Prologue

489 Words
ELEMENTARY DAYS "Parating na si Ma'am!" Malakas na sigaw ng isang kaklase nila habang habol pa nito ang hiningang naupo sa pwesto nito. Nagkukumahog na bumalik naman ang lahat sa kani-kanila nilang upuan nang marinig iyon. Nagma-martsang pumasok ang kanilang teacher sa classroom at agad na pumalakpak para kuhanin ang atensyon nilang lahat. "Okay. Listen, class!" ma-awtoridad na nagsalita ito habang nakapameywang na humarap sa buong klase. "Pakilabas ang bond paper at marker na pinadala ko sa inyo. Lahat ng walang dala, pwede na kayong mag-empake ng gamit at umuwi!" masungit na sabi ni Mrs. Butanding, ang English teacher nila na kasing-kapal ng dictionary ang grado ng salamin. Ayaw pa nitong nagpapatawag ng Mrs. Butanding dahil marahil ito mismo ay hindi ma-take ang baho ng apilyido nito. Nagkukumahog na sinunod nila ang utos nito at matamang nakinig sa istriktong guro. "Ngayon naman ay isulat ninyo ang first name ninyo. Medyo lakihan ninyo para kitang-kita ko!" nanlilisik ang mga matang utos nito. Sa kapal ba naman ng salamin n'yang tinalo pa ang magnifying glass ay hindi n'ya pa makikita 'to?! Anang sutil na isip niya. Magsusulat na sana siya nang biglang nagtaas ng kamay ang babaeng katapat niya ng upuan. Agad na napalingon siya sa gawi nito. Si Quin. Ang kapit-bahay niyang supladita na, supladita pa, at supladita talaga! Lahat ay halos napatigil sa pagsusulat para makinig sa sasabihin ni Quin. "Yes, Quin?" naka-halukipkip na tanong naman ni Mrs. Butanding kaya agad na tumayo si Quin. "Eh, Ma'am, puwede po bang nickname na lang ang ilagay sa nametag?" matapang na tanong nito. Hindi niya na napigilan ang sarili niya at kumawala ang malakas niyang tawa na halos mag-echo sa apat na sulok ng kanilang classroom. Napahawak pa siya sa tiyan dahil sa labis na pagtawa. Ayaw na ayaw kasi ni Quin ang buong pangalan nito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay halos maisumpa na yata ni Quin pati ang mga ninuno ng ka-nunu nunuan ng ninuno nito na siyang pinagmulan ng pangalan nito. Quin. Short for Quirina. Idagdag mo pa ang apilyido nito na Landipa. Kaya ang buong pangalan nito ay Quirina Landipa. Makiri na, malandi pa! Oh, diba? Kasumpa-sumpa naman talaga! Tiningnan naman agad siya ng masama ni Quin. Hindi maipinta ang mukha nito kaya lalo siyang natawa. "Ano namang nakakatawa, Procopio?!" malakas at nakataas ang kilay na tanong ni Mrs. Butanding. Agad na natameme siya at napa-mura sa isip. Umugong din ang malakas na tawa ni Quin na sinabayan na rin ng mga kaklase nila. Nanliit ang mga mata niya at tinaasan ito ng kilay. Halos mapakamot siya sa ulo dahil sa pagka-pikon. Mabuti na lang talaga at bumawi siya sa mukha! Dahil kahit pa gaano siya ka-iritado sa tuwing maririnig ang tunog ng buong pangalan niya ay nawawala ang lahat ng inis niya tuwing haharap siya sa salamin. It's not about the name! It's the looks! Pa-pogian na lang, oh?! Piping hamon ng arogante n'yang utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD