BEGINNING
"Isang magandang umaga Alicia" pagbati ko sa aking sarili. Inaantok pa ngunit kailangan talagang bumangon.
"Alicia panibagong araw panibagong pagsubok na naman ang darating, hayss sana naman makapagipon na ako ng pera at makapagtapos na ng pag-aaral". saad ko sa aking sarili.
Kinakailangan ko na talagang makapagipon ng pera dahil nalalapit na ang bayaran ng tuition ko. Alam ko naman na onti lang ang natatanggap ko na pera galing sa pa-scholar ng aking paaralan kaya kailangan kong kumita ng pera sa pagpapart-time job. Bumuntong hinga na lamang ako ng maisip ang aking trabaho. Mahirap pakisamahan ang aking mga katrabaho sa aking pinapasukan dahil ang tingin nila sakin ay isang hampaslupa na walang pinag-aralan. Masakit man ang kanilang sinasabi saakin ngunit tinitiis ko na lamang. "ano ba magagawa ng tulad ko?" natatawang sambit ko sa utak ko.
Simula talaga ng aksidente na iyon nagkanda malas malas na ko sa buhay. Pero ang iniisip ko bakit kaya wala akong maalala. Pinipilit ko naman alalahanin ang mga nangyari ngunit wala talaga. Simula nung paano ako nasagasaan hanggang sa madala ako sa ospital. Ni hindi ko nga alam kung sino mga magulang ko. Palaisipan pa rin ito saakin.
"hayss,, makapaligo na nga lang" sambit ko sa aking sarili.
"Alicia!!!" sigaw ni RAMONA.
Si Ramona Odette Levine. Babaeng pinagkakandarapaan ng mga kalalakihan sa aming paaralan. Maganda. Sexy. Tanned Skin. Model. Visual of University of Elk Valley. Famous. Rich.
Nasa kanya na ang lahat ng ninanais ng lahat ng kababaihan. Ngunit hindi ako kasama roon. Maraming nahuhumaling sa kanyang kagandahan ngunit kabaliktaran naman ito ng kanyang ugali. Maraming hindi nakakaalam sa totoong ugali ng isang "Ramona Odette Levine".
Si Ramona ang aking boss sa aking trabaho. Nung una ko siyang makilala tingin ko sa kanya ay isa siyang mayuming babae at mabait na dalaga at kaibigan na maaasahan. Subalit nagkamali ako roon. Nung makilala ko siya masasabi kong maganda ang pakikitungo niya saakin. Ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari biglang nagiba ang pakikitungo niya saakin. Mas lalo niya akong pinahihirapan sa trabaho-
*Sandali akong napatigil sa pagiisip ng may sumigaw saakin*
"Ano!? Dati ka bang bingi ha!?" sigaw niya saakin.
"Ramona. Ano iyon?" buti na lamang talaga walang katao tao ng sumigaw siya dahil kung meron man baka katapusan na niya. Kilala si Ramona sa pagiging "Mabait" niya. Akala ng lahat isang babae na mayumi sya, gaya ng pagaakala ko sa ugali nya. Ngunit hindi, isa siyang spoiled, masama, manipulative, at sinungaling. Two faced kumbaga. Hayss ayoko na maging isang alipin niya.
"Gawin mo yung homework ko sa Physics and Mathematics" sabi niya.
Eventhough that's not part of my job, ginagawa ko pa rin. Ginagawa ko pa rin since binibigyan niya ako ng incentives. Kaso ayoko na rin kasi gumawa ng gumawa ng gawain niya. Nakakaaekto na kasi sa pagaaral ko. Sobra na ung mga trabaho na pasan ko.
"Don't worry I'll transfer the payments later in your account. Don't tell anyobe about this or else I'll make sure you get fired on your job." tugon niya.
"Okay. Sige sa Wednesday ko ibibigay." saad ko.
And then back to normal na naman siya. Sa pagiging mabait niya. Hayss napaka Two faced talaga. "anong oras na ba baka malate pa ko sa klase, aakayat na nga ko"
"Ouch." aray kong sabi.
Isang katangkaran na lalaki, malaki ang katawan, halatang mahilig sa sports sa laki ba naman ng katawan, kaya nga ko nasaktan sa pagkakabungo niya, mukang studious din siya, maputi, at may kagwapuhan. Siguradong transferee ito. Mali yung dinadaanan niya papuntang labas na ito eh. Hindi na ko nagatubali pang tanungin siya at baka mali lang ako ng inakala. Kaya patuloy na lang ako sa king pag-lalakad.
"Sorry. Ahm-m alam mo ba kung saan yung Physics Lab, and kung nasaan si Mr. Neil Morrison?"
Shuta parehas pa kami ng pupuntahan well okay lang naman. "What a Coincidence" nga naman hahahahah.
"Um, Yes I know where the Physics Lab and the person you're looking for. Dun rin kasi punta ko. Ano? Sama ka? " sambit ko.
"Yeah. Sure." tugon niya.
At dun na nagsimula ang katahimikan. Akward. Ititikom ko na lang yung bibig ko baka mapahiya pa ako. Muka din naman siyang tahimik kaya sigurado akong hindi na niya maiisipan pang magsalita bago kami makapunt-
"I'm Ace. Can I ask your name? Just wanna know the person's name helping me."
Nagulat ako sa biglaang pagtanong niya ngunit hindi ko na inatubili pang ipakita sa kanya ang ekspresyon ko.
"Ahh I'm Alicia Mira Solace. You can call me Alicia or Mira hahahaha." saad ko.
Akward Laugh. Hays di ko naman inaasahan na tatanungin niya ko kaya yun medyo akward. Hayss hirap talaga pag medyo may pagka introvert akong tao.
"Oyy. Ang gwapo bes" tinig ng babae.
Sabi na eh pagtitinginan talaga yung kagwapuhan nito eh. Ang daming nakatingin sa kanya potek damay pa tuloy ako imposibleng di ako mapansin nitong mga ito.
"Oo nga bes. Shuta ang gwapo." saad naman ng isang babae.
"He looks so much a model. Hmm sa ganda kong ito magkakaroon ako ng pag-asa sa kanya." sambit ng babae.
"Ohh. Naiilang na ko sa tingin nitong mga ito." bulong ko.
"Ako rin eh, hahahahhaha." bulong niya saakin.
Nagulat ako sa pagsalita niya ng wala sa oras di ko inakala na narinig niya pala ako. Sa hina ng boses ko narinig niya pa ako. Talas naman ng pandinig nito.
"Ahh hehehe sorry nakakailang talaga eh, hindi talaga ako sanay na pagtitinginan rin alam ko naman na sila sayo nakatingin pero syempre nandito din naman ako sa tabi mo ala-m mo yun." di ko napigilan sarili ko sa patuloy na pagsasalita nakakahiya tuloy sa kanya, paano kung sabihin niyang napakadaldal ko. Haysss paulit ulit kong pinagpapalo ang aking bibig sa paggawa ng nakakahiyang bagay.
" Hahahhah di ko inaasahan na madaldal ka rin kagaya ko hahaha kanina kasi kating-kati na rin akong magsalita kaso baka mailang ka haahahah." sambit niya.
"Hahahaha pasensya na rin. Naiilang talaga ako sa mga sulyap na nararamdaman ko kaya kapag hiyang-hiya na ako hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagsasalita lalo na nung kinausap mo ko hahahah."
Tumatawa-tawa kaming nakarating ng Physics Lab. At napansin kong wala pa si Mr. Neil Morrison. Ngunit bakit nakatingin ata ng masamang masama sakin si Ramona.........
To be Continued........