Bagay

1477 Words

Matapos ang isang linggo na pagliban ni Quin sa trabaho ay medyo kalmado na s’ya. Matapos ang nangyari sa bar noong gabing nalaman n’ya ang totoo ay sobrang nagsisi s’ya sa ginawa n’yang pagpunta doon ng nag iisa. Hindi naman s’ya ang tipo ng babaeng pupunta sa isang lugar at magpapakalasing. Kahit kailan ay hindi s’ya uminom ng nag iisa. Kung hindi n’ya kasama ang kahit isa kina Robie, Fred o Pio ay hindi s’ya umiinom. Noon n’ya lang na-realized kung gaano s’ya naging maingat sa sarili sa paglipas ng mga taon. At nang dahil lang sa isang lalaki ay nagawa n’yang ilagay sa kapahamakan ang sarili. Kinabukasan, nang magising s’ya ay nasa sarili na s’yang kwarto. Pilit n’yang inalala ang mga nangyari sa bar at kahit na ano ang gawin n’ya ay hindi n’ya maalala kung paano s’ya nakauwi at kung s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD