Ilang sandali na nang makaalis si Pio ay hindi pa rin nakakagalaw si Quin para pumanhik sa kwarto n’ya. Marami pa s’yang trabahong dapat gawin ngayong gabi pero heto s’ya at parang ang daming oras para tumunganga! Hindi n’ya mapigilan ang mapasapo sa mukha habang malawak ang ngiti. He likes her, too! Hindi s’ya makapaniwalang narinig n’ya itong nagtapat sa kanya ngayong gabi! At hindi rin n’ya alam kung paano n’ya nilabanan ang kakaibang emosyong naramdaman n’ya kanina nang tumitig ito sa mga mata n’ya at magtapat ng nararamdaman. Pulang pula ang mga tenga nito at dahil likas itong maputi ay kitang kita rin n’ya ang pamumula ng mga pisngi nito habang nagpapaalam na manliligaw sa kanya. Kinagat n’ya ang ibabang labi at ilang beses na kinalma ang sarili bago pumihit para makapasok sa kwarto.

