Nagpatuloy nag naglalagablab na labanan ng dalawang panig ng kalalakihan para makuha ang puso at maging ang aten na itinuturing nilang diyosa ng kani-kanilang puso na si Nescafra. Sa kabilang banda, ang mga kababaihang estudyante na kabilang sa Spiral Academy na magaganda na naiinggit sa napakagandang babae sa kanilang harapan. Kung ikukumpara ang naggagandahang mukha nila ay magmumukha lamang silang payaso sa marikit at malaporselanang balat nila. Sa inngit nila ay pinaulanan ng mga babaeng estudyante ng Spiral Academy ng mga sari-saring mga batikos at pang-uuyam si Nescafra dahil sa naagawan sila ng atensyon. Retokada! Hampaslupa! Hanggang mukha ka lang! Hindi kagandahan! Ilan lamang ito sa mga sinasabi at isinisigaw ng mga kababaihang nilamon na ng inggit, selos at galit dahil

