Kabanata Walo (Mad Love)
"Kuya Greg, kumain ka muna halos tatlong araw ng walang laman ang sikmura mo. Baka ikaw naman ang magkasakit nyan ng dahil s---------
balagaaaaaaaagggg!!
tinabig niya ang tray na naglalaman ng kanyang pagkain lahat iyon ay nalaglag sa aking paanan.
" And do you honestly think I can eat Grace, knowing my wife was missing! for damn 3 days!! Siguro nga mas mabuting magkasakit ako baka sakaling lumitaw ang aking asawa!!! siguro nga mas mabuti pang magpakasagasa ako baka s----------
pak!!
Nasampal ko siya, at alam kong malakas iyon dahil halos pumaling ang ulo niya pakanan dahil sa impact noon. Ngunit halos madurog ang aking puso na dahan dahan itong umupo sa kama at tila hinang hina na humagulhol ito ng iyak. Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili, kapatid ko siya, kuya ko siya, at itong nararamdaman ko ay hindi tama pero paano nga ba mapipigilan ang puso kung isa lang ang isinisigaw nito. Paano ba matuturuan itong baguhin kung simula sa pagkabata inalagaan ko ang pagmamahal na iyon na alam kong mali at kasalanan sa diyos at kasalanan sa mata ng tao.
Tama, iniibig ko siya.
Umiibig ako sa isang taong kadugo ko, kapatid ko.
"Im sorry Kuya, di ko sinasady-----------
"G-Grace, please help me find her! Mababaliw ako kapag lumipas ang araw na ito ng hindi ko pa siya nakikita! Hindi ko siya kayang mawala sa akin!! Mas nanaiisin ko pang magdusa siya sa kasinungalan nating dalawa basta kasama ko siya!! kaysa mawala siya sa akin ng tuluyan!! " naghahalo na ang kanyang luha at pawis habang hawak hawak niya ng mahigpit ang aking dalawang kamay. Ilang beses na bang nagkadurug durog ang aking puso ng dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Tin? Ilang beses pa ba akong magkukunwari at magpapakatatag sa kanyang harapan sa tuwing hihingi siya ng tulong sa akin kahit hindi na tama? Kailan naman niya maiisip na ang aking pagmamahal ay hindi pagtingin kapatid na gaya ng turing niya sa akin? Mababaliw siya kapag nawala si Tin? Ako matagal ng nababaliw at nasasaktan sa tuwing maiisip kong lagi silang magkasama, magkayakap at naghahalikan na dapat ay ako, na sana ay ako ang nakakaranas noon kahit alam kong mali.
Hindi ko siya matingnan ngayon, kahit amoy na amoy ko ang alak sa loob ng kanyang kwarto, kahit halos hindi ko na siya makilala dahil sa gulo gulo nitong buhok, may pinong bigote at balbas na ring tumutubo sa kanyang mukha ngunit ang lalong nakakapagpasakit ng aking loob ay kanyang mga mata na tila ba patay na dahil sa pagkawala ni Tin.
" K-Kuya, hayaan mo munang mag isip si Kristine. Babalik din iyon kapag ok na ang lahat. Sa bigat ng kasinungalinang ginawa natin sa kanya masakit at mahirap tanggapin iyon lalo na at babae siya at matagal na niyang gusto kang bigyan ng anak--------- tinabig niya lamang ang aking kamay na dumantay na sa kanyang kanang balikat para sana kahit papaano maipadama ko sa kanya kahit kaunti na kakampi niya ako kahit anong mangyari.
"Kung nasasaktan siya!! mas nasasaktan ako Grace!! mas masakit sa akin ang lahat!! dahil hindi ko kailan mabibigay ang pangarap niyang pamilya!! Hindi ba at mas madaling magkasama naming harapin ang lahat ng sakit kaysa iwan niya ako ng ganito na parang siraulo at hindi alam ang gagawin mahanap lamang siya!!"
blagaaag
bang!!
blagaag!!
Napaatras ako ng wala sa oras ng paghahawiin niya ang mga picture frame sa end table na nasa gilid ng kamang kanyang kinauupuan. Pati lampshade ay hindi nakaligtas sa kanyang kamay at walang pakundangan niya iyong itinapon sa pader dahil para iyon at mabasag.
"Fvck!! humanap ka ng paraan Diane Grace na makita siya!! Just call your fvcking twin brother dahil alam kong kaya siya nawawala at hindi mahagilap iyon ay dahil tila siraulo din siyang naghahanap sa aking asawa!! malamang nga nakita na niya at itinatago sa akin!!"
I know... I know Gray found her. Knowing my twin brother, kahit sulok pa ng Pilipinas magtago ang babaeng kanyang mahal matatagpuan niya ito. And I dont really understand why they love her so much. Kristine is just an ordinary beauty, her naivety was laughable to point na napakadali niyang paikutin kagaya ng ginawa kong pagpapaikot sa kanya para masira ko unti unti ang buhay niya. Tama, ito ay kabayaran niya sa pang aagaw niya sa mga lalaking mahal ko at lalaking minamahal siya. Pinlano ko ang lahat lahat para makaganti sa kanya kahit kaunti. Kahit alam kong wala siyang kasalanan. Kristine was a puppet, a toy for me na naging dahilan ng kasiyahan ng aking Kuya Greg at kamatayan ko ng dahil sa minahal nila ang isat isa. I hate her to the core of my being that I want her dead because of pain and loneliness ngunit bakit parang mas nasasaktan ako? mas nahihirapan ako ngayon?
