GABBIE Hindi ko alam kung paano ko ba natitiis ang ugali ng isang ito. Araw-araw naman kaming nagbabangayan na dalawa at parang normal na nga ito sa aming dalawa. Friday na ngayon at gusto ko talagang ituloy ang balak ko. Wala naman kasing mawawala kung gagawin ko. At isa pa wala naman pakialam sa akin ang lalaking ‘yon. Hinahayaan ko nga lang siya na lumabas sa gabi at kung saan man siya pumunta ay bahala na siya. Basta nagigising na lang ako sa umaga na katabi ko na siya. Gusto kong awayin pero hindi naman siya amoy babae. At isa pa dapat in character pa rin ako na wala akong pakialam sa mga ginagawa niya. “Puwede ba ako umalis mamaya?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. “Lagi ka namang umaalis, so anong bago?” “Masama bang magpaalam?” tanong niya rin sa akin. “Sa tagal mo ng um

