Kanina pa naririnig ni Pio ang digital analog clock na paulit-ulit na nagsasabi ng oras sa tabi ng kama n'ya. 7:00AM ang huli n'yang dinig na sinabi nito. Hindi s'ya dumilat sa halip ay dumapa pa para ipagpatuloy ang pagtulog.
"Sus, 7:00AM pa lang naman pala. Masyado pang maaga-" nabitin sa ere ang sasabihin n'ya nang mahimasmasan at maalala kung anong araw na. Lunes! Ang isa sa pinaka ayaw n'yang araw sa loob ng isang linggo dahil kailangan n'yang pumasok ng sobrang aga.
Parang tuksong pumasok sa balintataw n'ya ang umuusok sa galit na mga mukha ng kanilang principal at ang co-teacher n'yang si Mrs. Nieves. Madalas kasi ay nakukuha n'ya ang halos kalahati ng time ng subject nito dahil kailangan n'yang matapos ituro ang mga nasa lesson plan n'ya sa araw na 'yon. Palagi na ay hindi iyon maiwasan lalo na kung may exam ang mga estudyante n'ya.
"Peste kasing SOP 'yan, pinuyat ako!" bumubulong na sabi n'ya habang nasa tapat ng shower. That was an on call s*x! Sa sobrang hilig ng latest na ka-fling n'ya ay kahit sa phone ay gumagawa sila ng milagro!
Dali-daling nagbihis s'ya, nagsuklay at naglagay ng wax sa buhok at nag-spray ng paborito n'yang pabango. Nag-toothbrush na lang s'ya dahil hindi na s'ya pwedeng kumain ng agahan dahil gahol na gahol na s'ya sa oras.
Halos dalawampung minuto ang naubos n'ya sa pag-aayos ng sarili. Bumaba na s'ya at tuloy-tuloy na pumunta sa parking para kuhanin ang motor n'ya. Palapit na s'ya sa motor n'ya nang bigla s'yang mapatigil sa paglalakad.
"Sh*t! My key!" bulalas n'ya at halos liparin na n'ya ang hagdanan para makarating kaagad sa kwarto n'ya. "Anak naman talaga ng teteng! Kung kailan nagmamadali tsaka pa maraming nalilimutan!" naghihimutok na bulong n'ya matapos makuha ang susi at pababa na ulit sa parking lot.
Nakasakay na s'ya sa motor n'ya nang mahagip n'ya ang sariling repleksiyon sa side mirror. Naptulala s'ya doon at napangisi.
"Ubod ka talaga ng gandang lalake, Pio. Pangalan mo lang talaga ang sablay sa iyo, eh!" sabi n'ya pa habang hinahawi-hawi ang buhok at hinihimas ang baba. Napamura s'ya nang makitang halos limang minuto na s'yang nakatitig sa sarili.
Yan ang pinaka ayaw n'ya kapag nakakakita ng salamin. Dahil kahit s'ya ay hindi mapigilang mapatitig sa gwapo n'yang mukha!
7:35 nang makarating s'ya sa school at makapag-time in. Para s'yang lumulutang habang naglalakad papasok sa faculty room para makapag-log in pa doon.
"Mr. Labatete, do you know what time is it?" nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Benusa na nakatayo sa tapat ng pinto ng opisina nito na halatang inaabangan s'ya.
"It's exactly 7:37AM, Madam," literal na sagot n'ya sa tanong nito. Nagdikit ang mga labi nito na halatang nagpipigil ng inis. Pimilit n'yang maging kalmado. Kailangan n'yang maging kalmado lalo na sa ganitong sitwasyon na para s'yang babalatan ng buhay!
"And?!" pigil na pigil nito ang mapasigaw. Tumikhim s'ya. Relax, Pio. Kalmado tayong mga pogi! Anang isip n'ya.
"And I have to go to my class na po pala. Have a good day, Madam!" sabi n'ya at mabilis na nag-log sa attendance at saka walang lingon-likod sa lumabas ng faculty room.
Habol n'ya ang hininga nang makalampas sa building na iyon. Konting lakad lang ay natanaw na n'ya ang blocks ng mga second year. Napangiwi s'ya nang maalala kung saan ang first period n'ya. Sa last section iyon ng mga second year at halos laman ng klase na iyon ang pinaka magugulo at pinaka mahihina ang utak na estudyante. Gusto na lang n'yang mapakamot sa ulo.
He is a secondary teacher at major subject n'ya ang Biology. Kung itatanong kung bakit iyon ang kursong kinuha n'ya? Wala s'yang ibang masabi kung hindi ang iyon ang in demand na kurso noong nag-aaral s'ya kaya pagiging teacher na lang din ang kinuha n'ya. But he isn't regreting his choice. Dahil bukod sa nag-eenjoy s'ya sa pagtuturo ay maayos ang sahod at dahil doon ay napag-aaral n'ya ang nag-iisang kapatid sa isang magandang paaralan sa Maynila. He was quite proud of himself for being where he is now.
Natigil s'ya sa paglalakad nang marinig ang masayang tawa ng kababata at co-teacher n'yang si Quin kasama ang crush na crush nitong co-teacher nila na si Marco Yabang Ayson. Isa kasi ang lalake sa number one critic n'ya sa school. Mukhang papunta na ang mga ito sa susunod na subject.
"Really, Marco? Naku, thank you talaga ha?" ngiting-ngiti at ubod ng hinhin na sabi ni Quin. Tumaas ng ilang pulgada ang kilay n'ya. Para itong bipolar kung makapagpalit ng ugali kapag kaharap nito si Marco. Sa kanya ay palagi itong nakaingos at nagsusuplada.
Napatingin sa gawi n'ya si Marco at tumigil sa paglalakad. "Late again?" nakakainsulto ang tinging ibinibigay nito sa kanya.
"Don't ask the obvious," maanghang na sagot n'ya. Hindi n'ya alam kung may galit ito sa kanya o sadyang insecure lang sa ka-gwapuhan n'ya. Palagi na ay binabara s'ya nito at masama palagi ang tingin kaya ganoon na rin ang pinapakita n'ya dito. Besides, he didn't born to please others. Tumikhim si Quin.
"Ah sige na, Marco. Mauna ka na doon. May sasabihin lang ako kay Pio," mahinhing sabi ni Quin sa kanya na may kasama pang matamis na ngiti. Tumango naman ang mayabang na si Marco at tinapunan pa s'ya ng nakakalokong ngiti bago umalis.
"Procopio?" nakapameywang si Quin nang harapin s'ya nito. Parang itinangay na ng hangin ang mahinhin at mukhang di makabasag pinggang imahe nito kanina sa harap ni Marco. Back to her usual amasona at talakera self!
"Yes, Quirina?" nakapameywang din na sagot n'ya dito. Huminga muna ito ng malalim bago nagsimulang tumalak.
"Nakikita mo ba 'yan, ha?" sabi nito habang inilalapit ang mukha sa kanya. Napaatras naman s'ya sa gulat sa ginawa nito.
"Ano namang klaseng tanong yan, Quin? Malamang ay nakikita ko 'yang pangit mong mukha-"
"Hoy, lalakeng makati pa sa gabi!" simula nito at nakatingalang dinuro-duro s'ya. "Kung sideline mong maging porn star sa gabi at umungol ng umungol sa oras ng pagtulog ng mga normal na tao, pwede ba, ha? Magpagawa ka ng sound proof na kwarto! Kung hindi mo pa alam ay wala ako halos naitulog dahil abot hanggang sa kwarto ko ang mga ungol mo! Kung hindi mo mapigilan yang kamunduhan mo—"
"Then join me nextime," putol n'ya sa mahabang litanya nito. Namimilog ang mga matang tumingin ito sa kanya.
"What?!" halos mabingi s'ya sa bayolenteng reaksyon nito.
"Tutal ay gising ka lang din naman pala hanggang madaling araw at di mo mapigilang maintriga sa ginagawa ko, inform me and I will let you join next time. Besides, mukhang may thrill din ang conference phone s*x," kumindat-kindat s'ya bago mabilis na iniwanan na ito. Mahirap ng abutan ng braso ni Quin at baka isang linggo s'yang magpahinog sa bahay! Napahalakhak s'ya nang isigaw na naman nito ng sobrang lutong ang buong pangalan n'ya. He's used to it. Sa lahat ng bumabanggit sa buong pangalan n'ya ay naiinis s'ya dahil alam n'yang lihim na nagtatawa ang mga iyon dahil sa bantot nun. Pero kapag si Quin ay hindi s'ya nakakaramdam ng inis. Siguro ay dahil pareho sila ng sitwasyon na ayaw na ayaw ang mga sariling pangalan.
Sobrang late na s'ya nang dumating sa first period n'ya kaya binalak n'yang bigyan na lang ng assignment ang mga ito.
"Good morning, class! I know I'm late—"
"Again and again!" halos sabay-sabay na sabi ng mga ito. Tinaas n'ya ang right thumb n'ya at nag-approved kaya nagtawanan ang mga ito. Hindi naman s'ya madalas ma-late, pero kapag na-late ay halos buong oras ng klase ang nakokonsumo katulad ngayon.
"At dahil mayroon na lang tayong limang minuto..." sabi n'ya para kuhanin ang atensyon ng mga ito. "Gamitin n'yo ang limang minutong iyon para titigan ang gwapo kong mukha," biro n'ya. Nagkaingay ang mga ito pero agad din n'yang pinatigil at saka nagbigay ng assignments. As usual ay nagreklamo ang mga ito pero wala rin silang nagawa dahil binalaan n'ya ang mga ito. Kapag kasi nagrereklamo ang mga estudyante n'ya ay nakakatikim ang mga ito ng napakalupit na pangaral mula sa napakahusay mang-blackmail nilang guro!
Nakangisi pa s'ya nang mapatingin sa labas kaya nagtama ang paningin nila ng co-teacher n'yang si Mrs. Nieves. Mukhang sinadya pa talaga nitong sulyapan ang relo para ipaalala sa kanyang ubos na ang oras n'ya. Nakangiting nagpaalam s'ya sa mga estudyante n'ya.