Hindi alam ni Pio kung ano ang pumasok sa isip n’ya at nagprisinta s’yang maglinis sa buong covered court na ‘yon. Kung bakit naman kasi sa dinami rami ng pwedeng iutos kay Quin ay doon pa sa kung saan posibleng makita nito ang nobyo nitong may kinakalantaring iba! Lalo pa s’yang nainis nang kumuha s’ya ng walis sa gilid ng stage ay narinig n’ya ang tawanan nina Marco at Cathy. Hindi man lang naisip ng mga ito na posibleng mayroong makakita at makarinig sa mga ito doon at pag usapan iyon sa buong eskwelahan. Sadya sigurong makapal na ang mukha ni Marco dahil wala na itong pakialam kung may makakarinig o makakakita man sa ginagawang kalokohan nito. Pinigilan n’ya ang sariling ibato ang hawak n’yang walis dahil sa panggigigil sa mga ito. Parang tuluyan na rin s’yang nawalan ng respeto kay Ca

