Dion Claspior Lemnevor, Factionless! Halata sa mga estudyante ang tuwa dahil sa wakas wala ng poprotekta sa estudyanteng si Evor. "Gusto ko lang linawin sa inyo na si Evor ay isang anak ng maempluwensyang tao at isa lang siyang estudyante ng Cadmus. At bilang Founder ng Akademyang ito ay dapat na matuto tayong tumanggap ng bisita dito at baka maapektuhan ang ating reputasyon ng ating eskwelahang ito." Malumanay na paalala ng Founder na si Mr. Dim. Dahil sa sinabi ng Founder ng eswelahang ito, parang bomba na binagsakan ang mga estudyante ng Vintouso Academy lalo na ang nagpaplanong may gawing masama kay Evor. Alam nilang malaki ang mawawala sa kanila lalo na at baka bumagsak ang pundasyon ng eskwelahang ito. Hindi birong maling galaw lang ng eskwelahang ito ay baka hindi masigurong ma

