bc

Hate Me, Baby One More Time

book_age18+
5.2K
FOLLOW
18.0K
READ
one-night stand
playboy
neighbor
comedy
sweet
bxg
humorous
highschool
enimies to lovers
teacher
like
intro-logo
Blurb

“Kung ‘yung inginingiti ngiti ng isa d’yan ay itinulong na lang, edi sana kanina pa ito tapos!”

Automatic na nawala ang ngiti ni Quin nang marinig ang pamilyar na tinig na ‘yon na sa araw araw na ginawa ng Diyos ay naririnig n’ya! Sino pa nga ba ang kontrabida at masamang elemento ang palaging nagpapasaring sa kanya kung hindi ang kontrabida sa buhay n’ya!

“Ano na namang problema mo at pati ang pang ngiti ko ay pinakikialaman mo, Procopio Labatete Jr.?” pigil ang inis na sabi n’ya habang nililingon ito. Napakurap pa s’ya nang makita ang ayos nito. Wala itong pang itaas at nakasuot lang ng jersey shorts. Nangingintab ang buong katawan nito sa pawis na mukhang init na init dahil ito lang ang s’yang bumuhat sa mga monoblock chairs na idiniliver ng pinagrentan nilang shop. Sa bawat galaw at pag ayos nito ng mga upuan sa mesa ay kitang kita n’ya ang paggalaw ng mga muscles nito. Hindi n’ya alam ung dati na bang gano’n kaganda ang pangangatawan nito dahil hindi naman n’ya iyon kahit kailan napagtutuunan ng pansin dahil ang atensyon n’ya ay laging naaagaw ng mga pasaring at pambu bwisit nito sa kanya! Hindi tuloy n’ya maiwasang mapatitig sa dibdib nitong naka expose sa harapan n’ya at ang medyo namumulang leeg nito dala marahil ng matinding sikat ng araw. Napalunok s’ya at agad na nag iwas ng tingin. Bakit ba tila naging kaakit akit itong bigla sa paningin n’ya? Inis na ipinilig n’ya ang ulo at iwinaksi ang nakakadiring ideyang iyon sa utak n’ya. Hindi n’ya tuloy naintindihan ang isinagot nito sa kanya dahil ang buong atensyon n’ya ay napako sa katawan nito.

“Yuck!” bulalas n’ya pa dahil hindi n’ya matanggap na kanina lang ay naakit s’ya sa katawan nito.

“Yuck yuck pang nalalaman. Ang arte talaga. Akala mo naman chicks na chicks ang dating!” muling pasaring pa nito kaya lalong nag init ang ulo n’ya at tuluyan ng hinarap ito.

“Tse! Epal ka talaga kahit kailan! Ikaw nga may pahubad hubad pang nalalaman! Akala mo naman hunk na hunk! Eh mukhang buto-butong naglalakad naman!” pang aasar n’ya habang iniikutan ito ng mga mata. Tumaas naman ang kilay nito at tuluyan nang humarap sa kanya.

“Eh hunk naman talaga ako ah? Kita mo yang mga muscles na ‘yan? Ha?” sabi pa nito na sadyang tinatapik tapik pa ang mga muscles at pinapakita sa kanya. Ngumiwi s’ya at lumakad sa gilid nito para umabot ng basahan at sinimulang magpunas ng ibabaw ng table.

“Yuck! Ang kapal! Di na nahiya!” buska n’ya habang sinisimulan ng magpunas ng table.

“Ah gano’n? Yuck pala ha?” narinig n’yang sabi nito kaya nag angat s’ya ng tingin dito at agad na namilog ang mga mata nang lumapit ito ng todo sa kanya at niyakap s’ya! Sadyang idinikit nito ang basang basa sa pawis na katawan nito kaya nag init ang ulo n’ya nang madikit sa kanya ang mga pawis nito.

“Yuck, Pio! Ano ba?! Pawis na pawis ka! Kadiri!!” pakiramdam n’ya ay pulang pula na ang mukha n’ya sa sobrang inis dahil sa ginagawa nito. Inis na tinulak n’ya ito hanggang sa mapalayo na ito sa kanya. Sa totoo lang ay hindi naman talaga mabaho ang pawis n’ya. Nangangamoy cologne pa nga iyon na madalas nitong gamitin. Naiirita lang talaga s’ya dahil sa kayabangan nito!

“Ano ka ngayon ha? Yuck pa sige!” natatawang sabi nito habang lumalayo sa kanya. Naririnig n’ya pa ang nakakabwisit na halakhak nito habang pabalik na sa bahay nito kaya lalong nagngingitngit ang loob n’ya habang bumabalik sa loob ng bahay para punasan ang mga pawis nitong dumikit sa katawan n’ya! Halos patayin na naman n’ya ito sa isip habang tinutungo ang kusina. Wala talagang nangyayaring maganda kapag ang herodes na si Pio ang nakakausap n’ya!

****

Quin was neither a friend nor an enemy to Pio. To him, she was just an old maid next door, a childhood friend and a co-teacher. Quin was basically everywhere but Pio never see her more than just a bicker buddy, even a potential lover at that. And he firmly believes that Quin wouldn't bother taking a second look at him even if he walks naked in front of her. To her, he was more like an enemy than a friend, an annoying guy next door who always argue with her even with petty things. He was the exact opposite of her ideal type.

Until a one night stand happened between them which made Procopio Labatete saw Quirina Landipa in a totally different light.

chap-preview
Free preview
Prologue
ELEMENTARY DAYS "Parating na si Ma'am!" Malakas na sigaw ng isang kaklase nila habang habol pa nito ang hiningang naupo sa pwesto nito. Nagkukumahog na bumalik naman ang lahat sa kani-kanila nilang upuan nang marinig iyon. Nagma-martsang pumasok ang kanilang teacher sa classroom at agad na pumalakpak para kuhanin ang atensyon nilang lahat. "Okay. Listen, class!" ma-awtoridad na nagsalita ito habang nakapameywang na humarap sa buong klase. "Pakilabas ang bond paper at marker na pinadala ko sa inyo. Lahat ng walang dala, pwede na kayong mag-empake ng gamit at umuwi!" masungit na sabi ni Mrs. Butanding, ang English teacher nila na kasing-kapal ng dictionary ang grado ng salamin. Ayaw pa nitong nagpapatawag ng Mrs. Butanding dahil marahil ito mismo ay hindi ma-take ang baho ng apilyido nito. Nagkukumahog na sinunod nila ang utos nito at matamang nakinig sa istriktong guro. "Ngayon naman ay isulat ninyo ang first name ninyo. Medyo lakihan ninyo para kitang-kita ko!" nanlilisik ang mga matang utos nito. Sa kapal ba naman ng salamin n'yang tinalo pa ang magnifying glass ay hindi n'ya pa makikita 'to?! Anang sutil na isip niya. Magsusulat na sana siya nang biglang nagtaas ng kamay ang babaeng katapat niya ng upuan. Agad na napalingon siya sa gawi nito. Si Quin. Ang kapit-bahay niyang supladita na, supladita pa, at supladita talaga! Lahat ay halos napatigil sa pagsusulat para makinig sa sasabihin ni Quin. "Yes, Quin?" naka-halukipkip na tanong naman ni Mrs. Butanding kaya agad na tumayo si Quin. "Eh, Ma'am, puwede po bang nickname na lang ang ilagay sa nametag?" matapang na tanong nito. Hindi niya na napigilan ang sarili niya at kumawala ang malakas niyang tawa na halos mag-echo sa apat na sulok ng kanilang classroom. Napahawak pa siya sa tiyan dahil sa labis na pagtawa. Ayaw na ayaw kasi ni Quin ang buong pangalan nito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay halos maisumpa na yata ni Quin pati ang mga ninuno ng ka-nunu nunuan ng ninuno nito na siyang pinagmulan ng pangalan nito. Quin. Short for Quirina. Idagdag mo pa ang apilyido nito na Landipa. Kaya ang buong pangalan nito ay Quirina Landipa. Makiri na, malandi pa! Oh, diba? Kasumpa-sumpa naman talaga! Tiningnan naman agad siya ng masama ni Quin. Hindi maipinta ang mukha nito kaya lalo siyang natawa. "Ano namang nakakatawa, Procopio?!" malakas at nakataas ang kilay na tanong ni Mrs. Butanding. Agad na natameme siya at napa-mura sa isip. Umugong din ang malakas na tawa ni Quin na sinabayan na rin ng mga kaklase nila. Nanliit ang mga mata niya at tinaasan ito ng kilay. Halos mapakamot siya sa ulo dahil sa pagka-pikon. Mabuti na lang talaga at bumawi siya sa mukha! Dahil kahit pa gaano siya ka-iritado sa tuwing maririnig ang tunog ng buong pangalan niya ay nawawala ang lahat ng inis niya tuwing haharap siya sa salamin. It's not about the name! It's the looks! Pa-pogian na lang, oh?! Piping hamon ng arogante n'yang utak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook