Kinabukasan ay halos patapos na ang cooking contest ay hindi pa rin nakakausap ni Quin si Marco. Buong maghapon ay hindi n’ya ito nakausap dahil parang nagmamadali ito sa pag uwi at kahapon naman ay masyado s’yang naging busy sa mga inutos ni Mrs. Benusa. “Marco!” Halos pasigaw na tawag na n’ya nang mag uuwian na at sadyang inabangan n’ya ito sa gate para makausap. Hindi n’ya alam kung normal lang ba iyong hindi araw araw nag uusap ng gano’n sa mag kasintahan. First time n’ya lang pumasok sa isang seryosong relasyon kaya hindi pa s’ya sigurado kung paano mag handle nito. Natatakot naman s’yang baka iyon pa ang pagsimulan ng away nila ni Marco kung magtatanong s’ya at mangungulit. Ni ang pagsama nito kay Cathy sa pagbili ng libro sa mismong araw na naimbitahan n’ya ito sa kaarawan ng kapa

