HEADMASTER POV Nagulat na lamang ako ng malamang gusto ng pamunuan ng Vintouso Academy na kunin si Evor, ayaw niya man pero nakabubuti naman ito. Masyadong naging malakas ang binata na mayroong kataka-takang lebel. Alam naming hindi siya ordinaryong binata, masyadong misteryoso sapagkat nakapangingilabot ang kapangyarihan niya na kahit ako man ay nakaramdam ng takot sapagkat masyadong malakas ang kaniyang nasu-summon na mga halimaw. Kahit sino ay hindi pa alam kung anong klaseng summoning magic ang kaya nito. Na kahit pagtulungan man ng kanyang mga estudyante sa kahit saang division ng Akademyang ito ay walang binatbat sa kaya nito. Alam niyang di pa gaanong hasa ang binata na baka magdulot pa ng malaking pinsala dito Cadmus Academy. Napakatalentado niya man pero kulang pa siya sa tra

