Inis na pumasok ako sa kwarto matapos umuwi ni Marco. It was obvious that he didn’t like what Quim did to him. Kanina lang ay sinusuyo pa s’ya nito dahil sa hindi nito pagsipot sa birthday ni Quim noong nakaraan. Inatake daw ng asthma ang Mommy nito at kailangan nitong bantayan. Masyado daw itong nag alala sa ina kaya hindi na daw nito nagawang tumawag o mag text sa kanya nang sabihin n’yang nag alala s’ya at naghintay ng tawag nito. Hindi n’ya na rin sinabing dahil naisip n’yang binalewala s’ya nito ay naglasing s’ya. Masyado na s’yang magiging childish kapag nalaman pa ni Marco na dahil lang sa hindi nito pagsipot sa usapan nila ay naglasing na s’ya. Ayaw pa naman n’yang magkaroon sila ng problema lalo na ngayon na kaka simula pa lang ng relasyon nila. Ayaw n’yang magkaroon ng kahit na a