"Sleep for now k-kuya, I will call him. Just eat, take a bath and sleep. I promise you when you wake up I will tell you where she is." may bikig sa aking lalamunan ng sabihin ko iyon. Gusto kong umiyak sa kanyang harapan para malaman niyang nasasaktan ako. Pero di ko magawa dahil sa nakikitang kong paghihirap niya. Pinagkatitigan niya ako ng husto at pinilit kong ngumiti sa kanya kahit ang sakit sakit na mabilisan niya akong hinalikan sa aking noo.. not on the lips I was dreaming a thousand times. I know it is i****t. Fvck but I longed for his kisses in my dreams, his touch and s*x. I am sick, sick like him in the head..
" Promise me Grace."
"I promise, K-Kuya." matapos kong bigkasin ang mga salitang iyon umalis siya sa aking harapan at tinungo niya ang banyo sa kanilang kwarto. Nang marinig kong ang maingay na pagdaloy ng tubig doon. Doon lang kumawala ang aking mga luha, walang tigil at ayaw magpapigil. I hate her. I really really hate her for making me feel this way! for making me a mad woman! for making me miserable all those years!! plastik na kung plastik ako pero deserve niyang maramdaman ang lahat lahat ng sakit ngayon na kanyang nararanasan... kulang pa nga.
GRAY POV
ring...ring..ring..
Wala sa sariling inabot ko ang aking cellphone na nasa dashboard. Tila ako siraulong nakatanaw kung saan ko iniwan si Tin. Oo nga at pinaalis niya ako sa treehouse ngunit hindi ko siya kayang iwan ng ganun ganun na lang. Mababaliw ako sa kakaisip kung ano ang ginagawa niya ngayon. Iniwan ko siya dahil kailangan niyang mapag isa para mapag isipan niya ang mga bagay bagay. Alam kong mali, pero ginawa ko lamang iyon para mapatunayan ko sa kanya ako ay nagsasabi ng totoo.
ring...ring...ring..
[Gray, its me Grace. Did you find her?]
Napatawa ako ng mahina ng marinig ko ang nakakalokong tanong na iyon dahil at the back of head she want to torture her bestfriend. Kaya nga nakaya niyang magsinungaling kay Tin eh kaya pinanigan na naman niya ang siraulo kong Kuya Greg. Fvck! di ako tanga at nababaliw para hindi ko maramdaman na hindi ordinaryong pagmamahal ang nararamdaman niya kay Kuya. Fvck! thats incest.. nakakadiring isipin.
[Why did you even care if I saw her Grace? hindi ba at mas magiging pabor sa iyon yun? wala ka ng magiging kaagaw sa pinakamamahal mong Kuy-------
[Will you shut up!! Its not wh--
[Pwede ba Diane Grace kung ang iba nabubulag at naloloko mo sa pagpapanggap mo wag mo akong isali sa kanila dahil dilat na dilat ang aking mga mata!! Lalaki ako kaya nakikita at nararamdaman kong matagal mo ng mahal si Kuya Greg hindi dahil kapatid natin siya kundi dahil mahal mo siya bilang lalaki. ]
Nanatili ang mahabang katahimikan sa kabilang linya. Akala ko nga wala na akong kausap not until I heard her crying on the other line. [ P-Please just tell me w-where s-she i-is I want to talk to he------
[Not a chance Grace. Pinaghirapan kong mahanap siya kaya itatago ko siya sa mga mata niyong dalawa ni Kuya. Nang araw na mas pinili mo si Kuya Greg kaysa sa akin, pinutol mo na dun ang pagiging magkapatid natin. Patong patong na ang mga kasalanan nio kay Tin. Hindi pa rin ba kayo matatapos? Hanggang kailan ba mauubos yang galit mo? yang pagseselos mo sa walang katuturan ng dahil lang mas minahal ni Kuya Greg si Tin kaysa sayo?!! Fvck Grace wake up!! your in love with our Big brother!! thats a fvking i****t for godsake!!!]
[Wala akong pakialam!! Just tell me where she is para matapos n-------
[You're too late, Grac----
[What do you mean?] damang dama ko sa kabilang linya ang takot niya, dahil pati ang kanyang tinig ay nanginginig.
[I made her Mine, Diane Grace kaya lahat ng kasinungalingan niyo ni Kuya mabubuko n---------
[Noooooo!!!-----
[Tell to Kuya Greg. He will be having a niece or nephew 9 months from now if she will bear my child. ]
tooooot...tooooot...tooot..
Ibinaba ko ang tawag kahit pa nga nagsisisigaw pa siya sa kabilang linya. inihagis ko lamang ulit ang aking cellphone sa dashboard at tumungo ako sa manibela. Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili na kaya ko pa, kaya ko pang magtiis alang alang sa kanya. Alang alang sa pagmamahal ko sa kanya. I will protect her. Sa lahat ng taong mananakit sa kanya kahit pa nga isa rin ako sa gumawa noon kanina lamang. I love her.. walang makakatumbas noon.
Soon maybe soon
my little Guia or Gael will be born.
just please.. please let her bear my child.
Not for my own happiness but for her too.