Calista NASA KAMA lang ako at wala akong ganang umalis doon. Mabuti na lamang ay ito iyong bilang mong araw na wala akong review. Kung tutuusin ay kailangan ko pa ring mag-aral pero…wala akong gana. Kahit ata magbukas ako ng libro at pilitin na magbasa ng mga cases, walang papasok sa isipan ko. Ipinikit ko ang mga mata. Tinatanong ko kung bakit kailangan mangyari nito sa amin kahit alam ko naman na walang sasagot sa akin. Bakit kailangang danasin iyon ng aking ama? Wala siyang ginagawang masama kung hindi ang tumulong sa mga nangangailangan. Gumalaw ang kama at alam ko na si Rage ang naroroon. Kanina pa kami nakauwi mula sa opisina at simula noon ay hindi na ako umalis sa kama. Hinayaan lang din naman ako ni Rage dahil siguro alam niya na kailangan ko ng pahinga. “Don’t you want to eat

