Araw

1716 Words
"Quin, bangon na d'yan! May bisita ka!"   Napabalikwas si Quin ng higa dahil sa tawag ng kanyang ina at sa sunod-sunod na pagkatok nito sa pinto ng kwarto n'ya. Puyat s'ya dahil pinilit n'yang tapusin ang presentation n'ya para sa seminar nila sa Monday. Iba-iba ang nakatokang mag-present kada linggo at sa lunes nga ay ang department nila ang naka-assign. She's a secondary teacher and her subject is Physics.   Pupungas-pungas na bumangon s'ya at halos isang mata pa lang ang nakadilat nang silipin n'ya ang relo sa bed side table. Agad na napasimangot s'ya nang makitang alas syete pa lang ng umaga. Sino ba ang walang konsiderasyon na bibisita sa kanya ng ganoon kaaga lalo at walang pasok. Sa totoo lang ay tuwing weekend lang s'ya nakakabawi ng tulog at kung mamalasin pa s'ya ay mabubulabog pa iyon dahil sa kumag, balahura at walang modo n'yang kapitbahay! Agad na umiling s'ya nang maalala na naman ang huling beses na binulabog s'ya nito. Hindi n'ya talaga maintindihan kung malas lang ba talaga o sadyang ginawa ng tadhanang katawa tawa ang buhay n'ya. Bukod sa pangalan n'yang hindi makatarungan ay binigyan pa s'ya ng kapitbahay at kababata at co-teacher pa nga na ubod ng sarap ibaon ng buhay sa lupa! Hindi na yata makokompleto ang araw nito nang hindi s'ya nito napakikialaman. Umangat ang tingin n'ya sa gawing bintana at tumagos iyon sa katapat na kwarto kung saan isinumpa na n'ya ang nakaisip ng layout ng bahay nila dahil nagkataon pa talagang nagkatapat sila ng siraulong Procopio Labatete na 'yon!   Ipinilig n'yang muli ang ulo n'ya. Just thinking about her super annoying neighbor made her day a terrible one. Kaya dapat ay inilalayo n'ya ang isip sa mga masasamang elementong katulad ni Pio.   Hindi na s'ya nag-abalang ayusin ang sarili bago bumaba. Sinuklay-suklay n'ya lang ang buhok n'ya gamit ang mga daliri na agad din n'yang pinagsisihan nang makita kung sino ang kanyang bisita. Halos magpagulong s'ya sa hagdanan para lang agad na makabalik sa itaas. It was none other than Marco Ayson. Ang co-teacher n'ya at classmates mula nang elementary pa lang. At syempre ay ang nag-iisang lalaking nagpatibok ng puso n'ya.   Noon ay akala n'ya ay simpleng paghanga lamang ang nararamdaman n'ya para kay Marco. Hanggang sa naglakas loob s'yang magtapat ng damdamin para dito na agad namang tinawanan ni Marco. That was actually her first rejection. He was her first heartbreak. At sa tagal na hindi s'ya pinapansin nito ay sa wakas mukhang unti-unti ay nakita na rin ni Marco ang taglay n'yang kagandahan, este ang pagmamahal n'ya para rito.   Ilang beses s'yang nagpaikot-ikot sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Ngayon pa nga lang s'ya nagsisimulang mapansin nito kaya dapat ay 'wag n'ya itong bigyan ng dahilan para pagsisihan ang bagay na iyon.   "Marco," mahinhing tawag n'ya rito na nakaupong nakatalikod sa kanya. Agad naman itong tumayo at ngiting-ngiting tinanaw s'ya habang bumababa sa hagdanan. Halos tumalon ang puso n'ya nang makita ang nasa mga kamay nito. He was holding a three pieces red roses and a chocolates with a heart shape. She was mesmerized  by his natural charms.   "Good morning, Miss Sunshine," he was all smile while greeting her. Kinilig naman s'ya sa endearment na ginamit nito sa kanya. She find it so sweet and so unique!   "G-good morning," halos mautal s'ya sa tindi ng kabang nararamdaman. It was just last week when he approach her and ask if she has a boyfriend. Hindi n'ya gustong mag-assume dahil baka balak lang s'ya nitong ireto sa kung sino. Kahit na natukso s'yang magconfess na naman at sabihing, 'Wala, e. Coz, until now I'm still waiting for you!', na hindi n'ya naman ginawa dahil tinamaan s'ya ng hiya. Baka bigla pang bumangon si Maria Clara sa hukay at isubsob na s'ya dahil sa kakirihan n'ya! So, she ended up saying that she doesn't have boyfriend. Ayun nga at niyaya s'ya nitong mag-lunch at sinabing may balak itong manligaw sa kanya. Syempre ay pumayag s'ya pero hindi pinahalatang kilig na kilig s'ya. At hindi n'ya inaasahang seryoso ito sa sinabing pupuntahan s'ya nito sa bahay nila kaya todo puyat pa ang ginawa n'ya kagabi. Kung alam lang sana n'yang pupunta ito ay sana nakapag beauty rest man lang s'ya!   "Quin?"   Napamaang s'ya nang magsalita ito. Mukhang natagalan yata s'ya sa pag de-daydream kaya hindi n'ya na ito napansin. 'Nakakahiya!' sigaw ng utak n'ya.   "Ah! Marco, have a seat," alok n'ya dito. Nag-init ang pisngi n'ya nang tumawa ito. Mukhang obvious masyadong patay na patay pa rin s'ya dito!   "Akala ko nalunok mo na 'yung dila mo eh," natatawang sabi nito habang umuupo. Medyo na-preskuhan s'ya sa paraan ng pagkakasabi nito at agad na naalala ang kapitbahay n'yang mabaho ang pangalan. Kung ka-preskuhan din lang kasi ang pag-uusapan ay malabong hindi masali ang pangalan nito. Ipinilig n'ya kaagad ang ulo at winala sa isip si Pio. She shouldn't be comparing him to Marco 'coz Marco is professional and Pio is unethical!   "Nabigla lang kasi ako dahil pumunta ka dito. I mean, wala ka kasing sinabing araw the last time you mention about you courting me," nahihiya n'yang sabi. Ngumiti lang ito nang bahagya at iniabot sa kanya ang hawak nitong flowers at chocolates.   Halos mapasinghap s'ya. Hindi s'ya makapaniwalang nangyayari ito. Dati rati ay pangarap n'ya lang si Marco. Kuntento na nga s'ya sa pasimpleng pagsulyap sulyap dito at lihim na paghanga dito kapag nakakatanggap ito ng mga recognitions sa school. Madalas din s'yang mainggit sa mga co-teachers nila na madalas ay kausap nito. Mula kasi nang magtapat s'ya kay Marco ay para na s'yang hangin sa paningin nito. At kapag ganoon ang nangyayari ay talagang pinagsisisihan n'ya ang pagtatapat n'ya ng pag-ibig dito noong mga bata pa lamang sila. At ngayong nasa harap na n'ya ito at nanliligaw ay hindi n'ya masukat ang saya'ng nararamdaman. She was so overwhelmed that she was afraid it won't last that long.   "Quin, are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Agad na umiling ako.   "I'm fine, Marco. Anyway, what brought you here?" tanong pa n'ya kahit may ideya na s'ya sa pagpunt nito. Gusto n'ya kasing makasigurong hindi ito nabibigla lang sa ginagawang panliligaw sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin n'ya ang biglang pag-asim ng mukha nito. O namalikmata lang s'ya? Ipinilig n'ya ang ulo.   "Hindi pa ba obvious, Quin?" parang bored na bored na tanong nito. Siguro ay nakukulitan na ito sa kanya dahil kahit obvious ay nakukuha n'ya pang itanong. Sadyang ayaw siguro nito ng mga taong slow. "Anyway, in case you still don't know, I am here to formally ask you out," preskong sabi nito. And the way he said it was so business like. Hindi n'ya tuloy alam kung kikiligin ba s'ya  madidismaya. Pero naisip din n'ya na professional na silang pareho at normal lang na ganito s'ya nito yayaing makipagdate at umakyat ng ligaw. Siguro ay respetado ang tingin nito sa kanya kaya ginagawa nitong pormal ang lahat. Dahil doon ay napaayos s'ya ng upo. Mukhang nasobrahan na s'ya sa kakanood at kakabasa ng mga cheesy dramas and stories kaya iba ang ineexpect n'yang approach nito sa kanya. Ngumiti s'ya ng matamis.   "If that's what you want, Marco," sabi n'ya at saka niyaya na itong sumabay mag-breakfast sa pamilya n'ya.   Ipinakilala n'ya ito sa mga kapatid at magulang n'ya at malinaw na sinabi naman ni Marco ang pakay nito sa kanya.Tumango lang ang Mama n'ya at ang Papa ay hindi nagsalita. Muntik na s'yang mapangiwi nang tignan s'ya nito ng kakaiba. Simula't sapul ay wala namang ibang gusto ang Papa n'ya para sa kanya kundi ang kapitbahay n'yang babaero. Na kahit sa hinagap ay hindi n'ya kayang maimagine! Mas gugustuhin n'ya na sigurong magpakatandang dalaga kaysa ang mapangawa ito. Baka hindi lang utak ang matuyo sa kanya kundi maubusan s'ya ng dugo sa kunsumisyon dito! And she would bet her own life na ganoon din si Pio. Dahil malinaw at siguradong sigurado ito na wala itong balak mag-asawa. Dahil mayabang na katwiran nito ay hindi pwedeng isang babae lang ang makatikim dito. Hindi ba at napakasara n'ya talagang ipalapa na lang sa leon dahil sa pagiging palikero?   Agad din namang nagapaalam si Marco matapos nilang mag-umagahan. May gagawin pa raw ito kaya kailangan ng umuwi.   "Thanks nga pala sa pagbisita ng maaga, Marco," sabi n'ya habang naglalakad sila palabas ng bahay para ihatid ito sa labas. Ngumiti naman si Marco at hinawakan ang kamay n'ya. Abot-abot ang tahip ng dibdib n'ya dahil sa ginawa nito.   "Basta ikaw, I'm always here-"   Hindi na naituloy ni Marco ang sinasabi dahil biglang may tumapon na tubig mula sa itaas. Hindi makapaniwalang tiningala n'ya iyon at tumambad sa paningin n'ya ang walang pang itaas na si Pio!   Dinig n'ya ang malutong na mura ni Marco kaya agad ay tinulungan n'ya itong pagpagin ang nabasang damit. Naiinis na umiwas naman ito at ito na mismo ang nag-ayos sa sarili. Muling tiningala n'ya ang nakatanghod pa rin sa kanila na si Pio. Kung nakamamatay lang ang tingin ay dead on the spot na ito ngayon!   "Ooppss! Akala ko walang tao," nakataas ang kilay na sabi pa nito na lalong ikinakulo ng dugo n'ya. Marco clenched his fist while looking at him. Alam n'yang noon pa man ay hindi na magkasundo ang mga ito. Marco was quite competitive and Pio is naturally born talented. Iyon nga lang ay masyadong bulakbol ito at saksakan ng babaero!   Hindi na nakapagpaalam si Marco sa kanya dahil sa inis marahil nito kay Pio. Agad na itong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon. Inis na tiningala n'ya si Pio.   "What the hell was that, huh?" halos lumabas na ang lungs n'ya dahil sa lakas ng sigaw n'ya dito. At ang hudas n'yang kapitbahay ay nagkibit balikat lang at binigyan s'ya ng isang nagtatakang tingin. Halos masabunutan n'ya ang sarili dahil sa iritasyon para rito. Nagdadabog na pumasok s'ya sa bahay at mabibigat ang mga hakbang na pumasok sa kwarto. Mula doon ay tanaw na tanaw n'ya ang lintik n'yang kapitbahay na parang walang ginawang kabulastugan dahil feel na feel nito ang pagdidilig ng halaman sa itaas!   Gigil na itinaas n'ya ang kamay at kunwa ay ikinulong ito sa mga daliri at saka nanggigigil na pinisat!   'May araw ka rin, bwisit ka!' nag ngingitngit na sigaw ng utak n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD