Future

2228 Words
“Manong, dito po. D’yan n’yo ho ilagay,” utos ni Quin sa isang utility sa Maligalig National High School. Kasalukuyan kasi nilang inaayos ang function hall para sa gaganaping seminar kung saan ang department nila ang naka assign para mag facilitate. “Manong, medyo mababa ho sa kabila,” nagkakamot sa tenga na komento n’ya matapos makitang tabingi ang banner na kinakabit nito. Inayos naman nito iyon kaya napabulalas s’ya nang makitang maayos na ang pagkakakabit. “Yan! Perfect! Thank you, Manong!” nasisiyahang sabi n’ya pa bago sinenyasan ito na pwede na itong umalis. Muling pinasadahan n’ya ng tingin ang mini stage at satisfied na napangiti. Ang laki ng hirap n’ya para lamang sa seminar na ‘yon. Kung hindi ba naman s’ya minalas ay nagkaroon pa ng aberya sa banner na pinagawa n’ya kaya kinailangan pa iyong ulitin. Wala man lang kasing nagkukusang tumulong na mga co teachers n’ya sa Science Department kaya ngarag na ngarag tuloy s’ya! Napatingin s’ya sa ibaba ng pinagpatong patong na monoblock chair kung saan s’ya kasalukuyang nakatayo para masipat ng maayos ang banner na ipinakabit n’ya. Hinabol n’ya ng tingin ng utility na tumulong sa kanya para sana magpatulong sa pagbaba pero huli na dahil mabilis na nakaalis na ito. Ilang patong din ang monoblock chair na iyon at may kataasan at hindi s’ya makagalaw ng maayos dahil sa ikli ng skirt ng uniform na suot n’ya. Napatingin s’ya sa suot na wristwatch at nakitang konting oras na lang ang natitira para sa magsimula ang seminar at kailangan n’ya pang pasadahan ng basa ang mga sasabihin n’ya mamaya. Sa sobrang pagmamadali n’ya sa pagbaba at pagkataranta ay gumewang ang tinutungtungan n’ya at agad na nahulog s’ya paupo sa simento. Napangiwi at napadaing s’ya sa sakit ng pwet n'yang daig pa ang napalo ng dos por dos! “Aray…” napapikit pa s’ya habang pilit na tumatayo. Mahina at nakakainis na tawa ang narinig n’ya sa di kalayuan kaya naman agad na napalinga s’ya sa paligid at agad na natagpuan ng paningin n’ya ang co-teacher n’yang si Melissa, na kulang na lang ay liparin ng hangin sa sobrang payat dahil sa kakainom ng kung anu anong pampapayat! Akala yata nito ay basta nanatili itong payat ay gaganda na kaagad ito. Kulang na lang ay umikot ang mga mata n’ya nang maalala ang ‘reputasyon’ nito sa buong eskwelahan. Kulang na lang kasi ay tantusan nito ang listahan ng mga teacher na lalaki sa Maligalig National High School dahil sa bilis nitong magpalit ng kalandian! Yeah, right! ‘Kalandian’ is the right term for that because those were just either flings or hookups! At pag sinabing fling or hookup ay hinding hindi mawawala sa listahan ang kababata, kapitbahay, co-teacher at bwisit sa buhay n’yang si Pio, short for Procopio Labatete Jr.! Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa ala ala n’ya ang paglalandian nito at ni Pio sa likod ng isang puno sa mismong school ground habang tirik na tirik ang araw! Ni hindi man lang iginalang ng mga ito ang pagsisyesta ng kung ano anong anyong lupa sa likod ng covered court ng school! Doon pa talaga sa talahiban gumawa ng milagro ang makakati! Mabuti na lang at walang estudyante ang nakahuli sa mga ito matapos n’yang ibato ang dala dala n’yang mineral water sa gawi ng mga ito. Pasalamat pa nga ang mga ito sa kanya at hindi n’ya ini-report ‘yon sa principal nilang si Mrs. Benusa, kung hindi ay baka sa kangkungan pupulutin ang career ng mga ito! “There are really people who have it both! Mapapel na nga ay tatanga tanga pa,” maarteng pasaring nito na kahit na hindi nakatingin sa kanya at kunwari ay nag aayos ng mga upuan ay alam n’yang s’ya ang pinariringgan nito. Wala naman s’yang natatandaan na pinakialaman o kinalaban n’ya ito kaya hindi n’ya maintindihan kung para saan ang mga irap, pasaring at paminsan minsan pa nga ay sadya nitong pangbubunggo sa kanya sa tuwing nagkakasalubong sila sa hallway o sa corridor ng school! Tumaas ang kilay n’ya at sinadyang balingan ito nang makatayo kahit na nga ba ramdam na ramdam n’ya pa rin ang sakit ng pang upo n’yang tila nabugbog dahil sa pagkaakbagsak n’ya! Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay mapapalampas s’ya ang sinasabi nito pero hindi ngayon na iritado s’ya dahil sa nararamdaman n’yang sakit! “What did you say, teacher Melissa?” nakataas ang kilay na tanong n’ya habang pinagdidiinan pa ang salitang ‘teacher’, dahil kung umasta o magsalita ito minsan ay parang wala itong pinag-aralan samantalang mukhang kagalang galang at edukada ang tingin ng mga estudyante dito. Lumingon naman ito sa kanya at kunwari ay nagulat dahil sa biglang pakikipag usap nito sa kanya. Kung makasapo ito sa bibig ay para bang inosenteng inosente na walang alam sa tinutukoy n’ya. “Oh! Is that you, Quin?” tila gulat na gulat pang tanong nito. She wondered how many pieces of lipstick Melissa was consuming every month? Para kasing kaya nitong ubusin ang isang tube ng lipstick sa isang araw dahil sa sobrang kapal at sobrang dalas nitong mag-apply no’n! “Akala ko kung sinong estudyante lang na nahulog dahil sa katangahan,” nakaismid na habol pa nito. Umarko ang kilay n’ya at pinilit maglakad palapit sa gawi nito. “Aksidente ‘yon at hindi katangahan, Melissa. Pero sa isang katulad mong mahina ang sense of understanding, malamang ay maging katangahan nga iyon dahil hanggang doon lang naman ang kayang abutin ng utak mo,” maanghang na sagot n’ya dito bago tumalikod. Nakakailang hakbang pa lang s’ya ay naabot na nito ang buhok n’ya. Namilog ang mga mata n’ya at agad na napatingin sa paligid ng function hall. Busy pa sa pag peprepare ang ibang co teachers nila sa kanya kanyang subjects ng mga ito kaya wala pa ang mga ito doon. Kaya siguro malakas din ang loob nitong si Melissa na pisikalin s’ya ay dahil alam nitong walang makakakita sa kanila doon. “Take back what you have said, ugly ‘b***h!” mariing reklamo nito habang hawak pa rin ang buhok n’ya. Halos tumaas ang kilay n’ya nang marinig ang tinawag nito sa kanya. Kung pagandahan lang naman ang labanan ay hinding hindi s’ya nahuhuli sa pinaka magagandang teacher sa eskwelahan nila. Kaya ang makarinig ng gano’n patungkol sa itsura n’ya ay talagang ikinataas ng kilay n’ya. Buti sana kung pangalan na lang n’ya ang nilait nito ay katanggap tanggap pa kesa laitin nito ang itsura n’ya! “Bitawan mo ako, babaeng kalansay!” ganting panlalait n’ya dito at agad na hinawakan ang payat na braso nito pero hindi man lang ito natinag at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa buhok n’ya. Nag init na ng todo ang ulo n’ya nang makitang halos bumalik na sa dati ang unat na unat n’yang buhok! She literally spent almost an hour fixing her hair! Nagtyaga s’yang kulutin ang mga dulo no’n para kahit papaano ay magkaroon ng volume pero wala pang isang minuto ay sinira na ng walanghiyang hitad na babaeng kasalukuyang malaki ang ngisi sa kanya. “Did I hear you right? Kalansay who? Me? My goodness, Quin! Sexy is the right term for this kind of body. Palibhasa kasi ay walang paglagyan ng fats iyang katawan mo kaya ginagawan mo ng issue itong katawan ko! Sipsip ka na nga kay Mrs. Benusa ay inggitera ka pa pala! Literal na nasa iyo na ang lahat, Quirina Landipa!” sigaw nito sa mukha n’ya. Nagpanting ang tenga n’ya hindi lang sa sinabi nito kung hindi pati na rin sa mali maling pag pronounce nito sa pangalan n’ya. Sa kakapilit nitong maging tunog susyal ang mga salita nito ay pati pangalan n’yang tagalog na tagalog ay hindi na nito masabi ng tama. Naging tunog slang pa iyon dahil sa kaartehan nito. “Ikaw din. Nasa iyo na ang lahat. Mula sa kakapalan ng mukha hanggang sa kakapalan ng lipstick ay inangkin mo nang lahat!” ganting sigaw n’ya dito at nilamukos ang bibig nito kaya kumalat sa buong mukha nito ang sobrang kapal na lipstick nito. Nanlaki ng todo ang mga mata nito at agad na napabitaw sa buhok n’ya. Narinig n’ya ang malutong at maarteng mura nito habang nagkukumahog sa pagdukot ng phone sa bulsa para i-check ang mukha. Nahihintakutang napatili ito nang makita ang sariling repleksyon sa phone nito. Tumaas ang kilay n’ya at nag cross arms sa harapan nito. That’s literally what it means by the phrase ‘Takot sa sariling multo’. Gigil na hinarap s’ya ito pero tinaasan n’ya lang ito ng kilay. “You’re gonna pay for this, ‘b***h!” sigaw nito bago nagdadabog na lumalakad takbo palabas ng function hall. Iningusan n’ya lang ito bago taas ang noong naglakad na rin palabas sa function hall para makapaghanda na para sa gaganaping seminar maya maya lang. Pagbalik n’ya sa faculty room ay nakita n’ya si Melissa na mukhang nagdadrama sa harapan ni Marco. May hawak na panyo si Marco at tinutulungan si Melissa na magpunas ng mukha. Nang mapatingin si Melissa sa gawi n’ya ay halos patayin s’ya nito ng tingin pero nagtaas lang s’ya ng kilay. Ito pa ba ang may karapatan na magalit samantalang ito ang naunang mambwisit sa kanya? Marco looked at her direction, too, and immediately found her gaze. He almost fainted when he saw her. Pero agad din itong nakabawi at dumistansya kay Melissa at agad na nilapitan s’ya. “Hi, my Quin…” mahina at nakangiting bati nito sa kanya. Napangiti na rin s’ya at agad na nilipad ng hangin ang kung anong inis na nararamdaman n’ya kanina nang makita ang ngiti nito. Marco must be really special to her because he can instantly light up her mood. “Hi! Ready ka na ba para sa seminar?” tanong n’ya dahil isa ito sa mga magsasalita mamaya. Mayabang na ngumisi ito sa kanya. “Kailan ba ako pumalpak?” overconfident na sabi nito. Tipid na ngumiti s’ya. Marco is intelligent and can handle himself well. He knew his own capacity. Sanay na sanay na ito sa mga seminars na nakatakda nilang gawin maya maya lang. Isa pa ay bukod sa isa ito sa mga nag top sa Licensure Examination for Teachers sa batch nila ay hindi maitatanggi ang likas na karisma nito pagdating sa mga babae. But Marco is the goody goody type. Lapitin ito ng mga babae pero hindi ito pumapatol sa kung kanino lang. Kabaligtaran ito ng kakilala n’ya at araw araw n’yang nakikita na kindatan lang yata ng babae ay mabubuhay na ang hindi dapat mabuhay! Halos kilabutan s’ya nang maalala na naman ang ubod ng kati n’yang kapitbahay na si Pio. Kahit yata poste ng Meralco ay papatulan nito basta nakapalda! Literal na walang nakakalampas na babae sa damuho n’yang kababatang iyon. Kaya ang swerte n’ya talagang maituturing dahil isang katulad ni Marco, na pangarap ng halos lahat ng kababaihan ang lumapit at nagkagusto rin sa kanya pagkatapos ng matagal na panahong hinintay n’ya para lang mapansin nito. “Magkakagusto ba naman ako sa’yo kung hindi ka matalino?” nakangiting bulalas n’ya na agad ding natigilan. Nag init ang pisngi n’ya sa kahihiyan at parang gusto na lang n’yang magpalamon sa lupa dahil sa naibulalas n’ya! Kasalukuyan pa lang na nanliligaw ito sa kanya ay nasagot na n’ya ito unconsciously! Mukhang nagulat din si Marco pero napangiti na rin at kinindatan pa s’ya. Mukhang malalagot s’ya sa nanay n’ya dahil hindi man lang s’ya nagpakipot man lang! Malapit ng magsimula ang seminar ay hindi pa rin sila kompleto. Kanina pa s’ya tingin ng tingin sa oras at sa pinto ng function hall dahil wala pa rin ang tinamaan ng lintik n’yang kapitbahay! “Saang lupalop na naman ba nagpunta ang bwisit na lalaki na ‘yon?!” gigil na bulong n’ya habang pinapanood ang ibang guest na mga kapwa nila teacher na galing pa sa iba’t ibang schools. Inis na napapalo s’ya sa noo at iritadong tinawagan si Pio. Ilang ring lang ay sinagot na kaagad nito ang tawag. Huminga s’ya ng malalim para bumwelo sa pagbubungangang gagawin sana n’ya dito pero agad na napatigil s’ya nang boses ng babae ang sumagot sa tawag n’ya. “Hello? Who’s this?” maarte at may katarayang tanong ng nasa kabilang linya. Umarko ang kilay n’ya at unti unting kinakalma ang sarili dahil nakikinita na n’ya ang sitwasyon at kung posibleng nasaan ito sa mga oras na ‘yon. “Sweetie, sino ‘yan?” parang unti-unting umangat ang dugo n’ya sa ulo nang marinig ang boses ng lalaking kanina n’ya pa tinitiris sa utak n’ya! “Can you please give that damn phone to Pio?” mahina ngunit mariin at puno ng pagtitimping utos n’ya sa kung sinong haliparot na kasama na naman ng hinayupak n’yang kapitbahay! Kung kailan may mahalaga silang gagawin ay saka pa nito nakuhang magpa late dahil sa hindi mapigil na kamunduhan nito! Dinig na dinig n’ya ang malutong nitong mura nang sa wakas ay ipasa ng babae dito ang phone nito. “Quin, I’m sorry! I’ll be there-” “Be sure to be here in five minutes or else… say goodbye to your ‘future’!” iritadong banta n’ya na ang tinutukoy ay ang nagmamalaking ‘hinaharap’ nito na s’yang dahilan ng walang humpay na paglalandi nito sa mga babae!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD