Kanina pa patingin tingin si Quin sa gawi ng table ni Pio dahil wala pa rin ito kahit ilang minuto na lang ay magsisimula na ang unang klase nito. Kagabi ay nag-usap sila nito at agad n’yang kinompronta tungkol kay Melissa. Ipinaliwanag naman nito na kay Jessie ang pinagbubuntis ni Melissa at hindi dito. Ipinaliwanag din nito na nagkaroon ng emergency kaya sinugod nito si Melissa sa ospital at naghintay pa raw ito ng matagal doon dahil nag iisa lang pala ito sa buhay at nasa malayong lugar ang mga kapatid at mga magulang. She was touched because he still managed to buy strawberry cake for her kahit na inabutan na ito ng ulan at nabasa. “Good morning, Pio. Here’s your task for upcoming seminar,” napalingon kaagad s’ya nang marinig ang boses ng co-teacher nilang si Alice. Ito kasi ang nakat

