“Absent na naman si Cathy?” Nag angat ng tingin si Quin kay Robie nang marahang sikuhin s’ya nito. Kakatapos lang ng klase nila sa umaga at nagliligpit na sila ng mga gamit para kumain ng lunch. Napatingin s’ya sa table ni Cathy na malinis na malinis. Maaga ang klase n’ya sa araw na ‘yon at tuloy tuloy kaya naman hindi na n’ya napansin kung pumasok ba ito. Nagkibit balikat s’ya. Sa halos araw araw sa trabaho na nakikita n’ya ito at si Marco ay parang naging immune na s’ya sa presence ng mga ito. Minsan ay kahit na sweet na sweet n’yang nakikitang naglalakad ang mga ito sa pathway ay parang normal couple na lang ang mga ito sa paningin n’ya. Minsan nga ay ang mga ito pa ang umiiwas sa kanya at parang naiilang kapag nakasalubong n’ya ang mga ito. She was acting like a professional when deal

