"Eat, Cassidy," marahang sabi ni Aaron habang tinutulak papunta ang tray na may lamang kanin at ulam. Umusog ako sa dulo ng kama at hindi man lang ito tiningnan. Bumuntonghininga siya at tinabihan ako."I'm really sorry. I'm sorry I scared you, but I'm not sorry I kidnapped you. Lahat gagawin ko mailayo ka lang kay Drei," madamdaming saad niya. Matalim ko siyang tiningnan ngunit iniwas ko rin agad ang mga mata ko. "I tried to stop but you make it so damn difficult. You make it so damn difficult for me to let you go." Lumakas ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Isinubsob ko ang ulo ko sa dalawang tuhod ko na ngayon ay yakap ko. Naramdaman kong hinahaplos ni Aaron ang buhok ko. "Sa akin ka nalang ulit." Gumaralgal ang boses niya. Lumubog ang puso ko sa kinalalagyan nito nang makita

