Chapter 8 - Shadow

1073 Words
Charmaine's POV Mag-isa lang ako ngayon at nag-iisip ng mga dapat kong gawin. Iniisip ko rin kong sino ba talaga 'yong totoong may sala sa mga nangyayare dito sa school. Hindi naman kasi normal sa isang paaralan ang maraming mamatay, right? Kong inaakala nyong isa ako sa mga may sala sa mga namatay na 'yon, pwes nagkakamali kayo. Hindi ako ang may gawa nun wala sa vocabulary ko ang patayin ang mga yon. Hindi din naman sila kasangkot sa mga nangyare kay Charlotte. Sa totoo lang pinapaghanap ko rin kong sino ang gumagawa non? Pinapagulo nya kasi ang situation. Umupo ako sa grand stand at pinanood ang mga naglalaro sa field. Pero may isa lang akong taong pinukusan ng mabuti. Walang iba kundi si Caren. Siya yong babaeng nilagyan ko sa bag na 'Ikaw na ang susunod.' Best friend nya si Shanelle lagi ko silang nakikita na mag kasama. Isa siya sa involved sa mga nangyari kay Charlotte. Pero kailangan ko pa ring maka sigurado ayokong magpa dalos-dalos sa mga desisyon ko. Ayokong may madamay na inosente. Mukhang na pansin nilang naka titig ako sa kanila at agad akong nginitian ni Shanelle. Naglakad sila palapit sa akin. "Hi Charmaine," nag wave sa akin si Caren at gumanti lang ako ng ngiti. "Kumain kana Char? Arat canteen us." Pag-aaya sa akin ni Shanelle pero marahan akong umiling. "Nope, 'di pa naman ako gutom. Sunod na lang ako." Hindi naman nagpumilit pa si Shanelle at nag paalam na silang aalis. Nanatili lang akong nasa grand stand at hinihintay sila Francheska. Alam kong lalapit sila sa akin. Alam ko naman kong anong motibo nila kong bakit sila lapit ng lapit. Kaaway nila ang grupo ni Vivienne kaya gusto nila akong mapalapit sa kanila. Tama nga ako ng hinala dahil lumapit na sila sa akin mga ilang minuto lang ang nakalipas. "Pwede tumabi?" hindi ako sumagot. Pero tumabi pa rin naman sila hindi nila kasama si Jane. May isa pang kasama si Francheska and Dhanniela pero hindi ko ito kilala. Bago siya sa paningin ko. "Waah! Mukhang maglalaro sila ng soccer." "True, sayang si Skyler pati sana pinaka magaling dati." agad akong napa lingon ng marinig ko ang name na yon. Tinignan ko ang nag salita siya ang kasama ni Francheska and Dhanniela. Who is she by the way? Gusto ko mang itanong kay Francheska pero 'di ako nag tangka. Itatanong ko na lang kay Shion. "Kaso wala na si Skyler gaga! Fan na fan ka talaga nun e, no?" "Tss! Basta nag-iisa lang talaga siya sa heart ko!" "Mukhang ang lalaban yong transferee and si Zero." Agad akong napatingin sa field si Aki agad ang na pansin ko. Mukhang akala nila si Zero si Aki. Saan na naman kaya si Zero bat si Aki na naman yong nandito? Tinignan ko naman ang nasa kabilang team. Nagulat ako ng makilala ko kong sino si Jero lang naman kasi. "Yay! Mukhang magandang laban 'to." Tumayo na ako para umalis dahil wala akong time manood. Tsaka alam ko na rin naman agad kong sino ang mananalo. Syempre si Jero lalo na sport nya talaga yan sa old school nya. Si Aki na may injury pa dahil sa accident nya dati kaya for sure talo ang team nila. "Aalis kana Maine?" "Yeah," malamig na sagot ko kay Francheska. Mukhang need ko pumunta sa hide-out ng step brother ko. Hindi ko nga pala nasasabi na kahit kuya ang tawag ko kay Shion 'di naghihinala sa akin si Ellise. Ewan ko ba siguro masyado lang slow si Ellise. Pero kahit sino naman 'di agad-agad maniniwala lalo na wala talaga akong kapatid. Unti-unti na rin dumidilim ang paligid. Hapon na rin kasi. Dumiritso ako sa lumang cr. Ito lang kasi ang alam kong entrance papunta sa lungga ng kapatid ko. Hindi pala— lungga nilang dalawa ni Aki. Bago pa man ako mag transfer dito sinabi na ni Shion sa akin ang lugar na 'to. Pero hindi nya sinabi kong may iba pa bang entrance. Ang lala kasi talaga ng amoy dito. Hindi naman marumi ang loob ng cr pag papasok ka sa labas lang. Hindi ko alam kong anong nilalagay ni Shion and Aki dito para maging ganito ang amoy. Papasok na sana ako sa loob ng may ma pansin ako na anino sa di kalayuan. Hindi ko itinuloy ang pag pasok. Nakukublihan siya ng mga puno kaya 'di ko ma kilala kong sino. Pinakiramdaman ko ang paligid at hinintay na lumabas kong kanino mang anino yon. Pero hindi ito lumabas. Kinuha ko ang waistband pin na nasa bulsa ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya pero mukhang alam nya rin ang susunod na move ko. Tumakbo agad siya na 'di ko man lang nakikita ang mukha nya. Sa kilos nito alam kong siya rin yong nakakita sa akin nong sinundan ko si Shannel. Mukhang minamanmanan nya ako at inaalam ang bawat kilos ko. May alam ba siya kong sino talaga ako? "What you're doing here?" Agad akong napalingon at si Zero ang bumangad sa akin. "Ikaw ano ring ginagawa mo dito? Bakit mo hinahayaan si Aki na siya yong lumaban kay Jero?" "Siya ang nag pumilit." "What you two doing here?!" sabay kaming napalingon ni Zero kay Vivienne. Halos nag-uusok na ang ilong nito sa galit. "Don't tell me pati ikaw lalandiin din si Zero? Sabagay bestfriend mo nga pala 'yong malanding nang-ahas din sa boyfriend ko!" hindi ako nag salita at tinitigan ko lang si Vivienne. "Enough Vivienne wala kaming ginagawa." "Anong wala?! Kayo lang dalawa dito tapos walang ginagawa?! Tanga na lang ang maniniwala sa inyo!" Gusto kong matawa sa pinapagsabi ni Vivienne. Mukhang paranoid na siya. "Para namang mamamatay ka kapag nawala sayo si Zero." pang-aasar ko kay Vivienne na mas lalong ikinainis nya. Agad siyang lumapit sa akin para sana saktan ako pero mabilis siyang nahawakan ni Zero. "Hwag mo akong sinusubukan Charmaine. Kaya kong pumatay para sa kanya." madiing sabi nito sa akin. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya pero 'di siya makapalag dahil hinahawakan siya ni Zero para pigilan. "Scary!" pang-asar ko sa kanya. Lumikot ang paningin ko sa paligid nang maramdaman ko na parang may nanonood sa amin. Mukhang siya ang anino na, na aninag ko kanina. Sadyang bumalik siya para saksihan lang 'to. "You b***h!" Iniwan ko na si Vivienne at Zero. Naramdaman ko rin na naka sunod sa akin ng tingin ang nagmamasid kanina. Mukhang ako lang talaga ang target nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD