Chapter 16 - The Devil Inside of Her [Part 1]

1285 Words
WARNING: THIS CHAPTER CONTENTS AN UNSETTLING SCENE! YOU HAVE BEEN WARNED! READ AT YOUR OWN RISK! Charmaine Point Of View Wala akong pinagsabihan sa mga nalaman ko about Jane. Isa na lang ang kulang ang malaman kong sino talaga si Skyler. Base sa sinabi nakaraan ni Jane mukhang nandito din si Skyler pero sa ibang katauhan din. Naikuyom ko ang mga kamao ko na halos mag lagutukan na ang mga buto nito at bumaon din ang kuko ko sa palad ko. "Anong nangyayare sa'yo, Char?" Agad na patakbo sa gawi ko si Shannel at pinipilit ibuklat ang mga palat ko na nakakuyom. "Char, tumutulo na ang dugo sa palad mo!" Tinignan ko ito na para bang wala akong pakialam kahit na umaawas na ang dugo sa mga kamay ko. Agad hinila ni Shannel ang kamay ko nilagyan nya ito ng panyo. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Shannel. "Ayos lang ako." mahinang sagot ko sa kanya. "Namumutla ka na kaya. Ang daming dugong umawas sa mga kamay mo. Ano bang nangyayare?" Humarap ako sa kanya at pinakatitigan siya. "Shannel, gusto ko lang sabihin sa'yo na iwasan mo na ako. I'm a dangerous person at mapapahamak ka lang kapag sama ka ng sama sa akin." Lalo na ngayong nagpapanggap ako bilang si Charlotte. Ayokong madamay ang katulad nya na inosente ng dahil lang sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo? Kaibigan na ang turing ko sa'yo ikaw na lang ang meron ako lalo na wala na si Caren." Halata sa mukha nya ang lungkot at di ko alam kong paano ko siya i-comfort. Napaupo siya sa tabi. "Alam kong 'di kaibigan ang turing mo sa akin." napaawang ang mga labi ko sa sinabi nya pero wala akong ma isagot. Lalo na ay totoo ito, ayoko ng magkaroon ng panibagong kaibigan. Lahat ng mga naging kaibigan ko ay nawawala sa akin. "Pero kaibigan ang turing ko sa'yo kahit sino ka pa tatanggapin kita. Hwag mo lang sabihin na layuan kita kasi di ko susundin." Hindi ako nakapag salita at 'di ko din naman talaga alam ang isasagot ko sa kanya. Hindi na siya nag salita pa, basta na lang nya ako hinila papunta sa clinic para magamot ang sugat ko. Pagkatapos naming pumunta ng clinic ay dumeritso na kami sa dorm. Wala si Jane dito at alam kong 'di siya magpapakita sa akin. Simula ng nalaman nila na ako si Charlotte ay 'di ko naaabutang nandito sa dorm si Jane. Halos palagi na nga lang kami ni Shannel ang mag kasama. Kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng sasabihin sa kanya. 'It's time.' "May pupuntahan pala ako mamaya Shannel." "Hindi ka dito matutulog?" "Nope,' sagot ko sa kanya. "Hala! So, ako lang mag-isa dito? Si Jane kasi parang 'di natutulog dito. Uuwi na lang siguro ako sa bahay din namin ngayon. Pero ano oras ka ba uuwi para hintayin na lang kita kong sakali?" Mahihinang katok ang nagpatigil sa pag-uusap naming dalawa. Bumungad ang isang student, 'di ko siya kilala pero mukhang kilala ni Shannel. "Shannel, umuwi ka muna sa bahay nyo emergency," wika nito kay Shannel pagkakita. "Ha? Teka, may nangyare ba? Naku, Char mukhang 'di na kita mahihintay mamaya. Kailangan ko na talaga umuwi." ani nito sa akin na mukhang malungkot. "Ayos lang naman magagabihan din siguro ako umuwi dito." Kukunting gamit lang ang dinala nya at tumingin sa akin para mag paalam. "Hayy! Nakakainis naman kasi! Ano kayang nangyare sa bahay. Mauna na ako ah," tumango ako sa kanya bilang sagot. Nag beep ang phone ko at nag reply ang tinext ko kanina. 'Done' Pinatay ko na ang phone ko at napangiti. Sadyang pinaalis ko ngayong gabi si Shannel para 'di siya madamay sa mga mangyayare. Pinatay ko na ang ilaw ng dorm at na higa sa kama ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ang buong paligid. Wala akong naririnig kahit isang ingay man lang. Mas nakakabingi pala ang katahimikan. