Charamine's POV
Matapos maging maayos ng lahat. Nakapag klase na rin kami for about one week. Ngayon naman ang examination week namin.
"Sino kayang magiging top ngayon ulit? Wala ng kaagaw si Vivienne sa top achievers, eh." dinig kong pinagsasabi ng mga classmate ko.
Pumasok na ang teacher namin at inabot isa-isa sa amin ang test paper. Hindi ko nga alam kong makaka pasa ba ako dahil masyadong occupied ang utak ko sa mga nag daang araw. Gabi-gabi kasing may pumapasok na ala-ala sa akin. Nalilito nga ako kong ala-ala ko ba yon or kay Charlotte.
"Time start now."
Hindi na ako nag-isip pa ng kong ano. Kailangan kong maka pag focus sa exam at maka pasa. Four subject lang ang itetest namin ngayong araw.
Natapos ang exam na 'di ko sure kong tama ang mga sagot ko. Lalo na sa fill in the blanks. Lumabas na ako ng room para kumain.
"Maine," natigilan ako ng makita ko sa labas si Jero. Mukhang hinihintay nya talaga ako.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ka."
"Char," napalingon naman ako sa tumawag sa akin. It's Aki na lalong naka agaw pansin ng mga student dito. Sikat si Zero dito sa school kaya malamang aakalain nilang si Zero siya kahit hindi.
Hindi ko nga rin sure kong alam ba ni Vivienne yong about dito.
"Bakit?"
"Aayain lang sana kita na sumabay kana sa akin kumain."
Parang bigla sumakit ang ulo ko dahil sa dalawang 'to.
"Nope, sa akin siya sasama." bago hinawakan ako ni Jero sa braso. Agad ko naman itong tinanggal.
"See? She don't want to come with you." sabi naman nitong si Aki.
Hindi ko na maintindihan pa ang pinagtatalunan nila dahil sumasakit lang ang ulo ko. Iniwan ko silang dalawa sa sobrang occupied nila sa pinagtatalunan nila 'di na nila na pansin na umalis ako.
Bahala nga sila!
Naglakad na ako at pupunta na lang ako sa hide-out nong kambal ko. Baka may foods siya don. Baka mas lumala pa 'tong pag sakit ng ulo ko kong didiritso ako sa cafeteria.
Pagdating ko sa hide out ng kambal ko wala siya dito at tanging si Kenneth and Zero lang ang nandito. Naka higa sila sa couch at naglalaro. Mukhang offline yong nilalaro nilang games dahil wala namang signal dito.
Padabog ako na umupo sa isa sa mga couch dito at humawak sa ulo ko na sumasakit.
"Ayos ka lang Kaye?" Si Kenneth nagtatanong bestfriend siya ni Shion. Tsaka Kaye talaga tawag nya sa akin kahit nong bata pa ako.
"Masakit lang ang ulo ko. Bakit wala si Shion?"
"Baka sa cafeteria dumiritso ako kasi dito agad pumunta pag tapos ng exam." Si Zero naman 'di nagsasalita mukhang focus sa nilalaro nya.
"Wala ba kayong foods dito?" agad naman tinuro ni Kenneth yong room ng kuya ko.
"Hanapin mo na lang kong saan nya nilalagay pagkain nya."
Ang astig nga eh, two rooms kasi 'to tapos yong isang room para kay Aki. Hindi kasi siya pwede sa dorm minsan ni Zero tapos itong si Kenneth tumatambay lang talaga dito.
Si Aki and Shion kasi gumawa nito kaya sila lang ang may rooms. Pumasok ako sa loob ng room ni Shion at ang ganda and linis.
Binuksan ko isa-isa ang drawer nya. Na pansin ko yong picture frame kaya kinuha ko ito. Picture ni Charlotte and Shion ang nasa picture frame. Naghalungkat pa ako sa drawer nya at may mga papel na may sulat dito.
Binasa ko ito at puro ka cornihan lang ng kuya ko. Mga sulat nya dati kay Charlotte at talagang naka tago pa 'tong lahat. Pinaka last na sulat na nabasa ko ay date nong araw ng monthsary nila. Itong araw din yong nawala si Charlotte. Umupo ako sa kama ni Shion at binasa ang sulat nya.
