Charmaine's POV
Sinadya kong abangan si Shion dahil 'di talaga kami naka pag-usap simula nong nangyare nakaraan.
"Shion!" tinitigan ko siya na. Hindi siya maka pag salita alam kong may dahilan yon kaya ganon na lang ang galit nya.
"May tinatago ka pa sa akin?" bumuntong hininga siya.
"Ayoko lang mabasa mo kong paano nag cheat si Charlotte," yon ba talaga? "Alam kong 'di mo matatanggap yon."
"Tanggap ko, Shion. Alam mo ang 'di ko matanggap 'yong inilihim mo sa akin 'yong about kay Skyler. Do you still considered me as your sister?" nagbago yong expression ng mga mata nya. Mukhang na realise nya na mali siya.
"Bat mo naman iniisip yan?"
Actually 'di naman talaga ako galit sa kanya dahil in the first place I never trusted him. Sadyang nag d-drama lang ako para malaman ko yong mga 'di ko pa alam.
"Kasi tinago mo sa akin ang totoo! Who's that guy name Skyler?!"
"Fine!"
"Monthsary namin ni Charlotte nun, and that guy sumama siya don kaysa sa akin."
Bakit kaya 'di ko man lang nakita sa ala-ala ko 'yang si Skyler? I mean sa ala-ala ni Charlotte through my memories. Kaya mas lalo akong nagiging curios who's that guy? Siya ba yong pumatay kay Charlotte?
"Pagkatapos non, never siyang nag paliwanag sa akin. Sinasabi nya lang layuan ko siya. She never talk to me again."
"Hindi mo tinanong yong Skyler?" umiling naman siya.
"I tried pero inunsulto nya lang ako. Sinabi nyang may nangyare na sa kanila ni Charlotte na never naming nagawa." Kumuyom ang kamao ko sa mga narinig ko. That bastard!
"And you did nothing? Paano kong na blackmailed lang siya kaya naging sila," umiling naman siya sa akin.
"Wala ka sa situation ko non, kong paanong araw-araw ko silang nakikita na mag kasama. Kong paano sila ka sweet sa isat-isa!"
"Nong gabing nawala si Charlotte hindi ba mag kasama kayo?" yon yong time na nasa memories ko na naka bangga ko siya.
"Yes, mag kasama kami kasi ipapaliwanag nya na yong lahat sa akin. Hinintay ko siya nun, kasi bumalik siya sa dorm nila dahil may kukunin siya. Pero 'di na siya naka balik kaya nag-alala ako! Pinuntahan ko siya sa dorm nila pero wala siya don kaya hinanap ko siya."
"Bakit si Caren nasa list mo ng suspect?" Gusto ko rin sana itanong kong bakit wala din si Jane. Same lang naman silang magkaka dorm mate.
"Nakita ko siya ng gabing yon at may dugo ang mga kamay nya."
Gusto ko rin sanang sabihin sa kanya na mag kasama si Jane and Charlotte nong gabing nawala siya. Pero base sa imbistagasyon nandon daw siya buong mag damag sa dorm. Kaya walang nahuling suspect kong sino ang pumatay sa kanya.
"Sa nangyayareng krimen dito sa loob ng campus kasali ka ba?" agad naman nag-iba ang timpla ng itsura nya.
"Sa tingin mo gagawin ko yon? Akala ko nga ikaw gumawa nun pero base naman sa mga namatay walang kinalaman yon kay Charlotte."
Sino kayang may gawa nun? Lalo na yong laging naka masid sa bawat kilos ko na parang kinikilatis ako ng husto. Pati nong gabing may narinig din akong sumigaw na humihingi ng tulong.
"Hindi ako may gawa nun lalo pa wala namang matibay na ebedensiya na kasabwat sila."
Pagkatapos naming maka pag-usap ni Shion dumiritso na ako sa classroom. Medyo na bigla ako dahil may mga imbistigador na nandito. Tinatanong kaming mga student. May nangyare ba?
"Char," agad lumapit sa akin si Shannel at humawak sa braso ko. Mukhang nabasa nya ang tanong sa mukha ko.
"Nawawala kasi si Fatima dito daw siya huling nakita nong pumasok. Pero base sa imbestigation ilang weeks na raw palang nawawala yon. Akala nong parents nya nandito lang sa campus tapos nagtaka sila kasi 'di umuuwi don every weekend. Tapos pumunta dito yong parents kasi wala ng update tapos ayon nga nalaman na ilang linggo na palang 'di umuuwi."
"Mga ilang weeks na?"
"About three weeks na raw, ah basta 'di exact na three weeks basta malapit na mag one month."
Tinignan ko ang nasa missing poster. Grade 12 student siya at last scene about three weeks ago. Mukhang 'di 'ata matatahimik 'tong school na 'to, hanggat 'di nakikita kong sino ang killer.
Siya kaya 'yong babaeng narinig ko nakaraan na sumisigaw at humihingi ng help? Three weeks ago na rin kasi nong nangyare yon.
"How about you sino kinikita mo sa tree house?" agad siyang napabitaw sa akin at kita ang gulat sa mukha nya.
"Waah! Nakita mo pala 'yon, shhh ka lang! Boyfriend ko 'yon, wala kasi kaming time na magkita lalo na magka iba schedule namin. Tapos strict pa parents ko kapag nalaman nila na may boyfriend ako baka patigilin ako. Tapos don lang talaga pwede dahil maraming nakakakila sa akin."
Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo lalo na sa reaction nya.
"Nang ganong oras?"
"Eh kasi yon lang 'yong time na walang student na makakakita sa amin."
Gusto kong matawa sa reaction nya dahil naka pout siya. Pero pinigilan ko dahil ayoko ng magkaroon ng another friend. Lahat ng nagiging kaibigan ko na papahamak.
Matapos ng klase dahil week-end na rin bukas napag pasyahan kong umuwi sa amin.
Nag-iisa lang ako sa bahay dahil nasa ibang bansa ang parents ko. Si Shion naman minsan pumupunta siya don pero madalas hindi.
Tinignan ko ang location na binigay sa akin ni Shion. Location 'to ng tirahan nong Skyler. Sa tingin ko kasi isa siya sa may kinalaman kay Charlotte.
Kong bakit ba kasi 'di na naman nagpapakita sa akin yong memories ni Charlotte. Medyo nahihirapan tuloy akong pag tagpi-tagpiin ang mga nangyayare.
Gabi na ng makarating ako kong saan ang bahay ni Skyler. Nag doorbell ako agad at isang maid ang lumabas.
"Hello po, good evening. May itatanong lang po sana ako?"
"Ano iyon, ineng?"
"Dito po ba 'yong bahay ni Skyler Mitra?" nangunot naman ang noo nito.
"Baka wrong address ka ineng. Wala namang Skyler Mitra ang nakatira dito."
"Ito po kasi yong address na ibinigay nya," pagsisinungaling ko.
"Baka 'yong dating nakatira yon dito, neng. Kasi two years pa lang kami ng amo ko na nakatira dito."
"Cynthia, sino yan?" may isang babae na dumating. Parang ito 'ata ang amo nya.
"Ma'am may naghahanap po kasi Skyler Mitra daw ang name."
"Ah si Skyler? Pamangkin ko siya pero 'di na dito ang address nya."
"Pwede nyo po bang isabi kong na saan na siya ngayon?"
"Ano ka ba nya?" halata sa tuno nito na parang nag-aalangan siya na sabihin sa akin.
"Friend nya po ako mag classmate kami dati."
"Ganon ba? Matagal na kasi siyang wala dito pumunta sila ng ibang bansa kasama ng parents nya. Wala na rin akong contact sa kanila. Pasensya na," bago sinaryan nya na ang gate.
Mas lalo akong naghinala sa Skyler na yon lalo na umalis ng bansa. Base sa sabi ni aling Cynthia two years pa lang silang nakatira don. Posibleng sobrang two years na silang nakatira don like malapit na mag three. Kasi kong ganon connected talaga 'yon kay Charlotte.
Bumalik ako sa bahay na wala man lang na pala. Humiga ako sa kama at naka titig sa kisame. Ang ganda kasing tignan naka led projector night light galaxy kasi yong mga ilaw nito at gumagalaw kaya ang ganda.
Si Charlotte pa ang nag regalo sa akin ng projector na 'to. Kaya sa tuwing ginagamit ko ito siya yong laging naaalala ko. Kahit na muntik ko na siyang makalimutan.
Three years ago kasi may nangyare sa akin nagka head injury ako. Nagising akong okay naman ang lahat except kay Charlotte na 'di ko matandaan. Siya lang yong 'di ko natandaan. Ang galing, no? Talagang may pinili 'tong memorya ko at siya pa talaga 'yong 'di natandaan.
Actually si Kathy naman talaga yong unang dahilan kaya ako pumasok sa Monterials School. Pero bago pa man ako tuluyang maka pasok don nakita ko 'tong projector. Akala ko nga 'di na gumagana kasi napaka alikabok na at naka lagay na siya sa mga lumang gamit ko. Siguro si mama yong nag ligpit kaya 'di ko rin napapansin dati.
Nakalagay sa sulat na humihingi siya sa akin ng help na puntahan ko siya kong saan siya nag-aaral. Kaya siguro sa ala-ala ko nandoon ako nong gabing bago pa man siya mawala. Kaya lalo akong naging curious na pumasok sa paaralan na 'yon. Marami din akong ginawang plano bago pa man ako tuluyang makapasok don.
Akala ko nga magiging normal ang unang araw ko don pero hindi. Mas lalo pang naging magulo ang lahat dahil pakiramdam ko nanganganib yong buhay ko sa lugar na yon. Pero 'di ako papayag na mamamatay lang ako para sa wala.
Namatay si Charlotte na 'di man lang na bigyan ng hustisya. Hindi na siya halos ma kilala nong na tagpuan ang bangkay nya. Itinapon siya na parang 'di tao. Hindi rin nalaman kong sino ang suspect hindi rin ako naka pag testigo dahil yon yong time na nagka head injury ako dahil sa humampas sa ulo ko. Nagising ako na 'di ko maalala lahat ng nangyare nong gabing yon.