“Talaga, Jessie? Tapos mo na lahat? Sigurado ka ba?” Gulat na gulat na tanong ni Quin sa newly hired physics teacher na si Jessie. Sa totoo lang ay nagulat pa s’ya nang ipasa sa kanya ni Melissa ang pag-aassist kay Jessie. Ito kasi talaga ang inutusan ni Mrs. Benusa na mag train dito pero tinanggihan iyon ni Melissa at pinasa sa kanya. Katwiran nito ay masyado daw puno ang schedules nito at hindi nito maaasikasong i-train at i-assist si Jessie. Sobrang ipinagtaka n’ya talaga iyon dahil ito ang tipo ng lalaking hindi pinapalampas ni Melissa. Kung sa looks ay pasadong pasado ito. Medyo kinulang lang ito sa height ng konti o baka sanay lang s’ya na makakita ng matatangad dahil pareho namang matangkad ang mga kaibigan n’ya. Napairap s’ya nang sumagi sa isip n’ya si Pio. Dating kaibigan! Dahil

