Nagkaroon ng matitinding labanan sa pagitan ng mga kalalakihan at maging ng mga kababaihan na patuloy sa pag-asam ng tagumpay sa hindi mapapantayang premyo. Hindi ito materyal na bagay dahil ang mga ito'y mga nilalang na kahit sila ay naaakit na makipagsagupaan sa kalunos-lunos na labanang ito na nagpapatunay lamang na ibibigay nila ang lahat ng makakaya nila upang mapagtagumpayan ang kahit na sino sa mga kalaban nila. Kahit ang mga naging kaibigan nila ay hindi na nila pinapaburan. Bawat isa ay iniisipna walang kaibi-kaibigan ngayon. Walang nag-aatim na ibaba ang depensa nila maging ang naturingan nilang mga kaibigan ay iniisipan nila ng masama na nagpapatunay lamang na mas mahalaga ang papremyo kaysa sa kanilamg mga relasyon na magkaibigan o kaklase. Walang pinipili ang iba. Maram

