Chapter 13 - The Killer

1596 Words
Charmaine's POV Nasa dorm ako at nandito rin si Jane ngayon. Nagbabasa na naman siya ng mga libro. Si Shannel naman ay kalalabas lang bibili daw siya ng pagkain. Napapansin ko nga napapadalas na yong pag c-crave ni Shannel sa pagkain. "Charmaine," agad akong napalingon kay Jane. Hindi siya naka tingin sa akin tanging sa mga libro lang. "Matagal na kayong magkakilala ni Shion?" "Hindi kami close," malamig na sagot ko sa kanya. Nakita ko ang palihim na pag ngiti nya. "Bakit naman grabe ka maka lingkis sa kanya nong nakita ko kayo nong isang araw? May something ba?" "Yes, nililigawan nya ako." pagsisinungaling ko. Bumagsak ang libro na binabasa nya at nag bago din ang expression ng mukha nya. Masyado naman halata 'tong si Jane. "May problema Jane?" agad nyang dinampot ang bumagsak na libro at tumingin sa akin. Ngumiti muna siya kahit halata naman na pilit lang ang pag ngiti nya. "Walang problema. Mabait si Shion kaya dapat sagutin muna siya," halata ang pagka plastic sa sagot nya. "Bakit 'di mo subukan?" nagtaka naman siya sa tanong ko. "Halata naman kasi na may gusto ka sa kanya," dagdag ko. "What? Friend lang kaming dalawa ni Shion," medyo naging awkward na ang pag sagot nya. Hindi na ako sumagot pa dahil halata rin naman nagsisinungaling siya. Halos ilang minuto rin naging tahimik ang buong paligid nang biglang dumating si Shannel. "Guys, may balita ako!" Halata sa mukha nya ang excitement. "Pinayagan nga pala si Caren na dito sa dorm na natin," halos ang laki ng ngiti ni Shannel. "Ayaw nyo ba?" Tahimik kasi kaming dalawa ni Jane. "Ayos lang sa akin ewan lang sa iba," sagot ni Jane. Tumingin naman sa akin si Shannel at halata ang lungkot sa mukha nya. "Ayaw mo Charmaine?" "Nah, it's okay." Malapit nang mag 7 pm kaya nag balak na kaming lumabas para kumain. Pero hindi sumabay sa amin si Jane. ****** Jane's POV Nang umalis na sila Charmaine ay agad kong kinuha ang matulis na bato na nasa ilalim ng kama ko. Lumabas ako ng room at hinanap si Caren. Ayoko siyang maging ka dorm mate. Inilagay ko sa bulsa ang bato. Inaabangan ko siyang lumabas. Mabuti na lang din dahil siya ang pinaka huling lumabas. Wala rin siyang kasama, napangisi ako dahil naaayon sa mga plano ko ang lahat. Sinuot ko ang jacket ko na may hoodie. Nang makarating na siya sa pwesto ko ay agad ko siyang hinila sa madilim na part. "Bitiwan mo ako! Sino ka?" nagpupumiglas pa siya pero sinugatan ko ang pulsuhan nya. Reason para dumugo ito at manghina siya sa dami ng dugo na umawas. "Anong kailangan mo sa akin?" Binitiwan ko na siya at agad siyang na tumba dahil sa panghihina. "Sinabi ko naman sa'yo 'di ba manahimik ka na?" "J-jane?" Halata sa boses nya ang panginginig at pag katakot. "Pero mukhang 'di ka nadadala. Siguro dapat manahimik kana!" "Jane, maawa ka. Wala naman akong gagawin na 'di maganda." Akala nya ba mauuto nya ako? Ilang beses nya na akong blinackmailed kay Charlotte. Akala nya siguro matatakot nya ako. "Ano yong pinadala mong record na nag-uusap tayo nong gabing nawala si Charlotte? Akala mo ba matatakot mo ako sa ganon, hindi." Hinawakan ko ang buhok nya at hinila ito. "J-jane promise mananahimik na ako," umiiyak na siya at naka luhod sa harapan ko. Pero buo na ang desisyon ko magiging sagabal lamang siya sa lahat ng plano ko. Agad kong sinaksak ng batong matulis ang leeg nya. Sa dami nang dugo na umawas don tingin ko mamamatay na siya dagdag pa ang sugat na nasa pulso nya. Hinubad ko ang jacket ko nang makalayo ako. Itinago ko muna ito sa isang basurahan at pumunta ng cafeteria. Patapos na sila Shannel and Charmaine nang dumating ako. Pinili ko na lamang mag-isa dahil baka may makahalata sa ginawa ko. Nang umupo ako sa isa sa mga table ay nagtaka ako dahil may tumabi sa akin. Si Charmaine tapos na siyang kumain at nakatitig siya sa akin. "Anong kailangan mo?" "Gusto ko lang kasi itanong sa'yo bat may dugo sa braso mo?" Dumagundong ang dibdib ko nang makita ko ngang may dugo sa braso ko. Pero hindi mahahalata iyon dahil 'di naman ako ganon kaputi. "Mantsa lang 'to ng ketchup," ang lame ng excuses ko. Wala na kasi akong ma isip pa. "Oh, okay. Mauna na pala kami sa dorm." sabi nya na agad ko namang ikinatango. Kong 'di lang talaga sagabal si Caren si Charmaine na sana ang isusunod ko. Habang kumakain ako ng tahimik ay nagka gulo ang mga student. "Anong meron?" tanong ko sa iba pang mga student. "Paano kasi si Caren nakita ng guard na duguan at wala nang buhay." Halos 'di ko malunok ang kinakain ko nang marinig ko yon. Ang bilis naman natagpuan ang katawan nya. Paano kong buhay pa siya? Agad akong tumayo kahit 'di pa ako tapos kumain at sumama sa mga student na nakiki tsismis. Wala sa plano ko na matagpuan siya agad lalo na bago ako tuluyang umalis ay tinakpan ko ang katawan nya ng mga dahon. May nakakita ba sa ginawa ko? "Nakakatakot na talaga sa school na 'to, 'di na matigil tigil 'tong ganito." "For sure suspended na naman ang klase," rinig kong sinasabi ng ibang mga student dito. Bago ako pumasok sa dorm ay kinuha ko ang jacket na tinago ko kanina kasama rin ang bato at ang gloves. Basa pa ang ibang part ng mga ito ng dugo pero 'di mahahalata dahil sa itim ang kulay nito. Naabutan kong umiiyak si Shannel at inaalo siya ni Charmaine. Marahan lang na tumingin sa akin si Charmaine at si Shannel naman ay busy sa pag-iyak. Best friend nya nga pala si Caren. Pumasok ako sa cr nang dorm at binanlawan ang jacket. Nagkalat sa buong tiles ang mga dugo. Nilabhan ko na rin diritso ang jacket at gloves. Mabuti na lang din ay may towel na nandito kaya dumiritso na rin ako maglinis ng katawan. ***** Charmaine's POV Umalis ako kaagad sa dorm nang makatulog si Shannel. Si Jane naman ay 'di pa rin tapos sa loob ng bathroom. Pumunta ako kila Aki na ngayon ay nag-iisip rin kong sinong gumawa non. "Maine, ikaw ba gumawa non?" Sinasabi ko na nga ba ako na naman agad papagbintangan ni Shion. "Bakit ako palagi mong pinagbibintangan? Ayaw mo kay Jane?" masyado kasi siyang unfair. "Bakit si Jane? Masyado siyang mahinhin para don at wala siya sa list na binigay ko. Alam ko rin na tinakot mo si Caren." "Tinakot ko lang siya pero wala akong ginawa. Alam mo kong bakit si Jane? Siya yong huling pumasok kanina sa cafeteria at nakita kong may dugo ang braso nya." "Sigurado ka ba?" Dapat talaga 'di ko na 'to sinasabi kay Shion! Start from now on mag so-solo na lang ako sa lahat. "Shion, bakit ba parang pabor na pabor ka kay Jane?" tumingin ako sa kararating lang na si Ellise. Mabuti naman ay may pakinabang siya. "Hindi naman sa ganon, pero hindi ko lang ma isip na si Jane ang may gawa non." "I saw her," si Ellise ang nagsasalita. "You saw her?" "Yes, may nakalimutan akong kunin sa dorm kaya bumalik ako. Nakita ko na may humila kay Caren papalayo. Sinundan ko sila at narinig ko mismo na Jane ang tinawag ni Caren." "You're lying, right?" gusto kong matawa sa reaction ni Shion. Hindi nya talaga matanggap na kasama si Jane sa lahat ng mga kagaguhang nangyayare rito. "Siguro naman Shion dapat isipin mo na rin na baka kasabwat si Jane nong panahong nawala si Charlotte." Hindi siya naka pag salita sa sinabi ko at mukhang 'di pa nag sisink-in ang lahat sa kanya. "Sino nga pala yong nag sumbong sa guard?" "Si Jero," natigilan ako sa sinabi ni Aki na si Jero ang nakakita sa bangkay ni Caren. "Bakit daw nandoon siya?" tanong ko. "Hindi ko rin alam. Siguro tanungin mo na lang siya." sagot sa akin ni Kenneth. Bumalik na ako nang dorm at saktong kalalabas lang ni Jane ng bathroom. "Ang tagal mo namang naligo, Jane?" "Nilabhan ko kasi ang jacket ko." tinignan ko ang jacket na sinampay nya banda sa may bintana. Humiga na ako sa kama ko at si Shannel naman ay tulog pa rin. Nagulat ako kinaumagahan sa binalita na natanggap namin. May nakita kasing bangkay malapit sa pinangyarehan din ng krimen kay Caren kagabi. Hindi lang ito na pansin kaagad kagabi dahil sa natabunan ito ng mga basura. Tumingin ako kay Jane pero halata rin sa reaction nito na nagulat siya. Pero p-pwede rin na nagpapanggap lang siya. ****** Jane's POV Halos 'di ako makapaniwala sa nangyare. Kinabahan din ako ng husto dahil sa balitang nangyare ngayong umaga. Paano kong may nakakita talaga sa akin? "Nagulat ka ba?" hindi ako tumingin sa tabi ko dahil boses pa lamang nya ay alam ko na. "Ikaw ba ang may gawa, nun?" "Yeah, tinulungan lang kita. Nakita nya ang ginawa mo kay Caren at na videohan ka nya." agad akong tumingin sa kanya at kita ko ang pag ngisi nya. "Skyler!" madiin at may pagbabatang sabi ko pero 'di naman ito umepekto sa kanya. "Sa susunod kapag gagawa ka ng kalokohan siguraduhin mong walang ibang makakaalam." Bago ipinakita nya sa akin ang memory card. Mukhang nasa memory card ang video kong saan makikita ang ginawa ko kay Caren. Aagawin ko sana sa kanya ang memory card pero agad nya itong inilayo sa akin. "Bye!" nakangising saad nito. Hindi na ako nag tangkang habulin siya dahil maraming mga student na nakamasid. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD