Together

2148 Words
Kalalabas lang halos ni Pio sa shower room nang marinig n’yang nag ring ang phone n’ya para sa isang tawag. Napapikit s’ya at napahilot sa sentido nang maramdaman ang pagkirot ng ulo n’ya dala marahil ng pinaghalo halong puyat at hang over sa nagdaang gabi. He was invited to one of his friend’s birthday parties and he got so drunk. Yvette, his latest hookup called her numerous times and even picked him up at the party that’s why he ended up sleeping in her place. Ni hindi n’ya nagawang gumising ng madaling araw para umuwi sa sarili n’yang bahay dahil sa sobrang kalasingan. “Hello? Who’s this?” napalingon s’ya sa gawi ni Yvette nang marinig n’yang sinagot nito ang phone n’ya. Biglaan ang pag iinit ng ulo n’ya dahil ayaw na ayaw n’ya sa lahat ay ang pinakikialaman ang buhay n’ya. At ang pagsagot sa tawag na para sa kanya ay isa sa mga ‘yon! He sighed and tried to calm down. “Sweetie, sino ‘yan?” tanong n’ya kaya agad naman itong napaharap sa kanya at base sa itsura nito ay parang nabigla ito sa sinabi ng kung sinong tumatawag sa kanya. Kunot noong lumapit s’ya dito at tulalang inabot sa kanya ang phone n’ya. Bumaba ang tingin n’ya sa phone n’ya para i-check kung sino ang tumatawag sa kanya ng gano’n kaaga. Nanlaki ang mga mata n’ya nang mabasa ang pangalan ni Quin sa screen ng phone n’ya kasabay ng paglipat n’ya ng tingin sa oras at nakitang wala ng sampung minuto bago mag alas otso ng umaga! Mariing napapikit s’ya at napa sabunot sa medyo basa pang buhok at ginulo iyon. “Damn!” malakas na mura n’ya bago itapat ang phone sa tenga para makausap ito. Hinanda na n’ya ang tenga n’ya sa paniguradong panenermon at dakdak nito. “Quin, I’m sorry! I’ll be there-” “Be sure to be here in five minutes or else… say goodbye to your future!” galit at mariin na putol nito sa sinasabi n’ya at agad na ibinaba ang tawag. Ilang beses na napalunok s’ya nang ipagdiinan pa nito ang salitang ‘future’ na alam na alam n’ya kung ano ang tinutukoy nito. Dahil do’n ay napayuko s’ya para silipin ang ‘alaga’ n’yang kasalukuyang natatakpan lang ng towel. Kinilabutan s’ya at agad na napatayo para maghanda na sa pagpasok sa school. Inis na inis s’ya kung bakit pa n’ya hinayaang malasing s’ya ng todo sa party. Ang kulit kasi ng mga kaibigan n’ya at hindi n’ya mahindian ang mga ito kaya hindi n’ya namalayang napaparami na sila ng inom hanggang sa nagkalasingan na nga! Alam naman n’ya kung saan nagmumula ang galit ng kababata at co-teacher na si Quin. It’s their department’s turn to conduct a seminar today. At ngayon pa talaga s’ya na-late ng pasok kung kailan napakahalaga ng araw na ‘yon para sa kanila. Mabilis na nagbihis s’ya at halos masigawan na n’ya si Yvette dahil nitong itinatanong kung sino si Quin sa buhay n’ya! Holy s**t! Hindi ito ang oras para magpaliwanag s’ya sa isang bagay na wala naman s’yang dapat ipaliwanag. It’s not even worth explaining! Quin is basically everywhere but he never sees her as more than just an old maid next door who always argues with him. Kaya bakit pa nito kailangan kwestyunin kung ano lang si Quin sa buhay n’ya ngayong nakasalalay sa loob ng limang minutong binigay nito ang buhay n’ya! Halos tapunan n’ya ng nakamamatay na tingin si Yvette nang makita n’yang naubos na ang dalawang minuto dahil sa kakadakdak nito sa kanya kaya nawawala s’ya sa concentration! Kaya naman nang matapos s’yang makapagbihis ay tiningnan n’ya ito ng masama. “We’re over, Yvette. Thanks for those wonderful nights we’ve spent together,” mariin at iritadong sabi n’ya dito bago tuluyang tinalikuran ito. Narinig n’ya pa ang paghabol nito sa kanya pero lalo lang n’yang binilisan ang paglalakad para agad na makarating sa parking. That’s what he hates the most- commitment. Ayaw na ayaw n’ya sa salitang iyon kaya naman sa dalawampu’t pitong taon n’yang nabubuhay sa mundo ay wala s’yang nakarelasyon na nagtagal ng isang buwan. Swerte na kung aabutin ng gano’n katagal dahil karamihan sa mga iyon ay walang pakialam sa personal n’yang buhay. They only care about the pleasures he can give to them and nothing else. No strings attached. Sa kama lang kami magkakilala pero sa labas ay wala na. That’s how he build relationship with the opposite s*x for the past years. He doesn’t want to commit with just one woman. Dahil once na nagcommit s’ya at nahulog ng todo, s’ya ang magiging kawawa sa bandang huli. And he knew one person who was a victim of too much love. Agad na pinalis n’ya iyon sa isip at agad na sumakay sa motor n’ya at mabilis na pinaharurot iyon. Ang limang minutong ibinigay ni Quin sa kanya ay inabot ng higit kinse minutos nang tuluyan s’yang makarating sa school at nagmamadaling tinungo ang backdoor ng function hall kung saan paniguradong nando’n na ang mga kasamahan n’ya. Agad na nabungaran n’ya si Quin na palakad lakad na doon habang nakatingin sa relo. Agad na tumakbo s’ya palapit dito at nakangiti pa nang bumati dito. “Hi! Sorry, I’m late-” agad na napatigil s’ya sa pagsasalita nang dali daling salubungin s’ya nito at agad na tumingkyad para abutin ang batok n’ya. Agad na napadaing s’ya sa sakit nang tumama ang pang amasonang palad nito sa batok n’ya. “Ugh! That hurts!” reklamo n’ya pa habang hinihilot ang batok at sinasalubong ang masamang tingin nito sa kanya na parang anytime ay kayang kaya s’ya nitong bawian ng buhay dahil sa sobrang inis nito sa kanya. Kitang kita n’ya ang paghinga nito ng malalim at pagpikit ng mariin bago muling tiningnan s’ya. “Mamaya ka sa akin, haliparot na lalaki ka!” puno ng pagtitimpi na sabi pa nito at umambang tatadyakan s’ya sa favorite spot yata nitong sipain sa tuwing magagalit ito sa kanya na walang iba kung hindi ang gitna ng mga hita n’ya! Agad na nailagan n’ya ang tadyak nito at at napasapo pa doon. Nanliit ang mga mata ni Quin at inirapan pa s’ya bago tuluyang sinenyasan s’yang sumunod na dito. Nagkakamot sa batok na sumunod na s’ya para makasampa sa isang mini stage doon. Hindi naman s’ya kabado dahil confident naman s’yang maipapaliwanag n’ya ng maayos ang part na ibinigay sa kanya ni Quin kaya naman hindi s’ya kasama sa mga kasama n’yang halatang kabado nang tuluyan na silang ipakilala isa-isa ni Quin. Ito ang unang nagsalita para magbigay ng short introduction tungkol sa mga topics na ididiscuss nila sa seminar na iyon matapos ang maikling panalangin. Matapos magsalita ni Quin ay si Marco naman ang sumunod para idiscuss ang topic na na-assign para dito. Kahit sa paraan ng pagsasalita nito ay hindi talaga nawawala ang pagiging mahangin nito at over confident. Kung umasta ito ay palaging parang gustong makakuha ng atensyon at parang takot na takot malamangan ng kapwa pagdating sa performance nito sa school. Hindi nga n’ya maintindihan kung bakit patay na patay ang kababata n’yang si Quin sa lalaking iyon samantalang walang mapaglagyan at nag uumapaw ang kayabangan nito sa katawan. Mabuti na lang at wala ring mapaglagyan ang kagwapuhan n’ya at nag uumapaw din ang ‘s*x appeal n’ya kaya hinding hindi s’ya nito nasisindak! Ilang teachers pa ang nagsalita bago s’ya tinawag para i-discuss ang parte n’ya. Kitang kita n’ya ang pagtaas ng kilay ni Marco sa kanya na ginantihan lang n’ya ng kibit balikat. Nang magawi ang tingin n’ya kay Quin ay nagbabanta ang tingin nito sa kanya na pasimpleng sinenyasan lang n’ya na magrelax dahil baka lalo itong maging mukhang matandang dalaga sa paningin n’ya. He precisely discussed his topic well. Kahit naman babaero s’ya ay hindi naman n’ya pinababayaan ang trabaho, pwera na lang sa mga paminsan minsan este madalas na pagiging late n’ya sa pagpasok. Nang bumalik s’ya sa pwesto n’ya ay kitang kita n’ya ang bahagyang pagngiti ni Quin. Kanina habang nagsasalita s’ya sa harapan ay nakikita n’ya itong matamang nakikinig sa kanya at manaka nakang napapatango sa mga sinasabi n’ya. Alam n’yang satisfied ito sa naging performance n’ya kahit na puputi muna ang uwak bago nito iyon sabihin sa kanya! Sa tabi nito ay nahagip din ng tingin n’ya si Marco na kunot ang noo habang nakikinig sa sinasabi ng isang teacher sa likuran nito. Matapos ang seminar ay kinamayan sila lahat ng mga guest from other schools. May mangilan ngilang lumapit sa kanya para personal na batiin s’ya. “Very well said, bro!” puri ng isang nakilala n’ya na isang Biology teacher din. Nginitian n’ya ito at tinanguan. “Congrats, Pio! Ang galing galing mo!” bati ni Melissa na agad kumapit ng mahigpit sa braso n’ya. Napangisi lang s’ya at nag angat ng tingin kay Quin nang lumapit ito sa kanya. Pinanood n’ya itong lumalapit sa gawi n’ya. Mukhang wala na ang bad mood nito kanina kaya tumaas ang kilay n’ya. “Well… pasalamat ka wala kang mali kanina! Dahil dyan ay pinapatawad na kita sa pagiging late mo!” nakairap na sabi pa nito kaya napangisi s’ya. Ibang klase rin talaga ang babaeng ito. Sinundan n’ya ang tingin ni Quin at nakita n’yang nakatingin ito sa kamay ni Melissa na mahigpit na nakakapit sa braso n’ya. Halos maramdaman na n’ya ang dibdib nito dahil sa sobrang dikit nito sa kanya. Nang ibalik n’ya ang tingin kay Quin ay nakita n’ya itong pinaikot ang mga mata at umaktong parang sukang suka sa nakita. Tsk! Agad na tinalikuran na sila nito at sinalubong si Marco. “Let’s go, babe?” umangat ang kilay n’ya nang marinig ang itinawag ni Marco kay Quin. Pero ang mas ikinagulat n’ya ay ang paghalik pa ni Quin sa pisngi ni Marco. “You did a great job, babe!” abot tengang puri pa nito kay Marco. Lalong umangat ang kilay n’ya. What the hell is happening with these two? “Duh! Disgusting! As if namang seryoso sa kanya si Marco! Eew! Feelingera talaga!” napalingon s’ya nang marinig ang mahinang bulong ni Melissa habang nakatingin rin pala sa gawi nina Marco at Quin. “What’s with them, Mel?” usisa n’ya. Tiningala naman s’ya nito at nginisihan. “Oh! Hindi mo alam? You’re always late naman kasi!” bumungisngis pa ito kaya tumaas ang kilay n’ya. “Sila na ‘no!” sagot nito na ikinagulat n’ya ng sobra. That was really weird because he knew that Quin isn’t really Marco’s type. Nagkibit balikat s’ya at napasipol. Mukhang nag iba ng todo ang ihip ng hangin! “So, anong ibig mong sabihin kanina na hindi seryoso si Marco kay Quin?” kunot noong tanong n’ya nang maalala ang sinabi nito. Melissa looked away at lalo pang hinigpitan ang kapit sa braso n’ya. “D-did I say that? Ahm, just don’t mind that, Pio. Let’s go na?” yaya nito sa kanya palabas ng function hall. Iniisip pa rin n’ya ang narinig na sinabi nito na agad ding nawala ng makita n’yang sumakay si Quin sa kotse ni Marco. They must really be together, huh? Nakataas ang kilay na pinanood n’ya ang mga itong sweet na sweet pang nag nag ngingitian. Ipinagkibit balikat n’ya lang ‘yon at sumakay na rin sa motor n’ya at agad na pinaharurot iyon. Mabuti na lang at maagang natapos ang seminar kaya makakabawi pa s’ya ng tulog dahil kanina pa sumasakit ang ulo n’ya dahil kulang na kulang s’ya sa tulog dahil kahit lasing na lasing s’ya kagabi ay nakailang rounds pa sila ni Yvette bago s’ya tuluyang hinayaan nitong matulog. He’s dead tired, kaya naman nang pagtapat sa gate nina Quin at makita ang kotse ni Marco doon ay inis na tinadyakan n’ya ang gulong no’n pero agad na nag-alarm iyon ng malakas kaya napa upo pa s’ya sa gulat at agad na nilinga ang paligid bago tuluyang pumasok sa bahay. “Oh, Pio… Nandyan ka na pala,” salubong ng tatay n’ya sa kanya. Kumunot ang noo n’ya nang makita ang hawak nitong isang bote ng beer sa kamay. Napaisip s’ya kung ano na naman ang problema nito at umiinom ng gano’ng oras. “Gusto mo rin ba? Ikukuha kita,” sabi pa nito nang makitan nakatingin s’ya sa bote ng alak na hawak nito. Agad na umiling s’ya at pinagpatuloy ang pag akyat sa kwarto. “Hindi na, ‘Tay. Pagod ho ako at gusto kong matulog,” sagot n’ya at pumasok na sa kwarto at agad na dumapa sa kama. Nakapikit na s’ya nang malakas na tumunog ang phone n’ya. Inis na dinukot n’ya iyon sa bulsa at nakitang si Yvette ang tumatawag kaya napasimangot s’ya at dali daling in-off ang phone at pabalibag na hinagis ang phone sa side ng kama para makabawi ng tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD