Calista “COME ON, Calista. I told you, I’m sorry.” Naiirita ako na natutuwa pa ata si Rage na nakikitang naaasar ako kaysa magmukha na nagsisisi siya. Hindi ko pinansin si Rage at naglalakad na ako papunta sa kotse niya. Hindi ko na hinayaan na pagbuksan niya pa ako ng pinto. Gagamitin ko sana iyong isang kotse ko na bigay niya at hindi na isasama ang dalawang bodyguards ko nang sa ganoon ay malaman ni Rage ang pagrerebelde ko sa kanya pero he offered me a ride. Ewan ko ba bakit ako napapayag nito. Masakit din ang katawan ko. Hindi ako makalakad nang maayos. Pinipilit ko lang ngayon na maglakad ng tuwid dahil ayoko naman na may makapansin o magtanong bakit ganito akong maglakad ngayon. Note to self: Never have s*x on a weekday night. Nakahalukipkip ako at hinihintay si Rage and mad

