroom nila Charlotte. Bawal pa rin kaming lumabas kapag pwede na pupunta ako sa lumang bahay namin. Nandon kasi yong dating mga gamit ni Charlotte. "Anong ginagawa mo dito?" It's Aki. Napapadalas na siyang nagpapakita sa akin. Hindi naman kasi siya nag-aaral dito. Pero palaging nandito. Yon nga dahil kambal sila ni Zero minsan siya yong pumapasok kay Zero. Kahit na 'di naman sila magkamukha. Pero gaya nga ng sabi ko nong una kapag 'di ka ganon ka sanay sa face nila mapapagkamalan mong iisang tao lang sila. Pumasok ako sa loob ng lumang building at sumunod naman sa akin si Aki. "Alam mo ba kong saan dito ang classroom nila?" "Of course classmate kaming dalawa eh." Hindi ko alam kong dapat ko bang pagkatiwalaan si Aki dahil una sa lahat isa din siya sa mga suspect na nasa isip ko. Close silang dalawa ni Charlotte dati isa siya sa laging kasama nito. Kahit nga mismong si Shion pinaghihinalaan ko dati. Lalo na 'di pa malinaw yong mga ala-ala na bumabalik sa akin. Kong ano ba talaga ang puno't dulo kong bakit nangyare yon kay Charlotte. Nasa loob na kami ng old classroom nila Charlotte. Halos sira-sira na rin ang mga bangko na nandito at maalikabok. Pero may class picture nila na naka dikit sa pader. Malabo nga lang dahil sa alikabok pero nong nilinisan ko luminaw na ito. Tinignan ko ang katabi ni Charlotte at walang iba kundi si Jane. Kaya ba familiar sa akin Jane? Naipakilala na kaya siya sa akin dati ni Charlotte? Pero bakit parang 'di nya naman ako kilala nong una naming kita. "Bestfriend ni Charlotte si Jane. Lagi silang mag kasama nong buhay pa si Charlotte. Actually napaka ingay nga nyang si Jane dati pero kita mo naman ngayon tahimik na din." So, tama nga ang hinala ko. Mukhang kilala na ako ni Jane dati pa at nagpapanggap lang siyang 'di nya ako kilala. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD