Jane's POV
Nakatingin ako sa 'di kalayuan kong saan ang tinitignan ko ay naka tingin kay Charmaine. Ilang beses ko na siyang nahuli na naka tingin kay Charmaine at kong saan ito pumunta. Mukhang may stalker si Charmaine na 'di nya nalalaman. Napangisi ako at naglakad papunta sa lalaking tinitignan ko.
"Skyler," napangisi ako ng lumingon siya. Hindi nga ako nagkakamali dahil siya nga si Skyler. Binago nya man yong name nya at itsura nya 'di nya ako maloloko.
"J-jane?" Halata ang pagkagulat nya pero agad din nagbago ang expression ng face nya at naging cold.
"Gulat ka ba na nakilala kita?" tinignan ko si Charmaine pero wala na ito sa pwesto nya kanina.
Nakakapagtaka naman na 'di nahuhuli ni Charmaine kong sino siya. Sabagay isa rin siyang tanga kaya paano nya malalaman na may taong laging nakamasid sa kanya.
"Ayaw mo na ba kay Charlotte?" agad nag-iba ang aura nya. Para itong naging ibang tao nong narinig nya yong name ni Charlotte. Halos 'di ako makahinga sa bilis nang naging kilos ng mga kamay nya.
"Don't you dare mention that name. Hindi ako mag da-dalawang isip na isunod ka," pagbabanta nya sa akin. Binitiwan nya ang leeg ko at halos maubo ako sa lakas ng naging impact ng pagsakal nya.
Iniwan nya na ako at mapakla akong napangiti. Hindi ko alam kong pagsisisihan ko ba yong mga kagaguhang ginawa ko dati.
"Jane?" napalingon ako sa likuran ko at si Shion ang dumating.
"Shion," marahan akong ngumiti ng pilit sa kanya. Ramdam ko pa rin kasi ang pag sakal sa akin ni Skyler. Bwesit talaga siya kahit kailan akala ko ba naman magagamit ko siya pero mukhang hindi.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Wa—" naputol ang sasabihin ko nang dumating si Charmaine.
"Shion!" Agad akong napalingon nang dumating si Charmaine. Ngumisi siya sa akin na akala mo may binabalak na 'di maganda.
Alam kong naghihinala na siya sa akin pero 'di ko hahayaang may malaman pa siyang iba. Kailangan ko na sigurong tapusin siya. Kong bakit ba naman kasi dumating nong gabing yon si Shion, edi sana wala na siya dito.
Ako yong babaeng pumukpok sa ulo ni Charmaine last month. Sa totoo lang tatakutin ko lang talaga siya non para sana umalis na siya dito. Pero mukhang wala siyang balak umalis. Ewan ko na lang sa susunod kong gagawin kong 'di pa siya mag balak mag transfer.
"Magkakilala pala kayong dalawa?" tanong ko sa kanila.
"Yeah," yan lang ang naging sagot ni Shion sa akin at blankong expression lang ang kay Charmaine.
Dapat talaga 'di ko na hinayaan pang tumagal dito si Charmaine. Masyado na siyang maraming nalalaman.
"Mauna na kami Jane," tinignan ko silang dalawa. Nakita ko pang kumapit si Charmaine sa braso ni Shion na mas lalong nagpa inis sa akin.
Kahit kailan na lang talaga laging may sagabal?!
********
Charmaine's POV
"Last location nya na talaga 'yang pinuntahan mo," sabi sa akin ni Aki. Wala naman kasi akong ibang resources para malaman kong na saan na si Skyler ngayon. Kong totoo ba talagang nasa ibang bansa siya.
Kaya na isipan kong magpa help kay Aki 'di ko knows kong saan siya nakahanap ng information.
"Hindi ba naging close naman kayo ni Charlotte?" Dapat talaga 'di ko sila kinakausap, eh.
"Yes, pero 'di naman siya nagsasabi ng mga nangyayare sa kanya."
Hindi na ako sumagot pa dahil 'di ko naman talaga alam kong nagsasabi sila ng totoo. Ang tanging pinanghahawakan ko na lamang ngayon ay ang maalala ko yong iba pang mga ala-ala ni Charlotte.
"Sure ka ba sa binabalak mo?" marahan akong tumango.
"Hindi bat mas magiging mapanganib kapag tinuloy mo yang binabalak mo?"
"Alam ko kaya nga gagawin ko."
Si Aki lang ang pinagsabihan ko ng plano ko at kailangan ko rin sabihin 'to kay Shion. Pero 'di ko siya mahagilap ngayong araw.
"Una na ako may klase pa kasi," marahan lang akong tumango kay Aki.
Naiwan akong nag-iisa dito sa likod ng campus. Napapaisip lang ako dahil hinayaan ko na pala silang maka pasok sa buhay ko. Parang dati lang kasi nong nandito pa si Kathy siya lang yong iniisip ko. Hindi ko rin sila kinakausap feeling ko tuloy nagiging mahina na ako.
"Charmaine!" agad akong napalingon at si Vivienne ang tumawag sa akin. Halata na naman sa mukha ang inis.
Hindi ko na talaga alam sa kanya bakit ako na yong trip nya. Hindi ko naman siya inaano.
"Pwede ba layuan mo na si Aki! Ako yong naaapektuhan. Ang dami ng rumor na babae ka nya."
"Wala akong pakialam," sagot ko sa kanya na mas lalo nya pa 'atang kinainis.
"Ngayon lang ako nakikiusap sa'yo! Kaya naman sana sundin mo."
"Bakit ako yong kinakausap mo? In the first place 'di ako yong lumalapit sa kanila sila yong kusang lumalapit sa akin."
"Ilang beses ko na rin sinabihan si Aki na layuan kana nya. Pero mas malala pa yong ugali nya kay Zero. Kaya ikaw na lang pinapakiusapan ko ngayon." Halata naman na sincere siya sa pakiusap nya. Pero wala talaga akong paki sa reputation nya at mas lalong wala akong paki alam sa buhay nya.
"Sa isang condition?" napalunok naman siya na parang pinag-iisipan nya yong susunod kong sasabihan.
"Lumuhod ka," kita ang gulat sa mga mata nya.
"No way!" agad na sagot nya.
"Edi sorry na lang," matabang na sagot ko sa kanya.
"Gustong gusto mo talagang nasisira ako, no?" marahan akong lumapit sa kanya at bumulong.
"Hindi lang nasisira mas higit pa don. Yong tipong paglalamayan kana." kita ko ang gulat na reaction nya pero agad nya ring pinawi 'yon.
"Mauuna ka!" padabog na sagot nya at naglakad na palayo.
Naglalakad ako ngayon sa corridor para sana pumunta sa classroom nila Shion. Pero 'di na ako tumuloy pa dahil mukhang nag k-klase sila. Napahinto ako saglit ng may maramdaman ko na naman na may nakatingin sa akin. This time iba yong pakiramdam ko feeling ko 'di siya yong babae na lagi akong sinusundan.
Hinanap ko siya pero 'di ko makita. Halatang sanay siya mag tago dahil 'di ko man lang siya nahuhuli.
"Maine," agad akong napatingin kay Jero na kalalabas lang ng classroom nila. Pagkakaalam ko classmate sila ni Shion.
"Wala na ba kayong klase?"
"Meron, nag cutting ako." tumatawa pa talaga siya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit? Minsan lang naman ako mag cut. Anong ginagawa mo dito?"
"Hinahanap ko si Shion," nakakunot naman ang noo nya.
Hindi ko nga pala sa kanya nasabi dati na mag step brother kami ni Shion at 'di rin naman kasi sila magkakilala. Pero I don't know kay Shion mukhang kilala nya kasi si Jero. Sabagay nasabi ko sa kanya dati na boyfriend ko si Jero pero never kong na shared yon kay Jero.
"Napapansin ko lagi kayong mag kasama. Hindi ko alam close pala kayong dalawa?"
Hindi ko sa kanya pwede sabihin na step brother ko si Shion dahil masisira ang plano.
"Dati pa naman ako pala kaibigan kaya madali ko lang siyang naging close." sagot ko sa kanya pero halatang 'di siya naniniwala.
Pero marami naman talaga akong friends sa old school ko pero 'di ko na ipakilala yon kay Jero.
"Hindi usually kasi si Kathy lang. Nakakapanibago lang kasi pati si Zero close mo rin." Mukhang ang tinutukoy nya ay si Aki. Kasi kong si Zero 'di ko naman talaga close yon at napipilitan lang akong kausapin yong lalaking yon.
"Ah, si Zero 'di ko siya close sadyang lapit lang ng lapit yon sa akin." tumango tango naman siya.
"Hihintayin mo pa ba si Shion?" umiling naman ako.
"Mamaya na lang siguro. Saan ka nga pala pupunta?"
"Sa bahay sana," sagot nya sa akin.
Medyo na curious ako sa bahay nila Jero. Hindi pa kasi talaga ako naka punta don at 'di nya rin ako na ipakilala sa parents nya kasi nga strict.
"Gagawin mo sa bahay nyo 'di pa naman weekend." Thursday pa lang kasi.
"May nakalimutan lang akong kunin. Gusto mo sumama?"
Wala naman kaming klase buong hapon ngayon kaya mas okay siguro kong sasama ako. Ipinagsantabi ko muna yong pag-iwas ko kay Jero.
****