My love, Happy 8th monthsary sa atin. Sana mas tumagal pa tayo may suprise ako sayo mamaya. Alam na ni Jane kong saan ka dapat ihatid. Sabihin ko na lang lahat sayo mamaya kapag nagkita tayo. May favor nga din pala ako sa'yo pero sana 'wag mong masamain 'to. Pwede bang layuan mo si Skyler alam ko namang may gusto yon sa'yo. Alam ko ring isa siya sa mga naging kaibigan mo pero wala talaga akong tiwala sa kanya. Kong sa tingin mo red flag na ako dahil pinagbabawalan kita. Sige kahit 'wag mo na lang iwasan hahaha. Nagseselos lang kasi talaga ako.. hahahahaha..
Hindi ko na binasa pa ang iba nyang sinabi. Naghanap pa ako sa drawer ni Shion at may mga naka tago ditong album picture. Binuksan ko ito at ang ibang picture na nandito ay kupas na. Pero may iilan pa naman na maayos, more on picture lang ni Charlotte and Shion.
May isa lang nakaagaw ng pansin ko. Picture ni Charlotte, Shion, Jane and isang guy. Siya ba si Skyler?
Sa picture na 'to parang nagka palitan sila kasi si Jane and Shion yong mag katabi and si Charlotte at itong isang guy.
"Charmaine!" napalingon ako sa pintuan at si Shion ang dumating. Agad nyang inagaw sa akin ang album.
"Anong ginagawa mo dito?" tinitigan ko siya. Kita sa mga mata nya yong galit pero halatang nagpipigil siya. Galit ba siya dahil pinakialaman ko ang gamit nya?
"Maghahanap lang sana ako ng pagkain." Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Kinuha nya ang isang bag na nakasabit sa wall at kumuha ng pagkain doon.
"Pwede ka na umalis." malamig na sabi nya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa mukhang galit talaga siya.
Pumunta ako sa kusina nila. May kusina kasing maliit dito na kasya lang for two people. Nilapag ko sa lamesa ang binigay ni Shion na wheat bread tsaka binuksan 'tong ube jam nila na nasa lamesa. Nag timpla rin ako ng kape kahit 'di ako mahilig mag kape.
"Penge ako!" si Kenneth ang dumating.
"Ano palang nangyari don?" tinutukoy nya si Shion. Hindi ako sumagot dahil 'di ko naman talaga alam kong anong nangyari sa kanya.
Napapaisip nga ako na baka may ayaw ipakita sa akin si Shion. Hindi naman big deal yong nakita ko don o ayaw nya lang makita ko mga ka cornihan nya dati.
*****
Vivienne's POV
"Pag sabihan mo naman yang kuya mo na lumayo layo kay Charmaine! Alam mong sikat ka tapos gagawa ng ikakasira mo!"
Inis na inis ako ngayon dahil sa ginawa ni Aki. Kong 'di ko lang talaga alam na si Aki yon baka sinabunutan ko at pinag-uuntog si Charmaine. Ang landi landi talaga ng babae na 'yon!
"Tumigil kana nga Vivienne 'di naman big deal yon." What?
"Sana naman isipin ng kuya mo yong kalagayan ko!" Hinawakan nya naman ako sa magka bilaang braso ko.
"Paano ka nya iisipin kong wala naman siyang paki sa nararamdaman mo! Tumigil kana!" Hindi ako naka imik dahil sinigawan nya na talaga ako.
Ano bang meron kay Charmaine bat lagi siyang papansin?!
*******
Shannel's POV
Naging normal naman ang araw ngayon literal na exam week lang. Mabuti na lang talaga. Papunta na kami ni Caren sa building ng dorm namin.
"Pwede kaya mag palipat ng dorm Shann? Para sana same dorm tayo."
"Hindi ko sure lalo na yong hihigaan mo yong kay Kathy. Okay lang ba sayo yon?"
"Ayos lang naman. Ang boring kasi ng mga kasama ko sa dorm."
"Sige ask natin bukas yong dorm supervisors." natuwa naman si Caren.
Ilang years na rin kaming mag best friend ni Caren. Mag katabi kasi kami lagi dahil same na letter ang S ang last name namin. Pero kahit mag best friend kami parang 'di ko pa ganon ka kilala si Caren. Hindi kasi siya nag sh-share ng about sa life nya or mga past. Hindi din nga siya nagsabi sa akin kong sino crush nya! Ang daya talaga ako lagi ko sinasabi sa kanya.
Naghiwalay na kaming dalawa ng nasa tapat na ako ng dorm ko.
Pumasok ako sa loob at naabutan si Jane na nagbabasa ng mga libro.
"Wow! Parang magpapa high honors ka na 'ata nyan, eh" biro ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at ngumiti lang ng bahagya. Humiga na ako sa kama ko. Ilang minuto lang din dumating na si Charmaine at nahiga na agad. Hindi ko na siya nagawang batiin kasi para siyang walang sa mood.