"Hindi ka pa ba tapos Charlotte? Ano ba yan maganda kana sa paningin ni Shion 'wag ka na mag pa ganda dyan."
Pinapag masdan ni Jane ang bestfriend nyang si Charlotte. Nag-ayos talaga ito dahil may date daw silang dalawa. Pero lingid sa kaalaman ng dalaga hindi ang boyfriend nitong si Shion ang kikitain nito.
"Saan daw kami magkikita ni Shion, Jane?" napalunok si Jane sa tanong ni Charlotte.
"Basta 'wag ka na lang mag tanong. Hindi na magiging surprise yong lugar kapag sinabi ko."
Hindi mapakali si Jane at nagdadalawang isip ito kong ihahatid nya ba 'to kay Skyler. Pero buo na ang disisyon nya. Yon lang kasi ang tanging pag-asa para ma pansin na siya ni Shion.
'Patawarin mo sana ako Charlotte sa gagawin ko.' bulong nito.
"Tara na?" tanong ni Jane kay Charlotte.
Habang naglalakad sa field ang dalawa huminto si Jane kaya huminto rin si Charlotte.
"Bakit?" tanong ni Charlotte.
"Need pa pala ng piring beh. May surprise kasi si Shion hindi mo pwedeng makita yon." sabi ni Jane.
"Grabe naman 'tong si Shion ang daming alam."
"Syempre inlove na inlove kaya yon sayo." sabi ni Jane habang inilalagay nito ang piring sa mata ni Charlotte.
Naglakad na naglakad sila hanggang sa makarating sa gitna ng gubat. Halatang namangha si Jane sa nakita lalo na may bahay na nakatayo sa gitna ng gubat.
"Sa parents ko 'tong bahay dati." bulong lang ang pagkasabi ni Skyler nun baka marinig sila ni Charlotte.
"Jane? Hindi pa ba tayo nakakarating? Kanina pa kasi tayo naglalakad."
"Nandito na tayo Charlotte wait lang." tumingin si Jane kay Skyler nag sign naman ito na pumasok sa loob.
Medyo madilim na rin ang paligid at madilim sa loob ng bahay. Ipinasok ni Jane si Charlotte sa isang kwarto at pinaupo ito.
"Wait lang Char."
Kumuha si Skyler ng tali at itinali ang kamay ni Charlotte.
"Jane?! Ano 'to ba't kailangang nakatali ako?! Jane mag salita ka?! Jane? Sagutin mo ako? Shion nandyan ka ba? Ano 'to?" Agad lumayo si Jane kay Charlotte at lumapit kay Skyler.
"Sure ka bang ikaw ang bahala sa kanya?"
"Yeah, basta sundin mo lang ang plano. Tandaan mo kapag may nakaalam nito damay ka."
"Jane? Hindi magandang biro 'to. Jane? Shion?" medyo nangangatal na ang boses ni Charlotte.
"Aalis na ako" tumango naman si Skyler kay Jane.
Habang naglalakad si Jane pabalik sa school nag-uunahan ang kabog sa dib-dib nya. Halos 'di na rin siya maka focus sa dinaraanan nya ang tanging nasa isip nya lamang ay makauwi.
Hindi siya mapakali kahit nasa dorm na siya.
"Bakit ka ba 'di mapakali?" tanong ni Caren sa kanya. Dorm mate din nila si Caren pero mas bata ito sa kanila at ahead sila ng grade.
"Kinakabahan lang ako. Paano kong anong gawin ni Skyler kay Charlotte iniwan ko siya dong mag-isa."
"Gaga ka ba? Wala naman sigurong masamang gagawin yon. Basta kong may gawin man siya wala tayong alam."
Umalis si Jane sa dorm nila at pumunta kong na saan si Shion. Talagang magkikita si Shion and Charlotte pero sa iba dinala ni Jane si Charlotte. Medyo na g-guilty siya sa ginawa sa kaibigan pero buo na ang desisyon nya.
Nakita nya 'tong naghihintay pa rin doon at nilapitan nya.
"Saan si Charlotte Jane?"
"Ha? Hindi ba siya pumunta dito? Kanina pa siya umalis at bihis na bihis." Pagsisinungaling nya. Nangunot naman ang noo ni Shion.
"Kanina pa ako naghihintay pero 'di pa siya dumadating. Kanina pa rin ako nagtetext sa kanya pero 'di siya nagrereply, nag-aalala na ako." palihim na napangiti ng mapait si Jane sa narinig nya.
"Hanapin na lang natin siya Shion. Baka may pinuntahan lang na importante."
Bumalik silang dalawa ni Shion sa school.
"Check ko lang Shion kong nasa dorm na si Charlotte. Ang baliw talaga nong babae na yon mukhang kinalimutan yong date nyo." napapailing pang ani ni Jane.
"Ayos lang naman."
Biglang napasimangot ng palihim si Jane ng makita nyang ganon ang reaction ni Shion.
Gusto nyang sabihin sa binata na di na magiging okay kapag nag success ang plano nila.
Tinawag ni Jane si Caren.
"Alam mo na isasagot mo." marahang tumango si Caren.
Sabay na pumunta si Caren and Jane kay Shion. Halata na sa mukha nito ang pag-aalala.
"Shion nakita daw ni Caren na kasama ni Charlotte si Skyler, right Caren?"
