Chapter 4

966 Words
Cloud POV... Paano.... Anak ni Lorien si Wayne? Kamukha ko ang bata, mga nasa 6 or 7 ang edad nun tapos, tinawag niyang mama si Lorien. Bago umalis si Lorien may nangyari saamin... di kaya... May naisip ako. Ipapa DNA ko ang bata. May nakuha akong buhok niya sa suklay na ginamit ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at Dinial ang kaibigan kong Doctor. (Yes, Mr. Ferro?) Sabi ni Stephenson. "May ipapa dna ako sayo." Sabi ko. (Okey.) Binaba ko na. Ipapaimbestiga ko sila kung ano ang mga nangyayari sa loob ng 7 years. Kung anak ko yun.... nakaramdam ako ng galak at excitement sa puso ko. May anak nako at ama na ako matagal na. At si Lorien pa ang ina. Gagawin ko lahat para mabalik ka sa piling ko. ****** Lorien POV... Miss ko na ang underground. Di kasi kami pinayagan ni mom na sumali ulit sa Mafia at si Dad ganun din pero remain padin ang pagka top 2 namin may mga tauhan kasi si Dad na nagbabantay at lumalaban sa mga kukuha ng Ranggo namin. Hay kailan pa kaya ulit ako mababalik sa pagka Death Princess.... naalala ko ang nick name na yan diba kinopya ko lang kay Death Prince yan. Hay paano kung magkikita kami at makita ko na may anak na siya at naglalambing sa asawa niya at sasabihing di na niya ako mahal. Ang sakit kaya nun. Napabuntong hininga ako. "Mama, kung may problema ka harapin mo yun wag mong iwasan kasi hahanap ng paraan ang tadhana para harapin mo ang problema mo." Sabi ni Wayne at napatingin ako sa kanya. Para siyang matanda kung magsalita. "Baby.... pasensya na kung pinag alala kita ha." Sabi ko. Ngumiti siya at niyakap ako. "No prob mama. I'm here by your side ako lang naman ang baby mo." Sabi niya. Tumango ako at niyakap din siya. Paano kung magkita sila ni Cloud at malaman niya na may anak siya saakin.... ano kaya ang gagawin niya? Di ko maiisip. Siguro tama si Wayne harapin ko problema ko. Bahala na kung ano ang mangyari. Pumunta ako sa palengke para bumili ng gulay para sa chop sui namin mamaya. Habang naglalakad... *peep peep!* Napaupo ako sa sahig. Ang sakit sa pwet ko malapit nakong masagasaan ha. "Nako iha. Pasensya na di ko kasi nakita na tumawid ka." Sabi ng isang ginang. Mayaman siya at makikita mo talaga yun sa kanya. Pero nakakapansin ang mga mata niya malungkot may problema siguro siya at di na niya tinitingnan ang daanan niya. "Okey lang po. Don't mind me." Sabi ko sabay tayo. Ngumiti naman ako para gumaan man lang loob niya. "Sure ka bang okey ka lang? Pasensya ka na talaga." Sabi niya. "Opo sure na sure po ako. Mukhang kayo pa po ang may problema." Sabi ko. Mukhang nagulat naman siya at yumuko. "Sorry po kung nasabi ko yun." Sabi ko napangiti naman siya at umiling. "Wala kang kasalanan. Uhmm bilang kapalit ng kasalanan ko na muntik ka nang masagasaan pwede bang mayaya kitang magkape?" Sabi niya. Tumango nalang ako mukhang kailangan niya ng kausap. **** Cafe... Umupo kami sa dalawang upuan doon. Biglang napatingin ako sa cake doon. Waaaa cake!! "Ma'am here's the menu." Sabi nung waiter. Kinuha naman namin. "Pumili ka lang babayaran ko." Sabi niya. Napailing ako kaya ko nang magbayad eh. "No buts. Kahit ngayon lang." Sabi niya. Napangiti nalang ako at pumili nako ng Cake at hot choco. Ang sarap nito! "Mukhang mahilig ka sa mga sweets." Sabi niya. Nahihiyang tumango ako. "Naalala ko sayo ang anak kong lalaki. Noon di naman niya gusto ang mga sweets pero simula nung may nagustuhan siyang babae doon na siya naadict ng mga cake." Sabi niya. "Mahal siguro niya ang babae kaya ginusto na din niya ang gusto ng babae." Sabi ko. Napatango naman siya. "Alam mo kung bakit malungkot ako?" Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. "Dahil... di pa kami pinapatawad ng anak namin. Kasalanan din naman namin kung bakit siya nagkaganun. Pinagkait namin ang kasayahan niya." Sabi niya. Kawawa naman yung anak nila. "Bakit po nagalit siya sa inyo?" Sabi ko nalang kahit nang hihimasok nako mukhang okey lang naman sa kanya na magtanong ako. "Dahil sa asawa ko na ang nasa utak lang parate ang yaman. Di na niya inisip kong ano ang nararamdaman ng anak niya. Sinabi kasi niya na hiwalayan niya ang girlfriend ng anak ko at kung hindi niya hihiwalayan nagbabanta siyang masama sa pamilya ng babae. At ayun nag sakripisyo ang anak ko at hiniwalayan ang nobya niya....." Sabi niya. Kawawa nga siya. Pero magkapareha sila ng kwento ni Cloud. ".... at nung nakauwi na siya nandun na ang babaeng pinagkasundo siya. At dun na nagalit ang anak namin at doon na bumalik ang patay na emosyon ng anak namin bumalik nanaman siya sa dati. lumayas na siya at namuhay magisa." Sabi niya. Sino kaya ang anak niya. Mukhang kaparehas sila ng buhay ni Cloud... "Uhmm ano.... ano po pala name ng anak niyo?" Sabi ko kahit kinakabahan baka iba siguro yun. "Edward Cloud ang name niya." Nanlaki ang mata ko at napayuko. Biglang tumulo ang luha ko. *sniff* "May problema ba iha?" Sabi niya. Mama pala toh ni Cloud. Napailing ako at pinunasan ang luha. "Tell me iha. What's your problem? " sabi niya at hinimas ang likod ko. "Ang totoo po niyan ako po yung gf ni Cloud." Sabi ko nagulat din siya. "Ikaw na ba si Lorien?" Sabi niya. Tumango ako at nagsalita. "Lorien Angel Sandford po." Sabi ko. Pakilala ko. Gulat na gulat pa din siya. Di ako makapaniwala so ibig sabihin di tinuloy ni Cloud ang pagpakasal sa fiancee niya? "Uhmm pwede po bang magtanong?" Sabi ko. "Ano yun?" Kaya ko toh.... "May pamilya na po ba siya?" **** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD