Nakakamangha ang naging unang laban. Halos atakehin ako sa muntikang killer moves na yun!" Nagniningning pa ring mata ang mata na halos hindi pa rin naka-move on sa pangyayari kani-kanina lamang. Maging ang iba ay shock and amaze pa rin lalo pa't sobrang cool at pasuspense na pagtatapos ng laban Kaya't sino ang hindi magugulat? Minabuti nilang manood pang muli lalo pa't una pa lang ay nakakamangha na, ano pa kaya ang magiging susunod na duelo? Lahat ng atensyon ngayon ay tutok na tutok na ngayon lalo pa't kapana- panabik pa rin ang mangyayari maya-maya lamang. Di na pinatagal pa at nag umpisa ng magbunot at magtawag ng lalaban sa dalawang magkaibang panig. "Gino De Flanca ng Faction Vintous laban kay Viton Duano ng Faction Unisus" Masigabong na mga hiyawan ang maririnig sa paligid

