Nagtaka at natahimik ang lahat lalo pa't isang hindi inaasahang pangyayari ito lalo pa't may nagbalak na atakehin ang mga estudyante. Malaya ang lahat sa pag-atake kung nakapatong o nakatungtong ka sa malawak na entablado. Hindi lamang ito ang unang beses na nangyari ito ngunit wala silang magagawa lalo pa't malaking eskwelahan din ang Spiral Academy at hindi ito nagagalaw ng kahit na sino man, maging sila ay ginagawang laruan ng estudyante ng Spiral Academy. Noong nakaraang apat na buwan ay ibang estudyante ang pumunta dito at lahat ng mga estudyante ng Vintouso Academy ay nilampaso. Halos wala lahat ng Fourth Year noon kung Kaya't Third Year hanggang Fi rst Year ang lumaban at nilampaso sila. Ang estudyante na iyon ay hindi pa nakabilang sa Top Students, ano pa kaya na isa sa Top