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pag bukas ng pinto. Sobrang hina lang nito na kapag tulog ka ay 'di mo talaga mararamdaman. Hinanda ko ang sarili sa sunod na mangyayare. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa gilid ng kama ko bago ay itinutok nya sa may mata ko ang isang matulis na bagay. Napahinto siya sa ginawa nya ng makita nyang gising ako at 'di kumukurap man lang kahit na ilang cm na lang ang layo nito sa mata ko. Agad kong hinawakan ang kamay nya para ma pwersa ko palayo. Walang gustong mag patalo sa aming dalawa. Lakas sa lakas hanggang sa tuluyan nya na ngang nabitawan ito at natumba siya. "So, all this time gising ka?" Kinuha ko ang nabitawan nyang matulis na bagay, napa atras naman siya. "Anong akala mo sa akin Jane, tanga? Total gusto mo naman itusok to sa akin bakit hindi na lang sayo?" "Hindi mo yon kayang gawin. Alam kong mahina ka Charlotte! Ahhh?!" Agad kong nilagyan ng busal ang bibig nya para 'di siya makapagsalita. Bago itinusok sa braso nya ang isang metal na napaka tulis bago ay hinugot ko din. Umawas ang dugo nun sa sahig. "Paano kaya kong gawin ko sa'yo ang mga naranasan ko?" Napa atras siya habang nakaupo sa sahig. "Tusukin kaya natin yang mata mo para may blind fold ka din. Kagaya nong pinapunta mo ako sa gubat kong saan si Skyler." Halos manlaki ang mata nya sa sinabi ko. Sinubukan nyang tanggalin ang busal sa bibig nya pero agad kong hinawakan ang magkabilaang braso nya. Napadaig siya sa sakit ng sa mismong sugat nya ako humawak. Mas lalo kong diniinan ang sugat nya. Napaiyak na siya sa sobrang sakit nun. "Dagdagan kaya natin?" Umiiling siya sa akin na para bang nagmamakaawa na 'wag. "Sorry ka, wala akong awa!" Bago ay pinatamaan ko ang kabilang braso nya. "Ayan same na silang dalawa." Bago ay hinila ko ang buhok nya para makatayo siya. Tinanggal ko ang busal sa bibig nya. "Now tell me sino si Skyler?!" Pinagtawanan nya naman ako sa tanong ko dahilan na mas lalo akong na inis. Kaya naman ay hinigpitan ko ang pagkakasabunot sa buhok nya. Tignan lang natin kong tatawa pa siya pagkatapos ng gabing to. "A-ahhh! Help!" Agad kong binalik ang busal sa bibig nya. "Wala sayong makakarinig kahit pa sumigaw ka! Kong ayaw mong sabihin kong sino si Skyler pwes akong maghahanap sa kanya." Kinuha ko ang mahabang tela sa gilid ng kama ko bago ay binuksan ang switch ng ilaw. Nasa pwesto ko lang naman din kasi ang switch ng ilaw kaya na buksan ko ito agad. Kitang-kita ko ang mga dugong nagkalat sa sahig na mula kay Jane. "Naalala mo pa ba 'to? Hindi ba ito ang blind fold na ginamit mo sa akin?" napalunok siya ng makita ito. Balak nya sanang tumayo pero agad kong inapakan ang paa nya. Alam kong nanghihina na siya, sa dami ng dugo na umawas galing sa dalawang braso nya ay malamang mamaya din ay baka mahimatay na siya. "Mabait pa ako sa lagay ko na to Jane. Kasi kong hindi 'di na ako mag a-aksayang piringan ka. Tutusukin ko na lang yang mata mo! Naiintindihan mo ba?" Napadaing siya sa sakit ng pinisil ko ang sugat nya. Namumutla na ang itsura nya kaya naman agad ko siyang piniringan. Hindi na din naman siya pumalag pa mukhang natakot sa banta ko na tutusukin ko na lang ang mata nya. Hinila ko siya palabas ng dorm. Pero mukhang nahimatay na ang bruha kaya naman ay napilitan akong hilahin siya. Naghihintay sa akin sa labas si Jessie. Siya ang naging look-out ko at siya din ang gumawa ng paraan kanina para makaalis si Shannel. Ang totoo nyan ay we're really friends nagpapanggap lang kaming mag kaaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD