Vivienne's POV
Walang naging klase ngayon dahil sa mga nangyare. Lahat din ng mga student ay naka tambay sa gymnasium ng school. Nag i-investigate kasi ang mga pulis. Like, ang daming student dito tapos iisa-isahin nilang tanungin? Tapos na akong ma interview kaya naka alis agad ako. Na isipan kong pumunta sa dorm nila Charmaine.
Gusto kong malaman kong sino siya at kong may tinatago ba siya. Gusto kong ma kick-out siya dito sa school. Simula ng dumating siya nagkagulo na ulit itong school. Good thing dahil 'di man lang naka lock itong pintuan ng dorm nila.
Bumungad agad sa akin ang sala nila na napaka linis. Ang sipag naman nila para mag linis. Pumasok ako sa loob kong saan sila natutulog.
Dalawang double deck bed lang ang nandito. Saan kaya natutulog si Charmaine? In isa-isa ko ang mga gamit na nasa kama. Na bigla ako sa nakita ko sa isa sa mga kamang nandito. Noong itinaas ko kasi ang kama ay may mga matutulis na bagay na nakatago. Agad kong ibinalik sa dating pagkakaayos ang kama.
Pumunta ako sa isang kama at mukhang ito na ang kama ni Charmaine. May drawer kasi na maliit dito na katabi ng kama nya at may picture nilang dalawa ni Kathy. Bubuksan ko sana yong drawer nya pero naka lock ito. Kinuha ko ang hairpin ko na nasa bag ko. Ilang minuto lang na pagkalikot ko ay na buksan ito.
Tanging isang notebook lang ang nandito parang diary. Gusto kong matawa dahil uso pa pala sa kanya ang diary. Binuklat ko ang mga pahina nito at nag start siya mag sulat dito ay last week lang.
Lumabas na ako ng dorm nila na dala ang diary ni Charmaine. Sinimulan ko itong basahin ng nasa sariling dorm ko na ako. Good thing mag-isa lang ako rito walang manggugulo. Napangisi ako ng mabasa ko ang isang pahina na naglalaman ng tinatago ni Charmaine.
*******
Charmaine's POV
"Ano bang hinahanap mo Char?" tanong sa akin ni Shannel.
"Yong book ko kasi nawawala. May mga important na nakasulat don. Plus may mga picture din doon na iniingatan ko."
"Baka naman na misplace mo lang. Teka nga tulungan na kita."
Halos malinis na namin ang buong dorm pero 'di talaga namin nakita. Except na lang sa kama ni Jane. Hindi kami nag tangkang makialam sa gamit nya.
"Mamaya pag dating ni Jane tanungin na lang natin siya baka na pansin nya."
"No need," sagot ko kay Shannel at lumabas na ng dorm.
Mukhang may kumagat na ng bait ko. Kong sino man siya sana lang sure nyang ipapagsigawan nya sa buong Montreal School yon. Napangisi ako habang naglalakad.
"Char!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at si Francheska pala.
"Yea?"
"Pwede sumabay? Pupunta ka bang gymnasium ng school? May pa announcement daw si Vivienne."
Hindi ako sumagot pero kusang pumunta ang mga paa ko kong saan ang gymnasium. Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin ni Vivienne? Tanging mga senior high student lang ang mga nandito.
"Hello everyone, I know you're all wondering why all of the sudden I have an announcement."
Printing nakatayo lang ako at baka arm crossed habang naka tingin kay Vivienne.
"Anong meron?" Boses pa lang nya alam ko na kong sino. Hindi ko siya sinagot dahil wala naman talaga akong ideya kong anong trip ni Vivienne.
"May natuklasan ako na dapat malaman nating lahat. Lalo na matagal na pala natin siyang kilala pero tinatago nya sa atin. Alam kong natatandaan nating lahat si Charlotte na buong akala natin ay patay na."
"s**t! So, she's the one who's biting the bait." napangisi ako sa tinuran ni Aki.
Tanging si Aki and Shion lang ang nakakaalam ng plano namin. Pero buong akala ko si Jane ang kumuha ng book mas sumasang-ayon pa sa akin ang tadhana dahil si Vivienne yon.
"Bakit bumangon ba sa hukay si Charlotte?" Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa mga student dito. Ako lang 'ata yong 'di natuwa sa biro ng nag salita.
