Third Person POV Naging madali ang pag-alis ni Evor sa Akademya at sa bayan ng Cadmus. Iba't ibang emosyon ang nakikita sa bawat estudyante na nakasalamuha niya. Alam niyang darating din sa punto na magkakaganito kaya alam ni Evor na makakaya niya din ito. Ayaw niya man iwan ang kanyang mga mahal sa buhay pero kailangan niya dahil masyadong delikado ang kapangyarihang taglay niya. Wari'y pag tumagal pa siya dito alam niyang may mangyayaring masama na maghahatid sa kawakasan ng mga tao dito. Lalong lalo na gusto niyang lumakas dahil may delubyong gigiba sa dimensyong ito. Bakit niya nararamdaman? Siguro dahil sa instinct niya. Gusto niyang malaman kung sino ang totoo niyang pamilya. Oo, totoong pamilya, nalaman niyang kinupkop lang siya ng kaniyang kinagisnang pamilya bata pa lamang siya.

