GABBIE “Ito naman ang gusto niyo kaya kayo na ang bahala sa kany–” Hindi ko na siya hinayaan na tapusin pa ang pambabastos niya kay mama dahil… “Fvck! Bakit ka ba nanakit?” tanong niya sa akin dahil sinampal ko ang bibig niya. Ako kasi ang naiirita sa pagsagot-sagot niya sa mommy niya. Na para bang gusto na niya itong sigawan. “Ang bastos mo kasi sa mommy mo,” sagot ko sa kanya. “Hayaan niyo na lang kasi ako. Nakuha niyo na ang gusto niyo kaya ano pa ang gusto niyo? Nanakit ka akala mo naman kung–” “Saan ka naman pupunta? Sa bar? Doon ka pupunta sa mga babae mo? Okay, umalis ka na. Kung ‘yan ang gusto mo ay gawin mo. Wala namang may pakialam sa ‘yo. Do whatever you want at wala akong pakialam,” sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay ni mama. “Kumain na lang po tayo, mama. Haya