"Sshhhh baka dalawin ka nun mamaya!" sagot ni Vivienne rito.
"So, buhay pa siya?" tanong ng isa sa mga student dito. Marami din akong narinig na mga bulong bulungan.
"Of course she's alive. At ito pa nag-aaral siya dito ulit sa school natin gamit ang ibang identity." This time hinanap ng mata ni Vivienne kong na saan ako at ngumisi sa akin. Mas lalo rin lumakas ang bulong bulungan sa paligid ko.
"Walang iba kundi si Charmaine!" agad na punta sa akin ang lahat ng tingin ng mga student na nandito.
"Hala! Kaya pala hawig sila ni Charlotte."
"Siya pala talaga yon."
"Do you have a proof?" ani ni Aki.
"Yes, 'di naman ako magsasalita kong walang evidence." Kinuha ni Vivienne ang book na hinahanap ko. "Here, nakasulat dito na she and Charlotte ay iisa lang." narinig ko pa ang mga gasp ng student.
"That's not enough proof! Pwedeng pwede nya naman talagang isulat yan."
"How about this? Bakit may mga picture siya ni Charlotte nong nandito pa siya nag-aaral."
Sinadya ko talagang idikit ang mga picture ni Charlotte dati sa book na yon.
Ngumiti ako at nag lakad papunta sa harap at inagaw kay Vivienne ang microphone na hawak nya.
"Yes, iisa lang kami ni Charlotte. Surprise!" Bago hinarap ko si Vivienne.
"Thank you for exposing me." Kinuha ko ang kamay nya at ibinalik ang mic.
Para akong celebrity sa daming mata na naka tingin sa akin habang naglalakad ako palabas ng gymnasium. Pero may mga matang nagmamatyag at puno ng galit na nararamdaman ko.
Lumingon ako sa mga student pero sa dami ng naka tingin sa akin ngayon 'di ko malalaman kong sino siya. Isa to sa reason kaya gusto kong mag panggap bilang si Charlotte. Gusto kong malaman kong sino ang magtatangka sa buhay ko.
Habang naglalakad ako napa tigil ako ng tinawag ako ni Jane.
"Totoo ba na ikaw si Charlotte?" halata sa boses nya ang kaba pero pilit nyang itinatago ito.
"Hindi ka ba natutuwa na buhay ako?"
"Hindi sa ganon hindi lang kapanipaniwala lahat ng pinagsasabi ni Vivienne at ng pag-amin mo."
"Hindi naman kita pinipilit na maniwala. Actually nawalan ako ng ala-ala kaya itinago ko kong sino ako."
"Yon lang ba?"
"Yes, may dapat ba akong malaman Jane? Tsaka sabi ng ibang mga student dito bestfriend daw kita dati is that true?"
"Yeah, pero hindi pa rin ako naniniwala na ikaw si Charlotte." paalis na sana siya ng may sinabi akong naka pag patigil sa kanya.
"Remember the tree? Don tayo malimit tumambay hindi ba? Tapos may ibinaon tayo don na book na naglalaman ng mga pinagdaanan natin simula grade 7 tayo."
"N-no, you can't be her." Napailing siya at halos di makapaniwala.
"Bakit hindi mo matanggap? Kasi ba akala mo patay na ako o baka naman may kinalaman ka sa nangyare sa akin? Natatandaan ko na ikaw ang huli kong kasama nong gabing yon. Bakit Jane?"
Napansin kong namumula na ang mata at parang naiiyak na ito.
"Wala akong kinalaman." mariing tugon nya.
"Yong kwintas na binigay ni Shion sa akin bakit nasayo?"
"I don't know what you're talking about. Sabihin na nating ikaw nga si Charlotte. Natutuwa akong malaman na buhay ka. Pero mag-iingat nga hindi mo alam kong sino ang kakampi mo lalo na nasa paligid mo lang siya at alam lahat ng kilos mo."
Pagkatapos nyang sabihin yan ay umalis na siya. Gusto ko pa sana siyang habulin dahil mukhang alam nya kong sino. Kong sino ang puno't dulo nitong lahat. But I know Jane hindi siya magbibigay sa akin ng impormasyon na wala siyang nakikinabangan.