Ginawa na ni Evor ang mga dapat gawin sa seremonya sa pagpili ng Faction. Hiniwaan niya ng konti ang kanyang daliri gamit ang kutsilyo. Pinatakan niya lahat ang bato ng limang faction. Mamaya lang ay kinagimbal ng maraming mga tao sa loob ng hall. Walang naging reaksyon ang mga bato. Hinintay nila kaso walang naging reaksyon ang bato kaya alam na ng karamihan ang magiging kaparalan niya ddito sa loob ng Akademyang ito. Yun ay ang maging isang FACTIONLESS. Sinasabing independent student ang mga ito pero isa itong napamalalang kapalaran na naghihintay sa kanila. Masyadong mapanganib lalo na't nag-iisa ka lang. Maski sabihing medyo madami din ang Factionless dito ay palagi silang pinapahirapan dahil walang tutulong sa kanila. Tanging mga Factionless students lang ang pwedeng tumulong s

