GABBIE “Gab, ano ba?” Magsalita ka nga–” “Mrs. gov, payag na po ako,” nakapikit pa ako habang sinasabi ko ito. “What?!” ang lakas ng boses ni Adler na para bang mabibingi ako. “Ano ba ang problema mong bata ka? Pumayag na nga si Gab tapos parang ikaw pa ang lugi sa inyong dalawa,” sabi pa ni mrs. gov. “Ako naman po talaga, mom. Ako itong pinipilit niyo eh,” sabi pa niya na halatang ayaw niya. “And you, sabi mo kanina ay ayaw mo! Bakit ngayon ay pumayag ka na?” galit na sabi ni Adler sa akin. “Kung ako sa ‘yo ay papayag na lang ako, bro. Para walang gulo,” sabi naman ni Raleigh. “Ikaw na lang kung gusto mo!” “Adler, umakyat ka na sa taas at magbihis,” bigla na lang nagsalita si gov Adam. “Dad–” “Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?” seryoso na tanong nito sa anak niya. Hi

