Chapter 3

1239 Words
Lorien Angel POV... Napamulat ako at nakita ko ang mukha ni Cloud na nakatitig saakin. "Cloud." Sabi ko nalang.... teka Cloud?! Napabangon ako at tiningnan ang katabi ko nakatingin pala sa akin ang anak ko at mukhang naguhuluhan. "Mama, sino si Cloud?" Inosenteng sabi niya. Di pala niya kilala ang papa niya by the way pero kinukwento ko kung gaano ko kamahal ang papa niya at di ko sinabi kung anong nangyari noon di pa kasi niya maintindihan eh. "H-ha? W-wala binabangungut lang ako. Wag mo kong pansinin." Sabi ko at umayos ng upo. "Ah.. okey. Ma dali na bibisita tayo sa libingan ng Great Great Grandparents ko." Sabi niya. Napangiti nalang ako at tumango. Naligo at nagbihis na kami at sabay bumaba. "Good Morning anak and baby wayne." Bati nila mom and dad. Natutuwa ako kasi tinanggap nila ng lubos si Wayne nung nalaman nilang buntis ako nun alam niyo ba kung anong reaction nila. Flashback 7 years later... Kinakabahan ako kung anong reaction nila pag malaman nilang buntis ako. Nandito ako sa states sumunod sa kanila. Nung nalaman nila syempre gulat sila at tinanong kung sino ang ama. Kinuwento ko lahat ng dapat ikwento at heto. "Naintindihan namin anak. Wag kang magalala tutulungan ka namin sa baby mo. Diba mahal?" Sabi ni Mom tumango si Dad at niyakap ko sila. Tinanggap nila kami. Sinabi ko sa kanila na hindi ipasabi kung nasaan ako. Kahit sino man. Pero di nagtagal nalaman ni Christian at Finnie pero promise daw nila di nila sasabihin kahit sino man. End Of Flashback... Kumakain na kami at kompleto kaming magpapamilya at mamaya at pagkatapos namin kumain naghanda na kami papunta sa libingan nila Lolo at Lola. "Mama, is this Great Grandparents grave?" Sabi niya. Napatango naman ako at ngumiti. "Say hi to your Lolo and Lola." Sabi ko. Lumapit naman siya at naglagay ng dalawang flowers sa mga grave nila. "Hi po ako po pala si Wayne Clangel Ferro. 6 na po ako. Sayang po di ko po kayo nakita pero balang araw po magkikita po tayo." Sabi niya sa puntod napangiti kami at lumapit sa kanya at niyakap siya. "Ang ganda ng anak ko po lolo lola. Nagmana sa akin." Biro ko pero totoo naman ha. Biglang lumakas ang hangin. "Lolo lola joke lang po syempre sa ama niya nagmana ang mukha pero saakin naman po diba ang ugali. Diba?" Sabi ko sabay tingin sa pictures nila. Nanindigan balahibo ko. "Hala ka ate, baka nagalit na sila sayo kasi ngayon ka lang nakadalaw." Pananakot ni Lerian. Nanlaki ang mata ko. "Waaaa!! Pasensya na po! Alam niyo naman ang rason diba? Patawarin niyo na ako Lolo lola!" Grabe tong kapatid ko makatakot wagas. "Hahahaha." Nagtawanan naman sila. Kumain na kami dito at nakita ko silang masaya si Mom and Dad nagsubuan si Lerian sa cp may katext boyfriend niya siguro at si Lerion busy parate sa Computer niya. Naalala ko si Cloud. Lumapit ako kay Lerion. "Lerion, kumusta si Cloud? May anak na ba?" Sabi ko. Napatingin siya saakin. "I don't know." Sabi niya. Aish grabe ang taas ng sinabi niya. "Ano ba yan.... ah." Kinuha ko cp ko at tinawagan si Finnie. (Bakit Hime?) Siya. "Anong number ni Cloud? Wag ka ng magtanong bubugbugin kita " banta ko agad. (Okey, ito na. 09**********. Okey na?) Sabi niya. "Okey na toh. Salamat." Sabi ko at binaba ko na. Wait bakit number ang hiningi ko? Dapat magtatanong ako tungkol kay cloud hindi manghingi ng number. Lumabas ako at biglang gumalaw ang kamay ko na di ko kagustuhan at pinindot ang call sa number ni Cloud. Ang bilis ng t***k ng puso ko. (Who's this?) Nanindigan ang balahibo ko. Wait ang lamig ng boses niya. "......." gusto ko lang marining boses niya. (Who the hell are you?) Galit na sabi niya at binaba na niya kasi di pa ako sumasagot. Binaba ko na ang cellphone sa tenga ko at tulalang napaupo. Ganun na ba siya magbago? "Lorien, halika na uuwi na tayo." Sabi ni Mom. Napatango ako at lumakad. ****** Namamasyal kami ni Wayne sa mall gusto kasi niyang maglibot libot. "Mom! Bili tayo niyan." Sabi niya sabay turo ng libro. Eh? Nagbabasa na siya niyan? "Malalim english niyan anak---" bigla nalang siyang nalungkot. Napabuntong hininga ako hay nako ang hilig talaga niya sa mga ganyan. Kaugalian na niyang bumasa ng ganyang mga libro. "Okey bibilhin ko na toh." Sabi ko at dumiretso na kami sa Cashier. "Mom, doon lang ako." Sabi niya. Tatawagin ko sana siya ng dumiretso na siya ng takbo. Cloud POV... Bibili ako ngayon sa mall ng Teddy Bear para sa Anak ni Finnie ninong ako nun at birthday ng anak niya susunod na araw. Habang naglalakad may nakita akong batang nakatingin sa malaking teddy bear sa taas di niya ito maabot kahit anong talon niya. Kaya nilapitan ko siya. "You want that?" Sabi ko sa bata. Napatingin siya saakin pero laking gulat ko na parang may kahawig siya... Yung mga mata niya, ang ilong, at ang labi at saakin. At ang buhok niyang brown na wavy ay kay.... aish ano ba tong iniisip ko? Napatingin siya saakin mukhang sinusuri din ang mukha ko kaya lumuhod ako para magkapantay kami. Bigla niyang hinawakan ang mukha ko. "We're the same color of the eye, mr." Sabi niya. Ang cute niya hinwakan ko ang ulo niya yung parang pinat ko. "Yeah. Teka nasaan magulang mo? Bakit ikaw lang ang nandito?" Sabi ko. Napatingin siya sa paligid at mukhang may hinahanap. "M-mama!" Tawag niya mukhang nagpapanik na siya. "Mama!" Umiyak na siya at nagtatakbo hinahabol ko naman siya at binuhat at pinatahan. "Shhhh... hahanapin natin ang mama mo." Sabi ko tumahan naman siya at tumango. "Anong itsura ng mama mo? At anong damit niya?" Sabi ko sa kanya. Napaisip naman siya. "Ahmm.. ang buhok niya ay brown long hair then nakasout siya ng Blue loose tshirt and Shorts then sandal." Sabi niya. Hinanap ko naman at di ko padin makita. 'Look ang cute nilang mag ama. Magkamukha silang dalawa.' Napatingin ako sa nagsalita. Magkamukha ba talaga kami? Sa kakahanap namin inimbita ko siyang kumain sa Jollibee. At ayun kain ng kain gutom siya. Masaya akong nakatingin sa kanya. Parang siya si Lorien.... kung may anak kami sigurado akong ganito ang itsura niya at kalakas kumain. Nang mapansin kong di maayos ang buhok niya kaya lumapit ako sa kanya at sinuklayan gamit ang suklay ko sa bulsa. "Ayan ayos na." Sabi ko napangiti siya at nagsalita. "Thank you po!" Sabi niya. Napangiti nalang ako. "Anong name mo?" Tanong ko. "Ako nga po pala si Wayne Clangel Fe---" di niya natapos kasi may tumawag sa phone niya. "Mama." Sabi niya. (Jusko asan ka na anak? Kanina pa kita hinahanap!) "Mama easy lang okey lang ako." Sabi niya. Grabe tong batang toh nag aalala na ang mama niya. (Kita tayo sa Book store now.) Sabi nang mama niya. Pero napakafamilyar ng boses ng mama niya. "Okey." Sabi niya. Bigla nalang may tumawag saakin. At tungkol yun sa company. At binaba ko na. "Halikana ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko. Tumango siya. Habang naglalakad... "Anong pangalan ng mama mo?" Tanong ko. "Lorien." Sabi niya napahinto ako at nang malapit na kami sa bookstore sinabi ko na dito nalang ako at tumango siya at nagpaalam. Habang papunta siya sa Bookstore nakita ko siya na may kayakap na babae. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "L-lorien..." ********* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD