Kabanata 7 (USED)
Kristine
Bakit? bakit kailangang mangyari ito sa akin. Si Gray iyon. Si Gray, ang lalaking buong buhay kong pinagkatiwalaan ng lubos. Papaano niya nagawa sa akin ito? Tumingala ako, at wala akong tigil sa pagkuskos ng aking buong katawan, mula sa aking magkabilang balikat, leeg, mga braso kahit aking mga pisngi kinuskos pero ayaw.. ayaw mabura at matanggal ng kanyang laway, amoy na tila kumapit na sa aking mga balat. Masakit iyon, at alam kong namumula ngunit ayaw kong tumigil sa pagkuskos, matutunaw na rin ang sabon na nasa aking mga kamay.. ngunit hindi ko maalis alis ang tila mga labi niyang dumampi sa aking mga balat. Pakiramdam ko ba nakalapat pa rin ang kanyang buong katawan sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, ang aking buong katawan o ang aking puso? Pinagsamantalahan niya ako. Kinuha niya yung bagay na si Greg lang ang nagmamay ari. Nakakadiri..
Nakakadiri ka Tin!
Nakakadiri!
Nakakadiri ako!
Nanghihinang dumausdos ang aking buong katawan sa banyong aking kinalalagyan, hinayaan kong dumaloy sa akin ang tubig na nagmumula sa shower. At doon isinabay ko ang aking pagluha, paghagulhol na alam kong maririnig niya mula sa labas. Manhid.. manhid na manhid ang aking pakiramdam. Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa aking asawa? sa mga tao kapag nalaman nila ang mga nangyari sa amin ni Grey? Wala akong maisip na matinong dahilan, hindi ko alam kung sino na sa kanila ang paniniwalaan..
Ipinikit ko ng madiin na madiin ang aking mga mata.. pilit kong inaalis ang mga nangyari kanina na tila nakaukit na ng husto sa aking isipan.....-----------
his mouth.. his sinful mouth... nakakadiring isipin na sa akin nanggaling ang mga ungol na iyon habang malayang naglalakbay ang makasalanang labi niya na walang ginawa kundi sumipsip at kumagat sa aking balat. Pumapalag ako, pilit ko siyang itinutulak, lumaban ako ng buo kong lakas ngunit natalo pa rin ako.. hindi ko akalain na makukuha niya ang kanyang gusto.. ayaw man ng aking isipan, puso ngunit ang aking katawan ay unti unti niyang napukaw. Masakit.. para bang hinayaan kong makuha niya ang lahat lahat sa akin kahit pa nga ayaw ko. Ang bawat ungol niya, tawag niya sa aking pangalan ay nakapagbigay sa akin ng di maipaliwanag na pakiramdam. Panghahalay bang matatawag iyon? pamimilit? hindi ko na alam.. naguguluhan ako.
Yung mga haplos niya kanina, may pagmamadali iyon, may halong dahas, p*******t ngunit may naramdaman akong pinong kiliti. Ayaw ko mang maapektuhan ngunit kusang bumigay ang aking buong katawan lalo na ng sabihin niya kaninang lalabasan na siya.. lahat lahat inilabas niya kaloob looban ko. Walang tigil niyang sinasabing mahal na mahal niya ako habang gumagalaw siya sa aking ibabaw.. habang mahigpit na mahigpit niyang kagat kagat ang aking balikat kung saan nag iwan siya ng markang ilang araw o linggo kong iindahin at kailangang itago..
Minarkahan niya ako.
Yung markang kahit ilang beses akong maligo, magsabon, kahit magdugo ang aking mga balat hinding hindi na mabubura.
Malamig na ang tubig na bumabagsak sa aking buong katawan ngunit hindi ko iyon ininda. Ano ang gagawin ko?
Paano na si Greg?
Totoo ba ang mga sinabi ni Gray?
Ako nga ba ang may diperensya o ang aking asawa?
Ano ba ang mas masakit malaman?
"Kristine."
" T-Tin." nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Hindi na akong nag abalang takpan ang aking buong katawan na hubad sa kanyang paningin. Para ano pa, kahit anong gawin ko nakita na rin naman niya ang lahat lahat sa akin. Kahit magwala ako wala na rin namang silbi. Nakakadiri ako. Nakakadiri siya.
" Masaya ka na ba? " walang emosyong sabi ko. Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata habang unti unti siyang yumuyuko para ibalot ako sa tuwalyang nasa kanyang dalawang kamay. " Masaya ka ba?"
" Masaya ka bang makitang nandidiri ako sa sarili ko?! Masaya ka bang makita akong ganito?!! Masaya ka ba?!!"
"Masaya ka na baaaa?!!! " sigaw ko na punung puno ng galit. Tinabig ko ang kanyang mga kamay, tumayo ako kahit nanginginig ang aking mga tuhod.
" Mahal k-kit------
pak!
Sinampal ko siya.. yung tipong pati kamay ko namanhid.
pak!
pak!
pak!
Maraming beses ko siyang sinampal.
"Hayop ka!! Hayop kaahhhh!!! Mahal mo ako? Pero binaboy mo ako Gray!!! I hate you!!! I hate youuuuu!!! I hate yo------------- pumaloob ako sa kanyang mga bisig ngunit nagpumiglas ako, itinulak ko siya.. kinalmot .. ngunit ayaw niya akong bitawan. Binayo ko ng binayo ang kanyang dibdib ngunit nanantili siya nakayakap sa aking na mahigpit habang nakasubsob sa leeg.
"I love you.. I love you Kristine.. I love you.. I love you so much------
" Magalit ka sa akin T-Tin, tatanggapin ko. Alam kong malaking kasalanan ang ginawa ko sayo. Ngunit di ako nagsisisi sa aking mga ginawa. Lalo na at alam kong maibibigay ko yung bagay na matagal mo ng pinangarap. Hindi ako nagsisinung---------- pakiramdam ko nanlaki ang aking ulo.. hindi siya nagsisisi.. itinulak ko siya ng buong lakas kaya nakawala ako sa kanyang mga bisig.
"Sinungaling kah!! Hinding hindi ako sasaktan ni Greg. Hinding hindi ako sasaktan ni Grace. Sinungaling kahh!!"
Hinablot niya ng buong diin ang aking magkabilang balikat at isinandal niya ako sa pader ng banyong aming kinalalagyan. " Magbulagbulagan ka sa paligid mo Kristine. Magpakatanga! Magpakagaga ka! Mahal ka ni Kuya? Mahal ka ni Grace? kaya ka ba nakuha ka nilang lokohin? Tangna Tin!! kasuklaman mo man ako buong buhay mo wala akong pakialam!! Kasi mahal na mahal kita!! Mahal na mahal kita! Kahit nagmumukha na akong tanga!! ." ang kanyang mga mata, namumula na iyon. Yung mga kamay niyang nakahawak sa aking mga balikat ay unti unting nawala at dahan dahan siyang lumuhod sa aking harapan. Nawalan ako ng kakayahang magsalita ng hapitin niya ako ulit papalapit sa kanya habang nasa tapat ng aking puson ang kanyang ulo.
"Magkakanak tayo Tin, Ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Hindi mo man ako mahal, at least naibigay ko sayo yung bagay na makakapagpasay sayo ng lubos. Kaya kasuklaman mo man ako, hilingin mo man na mawala ako sa buhay mo ng tuluyan ayos lang basta masiguro ko lang na magbubunga ang mga ginawa ko sayo, at mapatunayan kong hindi ako ang nagsisinungaling. " Hinalikan niya ng maraming beses ang aking puson na para bang may laman na iyon. Mainit ang kanyang labi na paulit ulit na dumampi doon. Nakatitig lang ako sa kanyang ginagawa. Galit ako.. galit ako sa kanya p-pero---------
"Iwan mo na ako." tumigil siya at tining la i a ako. " Gusto kong mapag isa p-please----
"Alam mo bang maraming beses ko ng sinubukang iwan ka, palitan ka dito sa puso ko. Ilang beses na akong naghanap ng ibang babae na mas karapatdapat para sa akin. Kaya nga lahat ng babae pinapatulan ko na para mabura ka sa utak at puso ko pero sa tuwing gagawin ko iyon.. lagi kang lumalapit at humihingi ng tulong. Lagi ka na lang nangangailangan ng tulong na ako naman itong si tanga nagkakandarapa na naman na matulungan kasi nga mahal na mahal kita Kristine. Sa akin ka dapat. ako dapat ang nasa katayuan ni Kuya Greg pero mas minahal mo siya-----
Hindi ko maintindihan kung anong nakita mo sa kanya gayung inagaw ka lang niya sa akin.---- kung alam mo lang, kung alam mo lang Tin." bago siya tuluyang mawala sa aking paningin dinampian niya pa ako ng isang pinong halik sa aking noo, ramdam ko ang paggalang doon taliwas sa mga ginawa niya sa akin kanina.. punong puno iyon ng pag iingat.. ng pagsuyo.. at ang kanyang mga mata punong puno iyon ng pagmamahal?
Tulala lang akong nakatingin sa pintuan ng banyo kung saan siya lumabas. Marami akong hindi maintindihan sa kanyang mga sinasabi. Marami akong katanungan na gustong masagot dahil sa tuwing magsasalita siya lagi na lang may ibig sabihin.
Ngunit papaano nga ba kung nagsasabi siya ng totoo?
Matatanggap ko ba?
Matatanggap ko bang malaman na pinaikot nila ako? niloko?
Naguguluhan ako.
naguguluhan...