Naalimpungatan si Pio sa malakas na tunog ng phone n'ya. Napaungol siya nang maramdaman ang pagkirot sa gawing sentido niya at ang paghapdi ng mata dala marahil ng puyat sa nagdaang gabi. Halos mag-uumaga na nang makarating s'ya sa bahay at makatulog.
Minsan pang tumunog ng malakas ang phone n'ya kaya lalong nag-init ang ulo n'ya sa kung sinong tumatawag na iyon. Sabado at wala s'yang pasok kaya ang maabala sa kanyang patulog ay labis-labis na ikinainis n'ya.
Wala talaga s'yang balak na sagutin ang kung sinong tumatawag kaya naman inabot n'ya ang unan sa tabi n'ya at saka tinabunan ang mukha at nagsimula na ulit matulog. Ngunit mukhang ayaw talagang tumigil ng kung sinong tumatawag at patuloy pa rin sa pageskandalo ang kanyang cellphone.
Inis na tinapon n'ya ang unan na nasa mukha at saka padarag na inabot ang cellphone at inis na sinagot iyon.
"Ano?!" pabalang na tanong n'ya na hindi manlang nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Galit ka ba, Mr. Labatete?!" halos kasing lakas din na sagot ng nasa kabilang linya. Napangiwi s'ya. Kung dahil ba iyon sa bantot ng apilyido n'ya ay hindi n'ya matukoy. Pero isa lang ang sigurado s'ya. Kilalang-kilala n'ya kung sino ang nasa kabilang linya!
"No, Madam. Puyat lang ho," palusot n'ya kay Mrs. Benusa, ang principal sa Maligalig National High School, ang eskwelahan kung saan s'ya nagtuturo bilang isang Biology teacher.
Halos makinita n'ya sa isip ang salubong na salubong na mga kilay nito kasabay ng panlilisik ng mga mata. Parang bulang naglaho ang antok na nararamdaman n'ya sa nagdaang gabi. He didn't expect that he would have a rough night because of his latest girlfriend. Ni hindi na n'ya nabilang kung nakailang rounds sila dahil nawala na s'ya sa bilang matapos ang ikatatlong beses nilang pagrarambulan sa kama. Mukhang 'Sky is the limit' ang paboritong phrase ng babae at wala s'yang karapatang humindi sa tawag ng laman.
"Mr. Labatete, nariyan ka pa ba?!" halos mapatalon s'ya nang magsalita ulit ito. Ni wala s'yang narinig sa mga sinabi nito kanina.
"Yes, Madam. What is it again?"
Dinig n'ya ang tila pagpipigil nito ng inis.
"I said, email me the copy of your report last month. I need that as soon as possible!" napakislot s'ya sa lakas ng boses nito.
"I will, Madam. I will send it to you right away—"
Hindi na n'ya natapos ang sinasabi dahil agad na nitong naibaba ang tawag. Halos mapiga n'ya ang cellphone sa higpit ng pagkakahawak n'ya. Tuluyan na s'yang napabangon dahil gising na gising na ang diwa n'ya.
"Pio, handa na ang umagahan!" rinig n'yang tawag ng Tatay n'ya. "Bumaba ka na para makapag-agahan," yaya pa nito.
"Mauna na ho kayo, 'Tay! Busog na busog na ho ako sa sermon!" sabi n'ya kahit alam n'yang hindi na nito iyon maririnig.
Padarag na bumangon s'ya at natulala sa bintana. Tumayo s'ya at dahan-dahang binuksan ang blinds. Maliwanag na ang paligid pero hindi pa gaanong mataas ang sikat ng araw. Napangisi s'ya nang makitang saradong-sarado pa ang bintana sa katapat ng kwarto n'ya. Ibig sabihin ay kasalukuyan pang naghihilik ang kapitbahay n'yang ubod ng sungit.
Ngiting-ngiti s'ya matapos mabuksan ang may kalakihan n'yang speaker na agad naman n'yang naikonekta sa cellphone n'ya para patugtugin ang isa sa pinaka paborito n'yang kanta na s'ya namang ayaw na ayaw ni Quin; ang kapitbahay, kababata at co-teacher n'yang mukhang ipinaglihi sa sama ng panahon dahil parating dumadagundong ang bunganga nito.
Pilyong napangisi s'ya matapos marinig ang intro ng kantang Numb ng isa sa pinaka paborito n'yang banda, ang Linkin Park.
Itinodo n'ya ang volume ng speaker n'ya habang sinasabayan pa ito habang inaabot ang puting sando sa cabinet. Imbes na isuot ang sando ay winagayway n'ya ito at inikot-ikot sa ere habang nagtatatalon at sinasabayan ang chorus ng kanta.
"Wooo!" sigaw n'ya pa habang dalang-dala sa kinakanta at sinasabayan pa iyon ng pag headbang.
Ilang sandali pa ay saglit s'yang napatigil sa pagsabay sa kanta dahil nakita n'ya ang pagbukas ng kurtina mula sa kwarto ni Quin. Halos mapunit na ang bibig n'ya sa kakangisi nang tuluyang bumukas ang bintana ng kwarto nito at pupungas-pungas na lumabas sa veranda ng kwarto nito.
Lalo lang n'yang nilakasan ang pagsabay sa kanta nang makitang nakatayo na ito at diretsong nakatingin sa bintana ng kwarto n'ya.
Agad na dumungaw s'ya sa bintana at binigyan si Quin ng isang napakatamis na ngiti.
"Good morning, Quin! Ang aga mo yatang nagising ngayon?" Painosenteng tanong n'ya habang hindi pa rin nabubura ang matamis na ngiti mula sa mga labi.
"What's so good in the morning, Pio? Lalo pa at ikaw at ang peste mong speaker ang nabungaran ko," pigil na pigil ang iritasyon na sagot nito. Halos makagat na n'ya ang ibabang labi sa tindi ng pagpipigil na mapangiti.
Umikot ang mga mata nito at nameywang sa harap n'ya. It was like giving his eyes some access to roam around her body. Tumaas ang kilay n'ya nang mapagtuunan ang suot nito.
She's just wearing a short blue shorts and a halter white sando on top. Napako ang paningin n'ya sa dibdib nitong may kalakihan at halos manuyo ang lalamunan n'ya nang maaninag na wala itong suot na bra. Mukhang sa sobrang pagmamadali nitong komprontahin s'ya ay hindi na nito naisip ang suot at basta na lang lumabas. Nanliit ang mga mata n'ya dahil sa pagiging reckless ng kababata.
"Oh! Naabala ko ba ang tulog mo? Ang akala ko kasi ay gising ka na," palusot n'ya. She crossed her arms kaya lalong naipit ang dibdib nito at naaninag n'ya pa lalo. Whew!
Parang gusto na tuloy n'yang maniwala na ang kasalanan ay kadalasang nagsisimula pagmulat pa lang iyong mga mata.
"Alam mong Sabado ngayon at tuwing weekends lang ako bumabawi ng tulog pagkatapos ay mambubulabog ka pa?! Akala mo ba napakasarap sa tenga n'yang boses mo? At kung pwede lang ha, Procopio? Kung may itinatago kang talento d'yan, utang na loob wag mo ng ilabas! I won't mind not hearing your annoying voice at all! So, please! Last mo na sana 'yan!" mahabang litanya nito na parang nangingilabot sa boses n'ya. Napahilot s'ya sa tenga na kunwa ay nabingi sa boses nito.
"Ano ba naman yan, Quin? Kung pwede lang pakihinaan naman yang boses mo. Kahit na ibon na tahimik na namumuhay nabubulabog dahil sa pagbubunganga mo. Please lang, mahalin natin ang kalikasan, okay?" Nagawa n'ya pa talagang i-segwey ang mga ibong walang kinalaman sa pagtatalo nilang dalawa. Tumaas ng ilang pulgada ang isang kilay nito matapos marinig ang sinabi n'ya. "Ikaw na nga ang binabati d'yan eh," reklamo pa n'ya.
"Hindi ko kailangan ng pagbati mo. Tulog ang kailangan ko, sapat na tulog! Hindi ako mabubusog sa tulog ng dahil sa pagbati mong herodes ka!" sigaw pa rin nito. Muli ay hinilot n'ya ang tenga at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
"Edi sorry kung naabala ko 'yung pagtulog mo. Hindi ko sinasadya, okay ka na?" nakita n'ya ang pagkalma nito at akmang tatalikod na sana pero tumikhim s'ya dahil sa kapilyuhang naisip.
"By the way, Quin," napatigil naman ito sa akmang pagtalikod at saka taas ang kilay na hinarap s'ya.
"Ano na naman?" mataray na tanong nito. He sexily leaked his lower lip and smirked.
"Nice n*pple, huh?" nakangising sabi n'ya sabay baba ng tingin sa dibdib nito. Kitang-kita n'ya ang pagsunod ng tingin nito sa tinitignan n'ya at saka mabilis na niyakap ang sarili. Dali-dali n'yang isinara ang bintana at nagtatakbo sa loob. Rinig n'ya ang malakas at nanggigigil na sigaw nito.
"Walanghiya ka, Procopio Labatete Jr.!!!!"
"Aw pota! Buong buo!" Tawa n'ya habang lumalapit sa speaker para i-off na iyon. It already served its purposed, anang pilyong utak n'ya.
And just like that, pakiramdam n'ya ay nasira at muling nabuo ang araw n'ya.