I shifted uncomfortably. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata, hoping that everything was a dream, but it wasn't. Nahihintakutang isisiksik ko sana ang sarili ko sa gilid ng sasakyan nang makitang may dalawang lalaking naka-all-black sa magkabilang gilid ko. Merong nakasuot sa ulo nila kaya mga mata lang ang nakikita ko. May isa pang lalaking ganoon din ang ayos na nagda-drive nitong van. "S-sa'n niyo ako dadalhin?" Hindi na ako mayaman, kaya kung hihingi sila ng ransom money ay walang maibibigay. They didn't answer. Na-realize kong hindi nila ako itinali o kung ano man. But that didn't calm me. Nanginginig parin ako. Nakita kong nagdidilim na. Sa'n nila ako dadalhin? Ilang oras akong walang malay? Tumawag na kaya ng pulis si Drei? "Hindi ako mayaman. Pakawalan niyo na ako. Hindi a-ak