"Yes, parang may pinuntahan silang dalawa. Bihis na bihis nga silang dalawa, eh tapos ang sweet pa." Halata ang pagguhit ng galit sa mga mata ni Shion ng marinig nya yon.
"Sigurado ka ba na sila ni Skyler ang mag kasama?"
"Oo." nakuyom nya ang kamao.
Hindi siya makapaniwala na nagsisinungaling sa kanya si Charlotte. Alam naman nito na nagseselos siya kay Skyler pero lapit pa rin siya ng lapit dito. Okay lang naman sa kanya kong sakaling kailangan talaga nila maging mag kasama pero hindi man lang siya nag paalam. Isa pa ay may lakad silang dalawa pero mas inuna nya pa ito.
****
Sa isang madilim na silid tanging hikbi lamang ni Charlotte ang naririnig dito. Doble-doble sakit din ang nararamdaman nya. Hindi nya matanggap kong bakit nagawa sa kanya 'to ng kaibigan nya.
Nagising na lamang si Charlotte na nasa dorm na siya at maayos na rin ang kasuotan nya. Masakit na masakit rin ang katawan nya at ulo. Tumulo ang luha nya ng maalala nya ang mga nangyare. She was r***d. Agad nyang pinunasan ang luha nya ng marinig nyang bumukas ang pintuan ng dorm nila.
"Hala, mabuti gising kana?" si Caren ang pumasok.
"Kasama ka ba sa may gawa nito? Kasabwat ka ba nila?" gusto na niya ma iyak pero pinipigilan nya.
"Ha? May nangyare ba sa'yo? Nahimatay ka kasi nong isang araw. Okay ka lang ba?"
Gusto nyang isipin na baka nababaliw na siguro siya. Pero sigurado siyang hindi panaginip lahat ng nangyare.
"Tinakot ka ba ni Jane?" aakma sana siyang tatayo pero kumirot ang buo nyang katawan. Kaya nanatili na lamang siyang nakahiga.
"Nagsasabi ako ng totoo, Charlotte. Two days ka ng tulog dahil nahimatay ka. May food pala akong dinala kainin mo na lang." Lumabas na ito pagkatapos.
Kinuha nya yong pagkain dahil gutom na gutom na siya. Pero 'di nya akalain na mas magiging malala pa pala ang situation.
"Nawalan na ba siya ng malay Caren?" tanong ni Jane agad namang tumango si Caren.
"Skyler?" tawag ni Jane dito.
Pumasok si Skyler at pinicturan ni Jane si Skyler and Charlotte na magkatabi na natutulog.
****
Kinaumagahan binalak nya sanang pumasok pero pinigilan siya ni Jane.
"Ano pa bang gusto mo Jane? Ano rin bang naging kasalanan ko sa'yo? Bakit ginawa mo 'yon sa akin? Tinuring kitang kaibigan hindi lang basta kaibigan kundi parang kapatid ko na rin. Bakit?"
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Charlotte mula rito.
"Ang kapal ng mukha mo na tanungin ako nyan, Charlotte? Alam mong sa umpisa pa lang na gusto ko si Shion pero anong ginawa mo? Inagaw mo pa siya sa akin!"
"Tinanong kita kong gusto mo pa ba siya pero sinagot mo sa akin support mo kaming dalawa 'di ba? Pinigilan ko naman yong nararamdaman ko para sa kanya dahil kaibigan kita. Pero ilang beses mo rin akong sinagot na crush mo lang siya at 'di lalampas pa roon. Pero 'di ko matanggap na sa ganong dahilan gagawin mo sa akin 'yon. Ang babaw mo! Pwede mo naman sabihin sa akin yong totoo pero hindi mo ginawa."
"Mababaw na kong yan sa tingin mo! Pero 'di ko rin matanggap that you cheated. Pinaraya ko na nga siya sayo pero niloko mo pa rin siya!" Sinampal nito kay Charlotte ang mga litrato na kinuha nila ng mawalan ng malay si Charlotte.
Pumatak ang mga luha ni Charlotte ng makita nito ang mga litrato.
"Hindi 'to totoo."
"Hwag mo na kaming gaguhin dito Charlotte. Kasi mas malala ka pala talaga akala ko maayos kang babae pero hindi! Tingin mo matatanggap ka ni Shion kapag nalaman nya 'yan? Hindi! Kaya kong ako sa'yo makipag hiwalay ka nalang sa kanya."
"Tinuring mo ba talaga akong kaibigan?" Hindi siya sumagot sa tanong nito sa halip ay iniwan siya.
Napaupo si Charlotte sa kanyang kama at napa iyak na lamang. Palagay nya wala siyang kakampi. Gusto nyang sabihin ang totoo kay Shion pero natatakot siya sa magiging reaction nito.
Paano kong hindi ito maniwala sa kanya? Wala siyang ibang kakampi kundi ang sarili nya. Gustuhin nya mang mag sumbong ay paniguradong hindi siya paniniwalaan. Nagawa nga nila siyang manipulahin.. Isa pa anak ng may-ari ng school si Skyler wala siyang laban sa mga ito.
Tanging nasa utak nya lang ay mawala na lang upang matakasan ang lahat..
Nagising si Charmaine na puno ng pawis at napaiyak sa mga nalaman! Ikinuyom ang kamao. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit.