Dog

2473 Words
Nagising si Pio bandang alas sais ng gabi dahil sa tawag ng ama. Mukhang hindi s’ya nito nagising sa pagkatok lang sa pinto ng kwarto n’ya kaya pumasok na ito at niyugyog pa s’ya sa balikat. Naramdaman din n’ya ang marahang pagtapik nito sa pisngi n’ya kaya nagmulat na s’ya ng mga mata. Agad na sumalubong sa paningin n’ya ang medyo namumulang mga mata ng ama. Gano’n din ang amoy ng alak na paniguradong ininom nito. Kumunot ang noo n’ya nang makitang ilang oras na s’yang nakatulog kaya mukhang ilang oras na rin itong umiinom kaya mukhang lasing na ito nang gisingin s’ya. “Pio, bumaba ka saglit, anak. May bisita tayo,” sabi lang nito nang makitang nakamulat na s’ya. Hindi na nito hinintay ang pagtatanong n’ya kung sino ang bisita at basta na lang itong lumabas ng kwarto n’ya. Naghikab hikab s’ya at agad na ring bumangon at saglit na nag ayos ng sarili bago tuluyang bumaba. Nabungaran n’ya agad ang tatay n’yang may kausap na babae. Nakatalikod ito sa gawi n’ya kaya hindi n’ya agad nakilala kung sino. Naglakad s’ya at agad na umupo sa tabi ng tatay n’ya pero agad ding napatiim bagang nang makilala ang babaeng kausap nito. The woman was looking at him as if she was about to cry. Titig na titig ito sa mukha n’ya na para bang napakarami nitong gustong sabihin pero hindi nito alam kung paano magsisimula. Ang magandang mukha nito ay parang wala man lang ipinagbago mula noong araw kung kailan iniwanan sila nito para sumama sa ibang lalaki. Matagal na ang pangyayaring iyon pero dahil nakita n’yang muli ito ay tila kahapon lang nangyari at bumalik ang lahat ng ala-ala ng ginawa nitong pag iwan sa kanila at sa tatay n’ya. That’s when he realized that he hasn’t moved on from the pain she has caused him over the years. Magmula noong araw na pinili nitong masira ang pamilya nila para sumama sa lalaking unang minahal nito ay itinuring na n’ya itong patay. Mula noon ay kinalimutan na n’ya ang lahat ng tungkol dito. He despised her so much that he doesn’t want to see her ever again. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ala ala ni Pio kung gaano naging miserable ang buhay ng Tatay n’ya magmula noong iwanan ito ng babaeng minahal nito ng todo at pinagsilbihan ng matagal kahit na nga ba nagsimula lang ang relasyon ng mga ito sa isang fixed marriage. Magkagayon pa man ay saksi s’ya sa mga ginawa at sakripisyo ng tatay n’ya para lang maitaguyod ang pamilya nila. But his ungrateful wife didn’t appreciate everything he did for their family. Nang makita nitong muli ang lalaking talagang mahal nito ay walang pagdadalawang isip na nakipaghiwalay ito sa tatay n’ya at iniwanan sila. Ni hindi man lang nito nagawang isipin ang kapakanan n’ya at ng bunso n’yang kapatid na si Paye na noon ay napakabata pa. Kung totoong mahalaga sila para dito ay hindi sana nito hinayaang masira ang pamilya nila. Pero pinili pa rin nito ang ibang lalaki para sa kanila kaya wala na itong dahilan para sana magpakita pa sa tatay n’ya lalo na sa kanya dahil kahit anong sabihin nito ay hindi na mawawala ang pagkamuhing nararamdaman n’ya para dito. Padarag na tatayo na sana s’ya para makaalis doon dahil ni makita ang mukha nito ay hindi n’ya maatim pero agad na nahawakan na s’ya sa braso ng tatay n’ya. “Pio, may sasabihin lang ang Nanay mo-” “Hindi ko ho s’ya Nanay,” mariin at malamig na sabi n’ya. “Para ho sa akin ay matagal ng patay ang Nanay ko,” mariin at pagalit na sabi n’ya bago tinapunan ng tingin ang babaeng halos humihikbi na sa harapan n’ya. “Pio, anak-” “Wala ho kayong anak dito. Makakaalis na kayo,” putol n’ya sa kahit na anong sasabihin nito sa kanya. Halos sumakit ang mga kamao n’ya sa kakakuyom dahil sa matinding galit na nararamdaman para dito. Ang lakas lang talaga ng loob nitong magpakita pa sa kanila ngayong maayos na ang buhay nila at kahit papaano ay maayos na ang lagay ng tatay n’ya. Mahal na mahal ito ng tatay n’ya at wala itong hindi gagawin para lang dito pero anong ginawa nito? Pinili pa rin nito ang sariling kaligayahan imbes na pag aralang mahalin ang tatay n’ya. That’s why he hated committing to only one woman. He hates giving his heart to only one only to end up being devastated just like what happened to his Dad. Minahal nito ng todo ang nanay n’ya pero wala itong iniwan kung hindi sama ng loob. He witnessed all his struggles to cope up with what his wife did to him. At magmula noong araw na ‘yon ay itinatak n’ya sa isip na kapag nagbinata s’ya ay hindi s’ya magiging katulad ng tatay n’yang muntik ng masira ang buhay dahil sa sobrang pagmamahal sa isang babae. Pigil ang inis na tumayo s’ya at sa pagkakataong iyon ay hindi na s’ya napigilan ng sariling ama. “Pio!” his Dad called him but he didn’t bother to look at him. Mabilis na bumalik s’ya sa sariling kwarto at halos ibalibag na n’ya ang pinto dahil sa sobrang galit na nararamdaman n’ya ng mga oras na ‘yon. Why the hell did she have to come back and meet his Dad? Maayos na ang tatay n’ya at unti unti na nitong natatanggap na sila na lang dalawa ni Paye ang meron ito, pagkatapos ay muling magpapakita na naman ang babaeng nanakit dito? Inis na napamura s’ya. Ayaw man n’yang lahatin pero naging gano’n na ang tingin n’ya sa lahat ng babae kaya kahit kailan ay hindi s’ya nagseryoso sa mga babaeng literal lang na dumadaan sa buhay n’ya magpahanggang ngayon. Para sa kanya ay wala rin namang babae ang magseseryoso at magtatyaga sa iisang lalaki kaya bakit pa s’ya gagaya sa tatay n’ya? Besides, hindi n’ya rin kailangan ng iisang babae lang sa buhay n’ya. In terms of his biological needs as a man, kahit sinong babae ay maibibigay iyon sa kanya; hindi lang isa. Dala ng inis na nararamdaman ay dali dali s’yang naligo at nagbihis at dire diretso na lumabas ng bahay. Wala na s’yang pakialam kung nakita pa s’ya ng mga magulang n’yang lumabas ng hindi man lang nagpapaalam sa mga ito. He’s really mad, at kailangan n’yang libangin ang sarili ngayong gabi dahil hindi n’ya pwedeng dalhin ang kahit na anong pansarili n’yang problema sa pagpasok n’ya kinabukasan sa school. Hindi pwedeng maapektuhan ng personal na problema n’ya ang trabaho n’ya kaya kailangan n’yang ilabas ang lahat ng sama ng loob n’ya sa gabing iyon! Dire diretso s’ya sa parking at agad na sumakay sa motor n’ya. Saglit na napahinto pa s’ya nang makita sina Marco at Quin sa harapan mismo ng gate nila Quin na mukhang maghahalikan pa yata base sa nakikita n’yang pwesto ng mga ito. They were about to kiss each other when he started the engine. Sa inis n’ya sa nangyaring pagpapakita ng nanay n’ya at kay Marco ay napindot n’ya ang busina ng motor n’ya kaya agad na naglayo ang mga ito at parehong nasilaw sa headlight ng motor n’ya. Sa dinami dami ng lugar ay bakit doon pa ng mga ito napiling maghalikan! Nang tumapat s’ya sa gawi ng mga ito ay sadyang huminto s’ya sa harapan. “Excuse me? There’s a lot of cheap rooms out there. Want me to recommend you one?” pasaring n’ya sa mga ito na ang mga mata ay direktang nakatutok sa mayabang na si Marco. Nang mapatingin s’ya sa gawi ni Quin ay kitang kita n’ya ang pagpukol nito sa kanya ng masamang tingin dahil siguro sa naudlot na pakikipag halikan nito at ng first love nitong pinaglihi yata sa kayabangan! Magsasalita pa sana si Marco pero itinaas na n’ya ang kamay n’ya para maisuot ang helmet at walang paalam na pinaharurot ang motor palayo sa mga ito. Napangisi s’ya at agad na tinungo ang isang bar kung saan madalas n’yang puntahan kapag stress s’ya sa kahit na anong bagay. Wala naman s’yang balak na magpakalasing dahil kinabukasan ay maaga ang simula ng klase n’ya. He just came there to temporarily forget everything that happened that day. Sumaludo pa s’ya sa bouncer na kilalang kilala na s’ya sa dalas ng pagpunta n’ya doon. Agad na umupo s’ya sa paborito n’yang pwesto sa gitna ng counter. He chose the spot where there's a vacant chair on the side. Napangisi s’ya nang hindi pa nagtatagal na maiabot sa kanya ng bartender ang order n’yang alak ay may isang babae na kaagad na tumabi sa kanya. Unang tingin n’ya pa lang sa suot nito ay alam na n’ya kung saan sila hahantong sa gabing iyon kapag sinubukan s’ya nitong kausapin. Tumungga s’ya sa cocktail glass ng Martini na inorder n’ya para habang pasimpleng humahagod ang tingin sa babaeng tumabi sa kanya. Mabagal ang ginawa nitong pag dekwatro nang mahuli ang titig na ginagawa n’ya sa katawan nito. The woman looked older than he is but he can say that she was indeed pretty and hot. Kahit sa malamlam na ilaw sa loob ng bar ay kitang kita n’ya ang makinis at mukhang napaka lambot na katawan nito. Napatingin na s’ya ng tuluyan dito nang walang sabi sabing ikawit nito ang kamay sa braso n’ya. Nag init ang pakiramdam n’ya nang dumikit pa ito lalo na halos idikit na ang may kalakihang mga dibdib nito sa kanya. Napamura s’ya sa sobrang lambot. Natutukso s’yang hawakan iyon at pisilin pero pinigilan n’ya ang sarili. “Hi, handsome! Are you alone?” mapang akit na tanong nito. Sadyang ikinunot n’ya ang noo para kunwari ay hindi n’ya narinig ang sinabi nito. “What did you say?” tanong n’ya na halos mapangisi nang agad na dumikit pa ito at idikit ang mga labi sa tenga n’ya. Damn! Ramdam n’ya ang agad na pagrereact ng nasa gitna ng mga hita n’ya sa simpleng paglapat lang ng mga labi nito sa tenga n’ya. “I’m asking if you’re alone,” bulong nito. Tumango s’ya at sinadyang lingunin ito para kunwari ay magtagpo ang mga labi nila pero agad na nakaiwas ito at tumaas ang kilay sa kanya. “Hmmm… you’re fast! I like you,” sabay kindat nito sa kanya at baling ng tingin sa counter para tumungga sa alak na inorder nito. Ngumisi s’ya at sinadyang pisilin ang isang hita nito. Hinuli ito ang kamay n’ya at nang aakit na hinila na s’ya patayo para dalhin sa gitna ng dancefloor. Abot tenga nag ngisi n’ya nang hilahin s’ya nito sa pinaka madilim na parte ng dancefloor na halos iilan ang ang sumasayaw. They danced as if they were almost making out! Nahawakan at halos nahalikan na n’ya ang buong mukha at leeg nito habang patuloy pa rin ito sa paggiling sa harapan n’ya. She was trying to hold his crotch na lalong nagpapainit sa buong katawan n’ya. Nang tangkain s’ya nitong halikan ay walang pag aalinlangang sinunggaban n’ya ang mga labi nito. She tried to tease his tongue, kaya naman nilabas n’ya ang dila n’ya at pinaikot ikot iyon sa bibig nito. The woman groaned and tried to pull down his zipper, pero hinuli n’ya ang kamay nito at binulungan. “Not here. Sa labas tayo,” yaya n’ya dito at agad ng hinila palabas ng bar. The bar was not that far from their house, kaya naman agad na sinakay n’ya ito sa motor n’ya at diniretso na sa bahay nila. Alas nuebe pa lang ng gabi at maliwanag pa ang bahay nila Quin kaya dahan dahan n’yang ipinasok ang motor hanggang sa parking lot. Pagkababa pa lang nila sa motor ay agad na s’yang sinunggaban ng babae at isinandal sa pader na nasa gilid ng bahay nila. Mabuti na lang at medyo madilim na ang parteng iyon kaya walang makakakita sa ginagawa nila. Pinagpalit n’ya ang pwesto nila at ito na ngayon ang nakasandal sa pader. Ikinawit agad nito ang mga braso sa leeg n’ya at siniil s’ya ng mainit at mapangahas na mga halik. Halos mahubaran na n’ya ito dahil sa sobrang agresibo ng ginagawa nitong pagtugon sa mga halik n’ya kaya lalong nag init ang pakiramdam n’ya at ginanahang paglandasin ang mga kamay sa buong katawan nito. He heard her dress torn when he tried to slide his hand inside her dress to grab her breast. He gently massaged it and he heard her moaning as he tried to play the tip of her peak. Ang isang kamay naman n’ya ay inililihis ang skirt nito para madama ang maumbok na pang upo nito. Nang pisilin n’ya iyon ay muli na naman itong napaungol at lalo pang napaliyad. “Ugh! You’re so hot, honey! I want more…” halos halinghing na lang na sabi nito dahil agad na isinubo n’ya sa bibig ang tayong tayo na nipol nito. He was about to suck it when a flash of light suddenly passed through their faces. Napatigil s’ya at napatayo ng diretso, gano’n din ang babaeng kasama n’ya. “Hurpy! Cooooo! Where are you, baby?” Lalo s’yang napatayo ng diretso nang marinig ang boses na sobrang pamilyar sa kanya. Ang boses na hindi yata lilipas ang maghapon na hindi n’ya naririnig! Ang boses ng kapitbahay n’yang si Quin, na ngayon ay tinatawag ang alaga nitong aso! Damn! Ilang tawag pa ang ginawa nito at halos mapamura s’ya nang tumama mismo sa mukha n’ya ang ilaw ng flashlight na dala dala nito. Kitang kita n’ya ang unti unting pamimilog ng mga mata nito nang makita ang ayos nilang dalawa ng kasama n’ya. Laglag ang panga nito at ilang ilang beses pang napakurap bago muling nakapagsalita. “Excuse me!” rinig n’yang sabi nito nang sa wakas ay makabwelo sa nakitang tagpo. “There’s a lot of cheap rooms out there. Want me to recommend you one?” nakataas ang kilay na pasaring nito na sadyang ginaya pa ang sinabi n’ya kanina nang mahuli n’ya ang mga itong maghahalikan sa tapat ng gate! “Who the hell are you?” nakataas ang kilay na bulalas ng babaeng kasama n’ya kay Quin. “Do you know her, honey?” tanong pa nito sa kanya. Narinig n’ya ang eksaheradang pagtawa ni Quin bago ito nakapamewang na sumagot. “Me? I was just looking for my dog,” sagot naman ni Quin habang itinataas pa lalo ang flashlight sa mukha nilang dalawa. Napamura s’ya nang muling masilaw doon. “Hindi ko naman alam na ibang mga aso pala ang makikita ko dito!” angil nito. Magsasalita pa sana ang babaeng kasama n’ya pero pinigilan n’ya ito at agad ng hinila papasok sa bahay nila para doon ituloy ang naantala nilang pagniniig dahil lang sa aso ng amasona n’yang kapitbahay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD